Ysabella, Episode 89

by

Habang nasa kotse ni Mito si Ysay nabanggit ni Mito na may kaibigan siya na si Venice.

Kinabukasan abala ang lahat sa pagbubukas ng restaurant ni Mito. Sa opening, naka-line up silang lahat para salubungin ang mga diners.

Sa Victoria’s Corporation naman, pinag-uusapan ng mga board members ang dapat nilang gawin tungkol kay Ysay. Gusto nilang labanan ito legally at kahit ayaw ni Albert, tila walang nakakarinig sa mga objections niya.

During the presscon may nagtanong na reporter kay Ysay tungkol sa inihanda nilang manok. Magkalasa daw kasi ito at ang manok ng Victoria’s Chicken. Dito na sinabi ni Ysay na namana ng nanay niya sa lola niya ang recipeng iyon. At ninakaw ito ng taong pinagkatiwalaan ng husto ng nanay niya na nagtatrabaho sa Florencia’s noon.

Sinabi ng reporter hindi raw ba at magkapartner sina Ysay at Albert noon at balak din nilang ilabas ang Victoria’s chicken. Baka raw siya ang nagnakaw ng recipe.

Nagalit si Mito at nagbantang paalisin ang reporter kung hindi ito titigil. Hindi naman umubra ang banta ni Mito dahil lalo pang nagalit ang reporter at sinabi nitong nagpalabas na ng fillers ang Victoria’s corporation tungkol sa pwedeng mangyari sa ginawang ito ni Ysay.

Sinabi din ng reporter na ang source niya ay walang iba kung hindi si Albert Amarillo.

Hindi malaman nina Ysay kung paano nalaman ni Victoria ang gagawin nila. Narealize nilang lahat na si Reno lang naman ang may contact sa mga Amarillo. Umamin na ito at sinabing hindi naman niya alam na ipagsasabi ito ni Lima.

Pag-uwi ni Victoria (na nagsasaya dahil sa nangyari) galit na tinanong ni Albert kung bakit pati siya ginamit niya. (It turns out hindi naman talaga si Albert ang source ng reporter.) Nakiusap ito sa ina na itigil na ang ginagawa niya pero ayaw ni Victoria.

Sinabi ni Trining kay Reno na layuan na niya si Lima at wala ng lalapit sa mga Amarillo sa kanilang lahat.

Nasa board meeting na naman sina Victoria at nag-aalala sila sa posibleng kalalabasan ng mga rebelasyon ni Ysay. Nag-aalala sila na baka masira ang image ni Victoria lalo na’t tatanggap ito ng Asia’s Entrepreneur of the Year award. Sinabi ni Albert not to worry pero hindi sumang-ayon ang mga board members sa kaniya. Nagbotohan sila kung ipu-pursue nga nila ang legal action towards Ysay, hindi bumoto si Albert at sinabing magku-quit na ito. Nag-walk out na si Albert.

Reno confronted Lima. Sinabi ni Lima na hindi niya sinasadyang marinig ni Victoria ang tungkol sa sinabi ni Reno sa kanya. Nagalit si Reno at nag-walk out.

Pinipigilan ni Victoria si Albert dahil kapag nalaman ng press na nag-quit ito baka kung ano pa ang isipin ng press. Sana raw tinupad na lang ni Victoria ang usapan nila, sabi ni Albert. Sinabi ni Victoria na kapag bumalik si Albert kay Ysay, triple pa ang ipaparanas niya kay Ysay. Sinabi Victoria na hindi ito babalik kay Ysay. Babalik na raw ito sa Madrid.

Nagalit si Victoria sa kanya at sinabihan siyang duwag. Sinabi ni Albert na bakit daw, hindi raw ba totoo na ninakaw niya ang lahat kina Ysay? Sinampal ni Victoria si Albert. Nakiusap muli si Albert sa ina na tigilan na si Ysay. Pero hindi pumayag si Victoria…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 89”

  1. Rose Says:

    Pls. paki sign naman ang petition para mapaaga ang timeslot ng Ysabella Thanks!

    http://www.petitiononline.com/ysabella/petition.html

  2. Rose Says:

    Pls. sign the petiton for an ealier timeslot for Ysabella.

    http://www.petitiononline.com/ysabella/petition.html

  3. Luz Says:

    I love Mito. He’s so supportive. Talagang ang ganda ng character na ito. Hope he gets Ysay in the end, hwag lang kokontrahin ni Ryan at Alfie. Kaya nga naurong na nang naurong ang time slot dahil sa ayaw patalo nitong si Albert na character ni Ryan. Sana wala na lang silang say, kung ano ang dapat mangyari, mangyari. Nakakasawa na ang pagmumukha ni Ryan sa screen. I do not like the character of Albert; moreover, I do not like the actor portraying him. Hope this is going to be the last teleserye pairing these two together. Iba naman ang i-pair kay Juday. Hinihila niyang pababa si Judy Ann. Mabigat siya sa career ni Juday.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: