Pangarap na Bituin, Episode 39

by

Ikinuwento ng kapitbahay ni Bridget noong iniuwi siya ng mga umampon sa kanya noong mga siyam na taong gulang palang siya. Awang awa nga raw ito dahil hindi siya nagsasalita. Dahil hindi raw nagsasalita, sila na ang nagpapangalan dito.

Lately daw paulit ulit niyang sinasabi na kapatid niya sina Ruby at Emerald. Akala nga raw niya nasisiraan na siya ng bait. Isang buwan na raw itong umalis mula noong namatay ang mga magulang niya. Basta ang alam daw niya nagtatrabaho siya sa isang department store.

Bago sila umalis, ibinigay ng kapitbahay ni Bridget ang isang kahon. Pakibigay na lang daw kay Bridget.

Sinabi ni Berns kay Ruby na huwag daw muna itong ma-excite dahil hindi pa raw sila nakakasigurado. Sasamahan daw nito si Ruby sa work place ni Bridget para makausap niya ito ng harap-harapan.

Habang nagmamaneho si Alberta, naalala niya ang past niya at ni Jimboy (yung ex at blackmailer niya). Nag-aayos ng mga nakaw na kotse si Jimboy at abusive ito kay Alberta. Magkaibigan na sila noon pa ni Loren (iyong friend na nakita nila sa libing ni Cazzie). Pinayuhan nito na si Alberta na layuan na si Jimbo. Amo na niya noon pa si Benedict at nakita niya ang pasa sa mukha ni Alberta. Inalok nito ang tulong niya kay Alberta.

Pagdating niya sa meeting place nila ni Jimbo, iniabot na niya ang pera pero kulang pa raw ang pera sabi ni Jimbo. Dahil daw mapera lang ang si Benedict kaya ipinalit niya ito sa kanya. Hindi raw totoo iyon, kriminal daw siya kaya nilayuan siya ni Alberta.

Ipinaalala ni Jimbo kay Alberta na mag-asawa na sila ni Benedict ay may nangyari pa sa kanila noon. Kaya magkita na lang daw sila later on.

Habang hinahanap nina Ruby at Berns si Bridget, narinig nilang may kumakanta ng kanta ni Emerald. Nakita nila ang babaeng kumakanta gamit ang magic mic — si Bridget.

Alam daw ni Benedict na nag-aalala si Alberta kina Jeffrey at Terrence pero iyong mga experience daw nila will make them better men.

Kumain sina Berns, Bridget at Ruby. Tinanong ni Ruby kung bakit sinusundan sila ni Emerald. Fan daw kasi nila ito. Sinabi ni Ruby na sinabi na ni Manang Maria (the madaldal na neighbour) na siya si Sapphire Gomez. Dineny ni Bridget, hindi raw totoo iyon. Sa pagmamadali niyang umalis, natapon ang laman ng kahon at nakita ni Ruby ang birth certificate ni Bridget/Sapphire.

Napanood sa TV nina Emerald (and at the same time ni Alberta) ang show ni Ogie Diaz at sinasabi nitong may mga kumakalat na tsismis na nakita na si Sapphire. (Nasira nga ang cellphone ni Emerald hindi ba so hindi sila macontact.)

Nagpasiya si Emerald — uuwi na sila.

Pag-uwi nila naroroon na sina Berns at Ruby. Lumabas sina Cocoy at Bridget/Sapphire at sinabi ni Cocoy na si Bridget si Sapphire.

Maraming tanong si Emerald kay Sapphire pero maraming hindi natatandaan si Sapphire. Iyon daw ang dahilan kung bakit hindi niya sila nilalapitan. Tama na raw na nakita niyang maayos sila (Bakit wala siyang lukso ng dugo kay Sapphire?). At umalis na ito…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 39”

  1. Bakit naman? Says:

    Bakit naman si Ruby ay kampi kay Sapphire and does not trust Emerald while she only met Sapphire now. She should stand behind Emerald and should show loyalty to her sister who took care of her now or even when they were little. It looks like she is siding with Sapphire when Ruby does not even know Sapphire at all. I can’t understand why Ruby will believe Sapphire or the talkative “neighbor” without basis. Emerald and Ruby should show strong bondage as sisters as they are together longer. If it were true to life, Ruby should understand Emerald’s uncertainty as anybody could pretend especially now that they are on their way up.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: