Ysabella, Episode 88

by

Patuloy pa rin ang away nina Ysay at Alex. Sinabi ni Alex na ilabas na raw sa kanya ni Ysay ang lahat ng galit niya. Natataranta naman si Trining dahil hindi niya alam kung paano awatin ang dalawa.

Nagpunta si Ysay sa puntod ni Andrew at parang batang itinanong nito kung bakit siya ang sinisi e hindi naman niya kasalanan. Si Andrew daw ang may kasalanan at madaya raw ito dahil hindi niya hinitay si Ysay.

Nagkita sina Ysay at Albert doon. Isinoli ni Ysay ang kwintas na bigay ni Albert sa kanya. Galit na galit na pinagsasampal ni Ysay si Albert. Sinabi rin niya na ang talagang mahal nito si Andrew at hindi si Albert.

Nag-aalala naman sina Alex at Trining kung saan nagpunta si Ysay. Pagbalik ni Ysay, nagbati na sila ni Alex.

Umiinom naman si Albert habang hawak hawak ang kwintas ni Ysay. Sinabi nito na magpapakalayo na siya.

Sinabi ni Ysay kina Alex at Trining na lalabanan niya ulit ang mga Amarillo.

Ini-launch na ang bagong campaign ng Victoria’s Chicken. Ini-anunsiyo rin nila na 10% ng gross revenue nito ang idodonate sa charity para sa mga bata.

Napanood ito ni Ysay. Pinatay niya ang Tv at tinawagan si Mito.

Nagpunta sina Ysay, Trining, Alex at Reno sa Rosario’s Cucina. Manghang-mangha sila sa mga nakikita nila. Nakita ni Ysay ang picture ng nanay niya sa entrance ng restaurant. Sinuklian ni Ysay ng matamis na ngiti ang ginawang iyon ni Mito.

Humingi ulit na paumanhin si Ysay sa paninigaw niya kay Mito noong nakaraang araw. Siempre pinatawad siya ni Mito at inalok niya ulit si Ysay na maging chef ng restaurant niya. Industrial partner daw niya si Ysay, 50-50 sila para fair — with no strings attached daw.

Habang nagluluto sina Mito at Ysay, pinigilan ni Ysay si Mito na itapon ang mga paa ng manok at ginawa niyang adidas ang mga ito at ipinakain kay Mito at nagustuhan naman niya ito.

Pinag-usapan na nila ang gagawin nila sa restaurant. Si Trining ang magmamanage ng mga stocks at supply nila, si Alex ang bahala sa mag magpe-perform, si Reno ang waiter, si Jordan ang sa banquet at sales coordinator. Tumanggi si Jordan dahil may tinitignan daw itong ibang trabaho. Napansin nila na nagkakailangan sina Reno at Jordan pero sinabi ni Mito na kalimutan muna nila ang mga personal issues nila dahil kailangan silang dalawa doon.

Nabasa ni Trining na kasama sa menu ang kinasal na manok.

Nalaman ni Lima from Reno na ilalabas nina Ysay ang kinasal na manok (tattle tale!) habang kumakain sila sa labas. Nag-aalala kasi siya na baka magalit sa kanya si Lima dahil magkalaban ang mga business nila.

Umuwi si Lima at sinisi si Albert (na may kausap at sinabing babalik na siya sa Spain). Dahil daw sa mga kalokohan nito kung kaya’t nilalabanan sila ni Ysay. Gumawa daw ito ng paraan dahil hindi ito dapat malaman ng mommy nila dahil magkakagulo na naman ang lahat.

Pumasok si Victoria at narinig niya ang sinabi ni Lima. Si Albert din ang sinisi niya. Ayusin daw ito ni Albert or else siya ang gagawa ng dahilan para mawala si Ysabella sa landas nila. Hindi daw sila patatahimikin ni Ysay hangga’t hindi niya nakikita ang mga ito na gumagapang…

4 Tugon to “Ysabella, Episode 88”

  1. Jo Ann Says:

    Napakaganda ng teleserye na ito and I can’t help missing any episode. Naiinis ako kay Albert kasi he promised his brother Andrew sa puntod niya that he will not hurt Ysay anymore pero lahat ng ginagawa niya eh, to hurt Ysay pa rin. Oo nga, gusto niyang ilayo si Ysay sa galit ni Victoria (his Mom) pero, he is just making it difficult to himself, Ysay and to everybody…Kuddos for a job well done kaya lang I hope na may ending sa teleserye na ito as it is not good to run a series for many years…Di bali ng maikli pero, pinanabikan kaysa ang tagal at pinagsawaan.

  2. fauna Says:

    ALBERT syempre!!!!!! May depth and love story nila. Hindi ko mapuntahan yung link na nsa DITO. =(

  3. donya Says:

    sobrang complicated na ang mga pangyayari sa pagitan nina albert at ysay, involving Victoria. Kahit pa anong gawin sa story, d na magandang ituloy pa ang love story nina ysay at albert. Kaya kay Mito pa rin ako, tall, dark & handsome, at mahal na mahal si Ysay. Kahit pa sa ending eh bumaligtad si Albert at ipagdiinan nya sa lahat na ang mother nga nya ang nagnakaw ng recipe, lalo lang magiging hell ang buhay para kay ysay kung itutuloy nya ang pag-ibig nya kay albert. Samantalang kung kay Mito, smooth sailing na ang buhay ni Ysay at magiging masaya na silang lahat, except Albert . Sorry na lang sya, kakambal lang naman sya ng taong natutunang mahalin ni Ysay, c Andrew, d b? So RIP na lang si Andrew at ng matapos na ang story, he he he

  4. pgsmchan Says:

    i don’t believe na si andrew ang minahal ni ysay….. naniniwala akong si albert ang minahal niya, kung hindi bakit tinanong pa niya si albert tungkol sa lahat ng ginawa niya para sa kanya… (UMAASA KASI YSAY NA SASABIHIN NI ALBERT NA TOTOONG MINAHAL SIYA NI ALBERT) kung umamin si albert, tiyak na sasabihin ni ysay na ang minahal niya ay si albert… ANG REFERENCE KO AY ITO: REMEMBER THE PREVIOUS EPS…

    Ysay: alam mo minsan iniisip ko na IBA and taong minahal ko kaysa sa KAIBIGAN KO NOON… (TAKE NOTE IBA UNG KAIBIGAN, IBA UNG MINAHAL)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: