Pangarap na Bituin, Episode 38

by

Tinanong ni Cocoy kung bakit inilihim nina Emerald at Terrence ang relasyon nila. Natatakot daw kasi si Emerald na hindi pumayag si Cocoy at baka isipin nito na may masama silang ginagawa. Sinabi niya na hindi nila niloko si Cazzie. Sinabi ni Cocoy na kilala nila ang dalawa at alam niyang hindi nila maloloko si Cazzie.

Kung kinakailangan daw na humarap sila sa tao para umamin handa daw siya sabi ni Terrence. Pero ayaw ni Emerald.

Ipinacancel na ni Cocoy ang presscon.

Kinuha ng Charmee si Emerald bilang endorser ng produkto nila.

Habang nag-aabang ng taxi si Ruby, nakita siya ng mga fans niya at nagpapicture sila kasama siya. Nakita ni Ruby si Jeffrey at sa kakatawag nito sa kanya, muntik na siyang masagasaan ng taxi.

Ibinalita ni Ruby kay Berns na nakita niya si Jeffrey. Naghihinala ito na nasa Pilipinas lang siya kaya hindi siya nito sinusulatan. Natatakot lang daw kasi si Jeffrey na idemanda siya nina Ruby dahil kidnapan issue. Hinala naman ni Berns, si Alberta ang may pakana noon.

Nag-sneak in (with matching black outift, ski mask and night vision goggles –i think) sina Berns at Kimmy. May nakita silang nakasuot din ng itim. Pinagpapalo ito ni Ruby — si Jeffrey.

Tatalakan sana ni Ruby si Jeffrey pero tinakpan nito ang bibig niya dahil padating na sina Alberta at Benedict. Bumusina ang driver nila at bumaba ang mag-asawa habang pinag-uusapan nila si Jeffrey. Ayon daw sa imbestigador, isang linggo ng nasa Pilipinas si Jeffrey (they don’t sound concerned enough).

Noong nakapasok sila sinabi ni Jeffrey kay Ruby na wala raw dapat makaalam na naroroon siya. Bago ito umalis ay hinalikan niya sa pisngi si Ruby.

Nagpaalam si Emerald kay Terrence dahil mawawala daw ito ng ilang araw para ipromote ang CD niya. Ibinigay ni Terrence ang singsing na ibinigay ni Alberta sa kanya para ibigay kay Cazzie noon. (Remember that he bought Cazzie another ring instead of giving her the family heirloom.)

Nagkita sina Ruby at Jeffrey. Pakipot pa si Ruby, ayaw niyang aminin na namiss niya si Jeffrey.

May sorpresa sina Berns at Cocoy sa mga girls — may van na sina (I’m not very god with vehicles so I don’t know which kind).

Pinuntahan si Alberta ng blackmailer/ex-bf niya at nanghihingi pa ito ng additional na pera. Magbigay na raw ito ng pera dahil oras na malaman ni Benedict ang tungkol sa kanila, hindi lang daw pera ang ipambabayad niya.

Paalis na sina Emerald at Chorva. Inihabilin niya kay Ruby na sabihin kay Bridget niya hindi ito natanggap sa trabaho.

Nag-gu-goodnight at nag-a-Iloveyou sina Terrence at Emerald. Nag-Iloveyou too si Emerald at narinig siya ni Chorva. Nag-agawan sila ng telepono dahil ayaw maniwala ni Chorva na si Cocoy ang kausap ni Emerald at tumilapon ang cellphone.

Sinadya nina Berns at Ruby ang tirahan ni Sapphire. Nakilala sila ng kapitbahay ni Bridget. Sinabi nito na kahawig niya si Bridget at pinagmamalaki daw kasi sila ni Bridget. Mahal na mahal silang dalawa ni Emerald ni Bridget. Hindi lang daw bilang fan kung hindi bilang isang kapatid.

Sinabi na ng kapitbahay nila na si Bridget ang panganay nilang kapatid na si Sapphire…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 38”

  1. Emerence fans Says:

    I love this episode dahil they expressed their love for each other and said “I love you” before Sapphire comes. Baka kasi agawin niya si Terrence with vested interest. Sana until the end Terrence remains faithful to Emerald’s love and no matter what other says and inspite of what he hears, he believes her love and concern completely. Same applies to Emerald.

    I just realized now that Terrence did not give the heirloom ring to Cassie. He really intends to give it to Emerald pala. Wow, great! Yehey…. Parang nararamdaman ko ang titig ni Terrence kay Emerald….at ganoon din naman ang titig ni Emerald towards Terrence.

  2. Sweet Says:

    We love Sarah & Jericho in this teleserye….Every episode is really nice!
    Kinikilig kaming lahat dito. This should have a happy ending…with Emerald & Terrence together no matter what….Looking forward to all coming episodes.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: