Ysabella, Episode 87

by

Nagpunta si Albert sa puntod ni Andrew para humingi ng tawad sa mga nagawa niya. Tatapusin na raw niya ang lahat.

Todo asikaso naman si Mito kay Ysay pero gusto daw ni Ysay na mapag-isa.

Pag-uwi ni Albert malungkot ito. Hindi niya sinasagot ang mga tanong ni Victoria. Sinabi niya na tigilan na sana nila si Ysay para matapos na ang lahat. Puro na lang daw si Ysay ang bukambibig. Sinabi ni Albert na dahil mahal daw niya si Ysay. Nakikiusap ito sa ina na tigilan na nila si Ysay. Kung hindi para sa kanya, gawin ni ito ni Victoria para kay Andrew.

Inalok ni Mito sina Trining na sa kanya muna tumira pero sinabi nila na marami na siyang naitulong sa kanila kaya kina Tere na lang muna sila. Dumating si Reno at sinabi nitong pati siya ginago ni Alberta. Pinatawad na nina Trining si Reno.

Sinabi ni Victoria na mangako si Albert na lalayuan na niya si Ysay. (Kuuuu…sinabi mo na kay Andrew iyan e.) Pumayag si Albert.

Pinuntahan ni Reno si Ysay sa kwarto nito sa ospital at humingi ito ng tawad sa kanya.

Pinapakain nina Trining at Mito si Ysay pero wala itong gana.

Balik Albert na talaga si Albert. Nasa opisina na ito at abala sa mga trabaho niya.

Tinulungan ni Jordan si Reno habang nagliligpit kina Tere. Nag-ring ang phone ni Reno pero hindi niya sinagot. Sinabi ni Jordan na sagutin na niya dahil baka iyon ang babaeng sinasabi niyang nambasted sa kanya dati. Sinabi na ni Reno kay Jordan na si Lima ang babaeng tinutukoy niya. Umalis si Jordan at iniwan niya si Reno.

Pinuntahan nina Ysay, Mito, Trining at Alex ang puntod ni Andrew (na namatay noong May 02, 2007 ayon sa — grave nito…e hindi ba last year pa namatay si Andrew). Iyak ng iyak si Ysay at paulit-ulit na humingi ng tawad ito kay Andrew.

Nakauwi na si Ysay. Tuwang tuwa si Alex dahil may offer na ang RJM sa kanya (tinawagan ito ni Albert beforehand para sabihin na pwede na nilang kunin si Albert). Sinabi ni Trining na hindi raw ba at kasabwat iyon ni Albert? Okay lang daw sabi ni Alex dahil ang mismong big boss ang tumawag sa kanya.

Sinabi ni Ysay na pag wala na siya sa wheelchair, magtatayo na sila ng karinderya. Tinanggihan niya ang alok na Mito na siya ang gawing chef ng Rosario’s Cucina.

Tuwang-tuwang sumasayaw si Victoria. Naabutan siya ni Fernando at isinayaw siya nito. (Who by the way has maitim na balak kay Victoria –balak niyang huthutan ito).

Hindi kumikita ang karinderiya ni Ysay.

Gumagawa ng commercial ng Nestle Cream…Nagluluto si Mito.

Inaalok ni Mito si Ysay ng tulong pero sinigawan lang siya nito. Nagpasorry si Ysay kay Mito…hindi raw kasi niya alam kung ano ang ginagawa niya. Hindi raw niya makuha ang timpla niya. Sinabi ni Mito na magpahinga na muna ito pero ayaw ni Ysay dahil pagluluto lang ang kaya niyang gawin ng maayos. Kapag itinigil daw niya ito wala na rin siya.

Sinita ni Alex si Ysay. Sana raw ay hindi niya sinigawan si Mito. Sinabi ni Ysay na nagpasorry na ito kay Mito, hindi raw kasi niya alam kung ano ang mali sa ginagawa niya. Kinuha ni Alex ang recipe book ng nanay ni Ysay at ipinaalala ang mga istorya sa likod ng mga recipe na isinulat ni Rosario. Dahil daw si ROsario, tanggap niya ang mga nangyari sa buhay niya samantalang si Ysay, nagtatakip.

Nagtulakan sila. Inaawat sila ni Trining. Sinampal ni Ysay si Alex…

2 Tugon to “Ysabella, Episode 87”

  1. mhe Says:

    buti naman at bumalik na si albert sa kanyang original self.. hanggang nayon nagsisinungaling pa rin albert {hindi pala mahal si ysay???} pero kay victoria inaamin niya ang totoo

  2. Pia Says:

    Sa totoong buhay, kahit sa anong anggulo mo tingnan, hindi ko maisip kung bakit mas gusto ni Ysay si Alberto kaysa kay Mito. Sabagay, sa hitsura, mas bagay nga sila ni Albert. Masyadong gwapo si Mito para kay Ysay na hindi naman kagandahan. Mas bagay sila ni Albert na “nakalimutang lumaki”. On the other hand, mas bagay si Albert at Alex sa height. Siguro dapat pag-isipan ng ABS-CBN na bigyan ng sariling teleserye si Aiza at Ryan, bagay sila sa height. Pansin ko lang, parating nakakunot ang mga nuo ng mga Amarillo, mula kay Victoria, to Lima to Albert. Buti pa ang character ni Andrew, happy at laging naka-smile, pwera na lang kung nagseselos nuon kay Mito and Ysay. Ewan ko pero Mito all the way ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: