Pangarap na Bituin, Episode 40

by

Itinanong ni Ruby kung bakit ganoon ang ginawa ni Emerald kay Sapphire. Gusto lang daw makasigurado ni Emerald. Sinabi ni Ruby na may katunayan si Ruby kaya lang umalis na siya. Nag-walk out si Ruby habang naiiwang naiiyak naman si Emerald.

Pinuntahan ni Ruby si Sapphire sa trabaho. After work, lumabas sina Ruby at Sapphire at itinanong ni Ruby ang tungkol sa nanay nila kasi sinabi daw ni Emerald na umalis ang nanay nila mula sa pinagtataguan nila para hanapin si Sapphire. Pero hindi matandaan ni Sapphire ang pangyayari. Ang alam daw niya mahal na mahal sila ng mga magulang nila at siya raw ang laging nag-aalalaga kay Ruby noon.

Habang kausap ni Emerald si Terrence, sinabi ni Emerald na gusto niyang maging ate si Brigitte pero baka raw dumating ang panahon at malaman niyang hindi talaga ito ang totoo niyang ate at masasaktan lang siya. Sinabi ni Terrence na kausapin ni Emerald sina Ruby at Sapphire.

Hindi makatulog si Ruby masaya ito at naisip niya na kung paano sila nag-reunite ng mga ate niya. Si Sapphire, tinititigan ang mga pictures nina Emerald. Hindi rin makatulog si Emerald.

The following day sinabi ni Ruby kay Emerald na bigyan nito ng chance si Sapphire na para i-prove na magkapatid sila.’

Kinausap ni Emerald ang imbestigador at isinuggest nito na tignan muna ang proof ni Sapphire.

Pinuntahan ni Jeffrey si Ruby at niyaya niyang umalis. Sumama si Ruby kahit noong pakipot siya at first. Inalis ni Ruby ang lahat ng burloloy niya at nagsot ito ng cap at hoody sweatshirt dahil daw baka makita sila ng nanay ni Jeffrey.

Kumain sa labas sina Terrence at Albert at nalaman ni Alberta na nakita na nina Emerald ang Ate Sapphire nila.

Sinadya ni Emerald si Bridgitte. Gusto lang daw niya itong kilalalanin. Nabanggit ni Emerald na nagkikita pala sila ni Ruby. Huwag daw mag-alala si Emerald, hindi siya nakikipag-close kay Ruby para mapalapit sa kanya. Hinanap ni Emerald ang proof na sinasabi niya. Sinabi ni Sapphire na hindi naman daw niya kailangan ng proof kung gusto niya itong kilalanin bilang kapatid.

Sinabi ni Emerald na hindi na niya maalala ang mukha ng Ate Sapphire niya at ni mukha ng mga magulang niya hindi na niya alam. Naniniguro lang daw siya. Ipinakita ni Sapphire ang Birth Certificate niya. (Paano siya nakakuha nun?)

Paulit-ulit na binabasa ni Emerald and birth certificate. Kinanta ni Sapphire ang kantang itinuro ng mga magulang nila sa kanila noong mga bata pa sila. (Damn, kinilabutan ako…)

Itinuloy ni Emerald and kanta at nagyakap sila…

(Putol iyong teasers na napanood ko pero sinampal ni Alberta si Ruby at sinabing layuan daw nito ang anak niya!)

3 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 40”

  1. maria pagdato Says:

    I want emerald to be happy with Jerico .

  2. Emerrence fan Says:

    We are all looking forward to a happy ending between Emerald and Terrence PNB teleserye.
    We were wondering though why Ruby shows mistrust to her sister Emerald and suddenly switches her loyalty to her sister Sapphire whom she just met. We thought it is an abnormal attitude from a sister whom Emerald shares the ups and downs of life already and considering they were friends since childhood when they did not know they were sisters yet. Hello…. Ruby…what’s wrong with you girl?

  3. 01m25a19r90k Says:

    magiging happy pa kaya si emerald😕 sa tingin ko eh sisingit ata sa eksena si sapphire..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: