Pangarap na Bituin, Episode 37

by

Siniguro ni Terrence na sinasagot na siya ni Emerald. Oo raw sabi ni Emerald. Masayang pumalakpak si Terrence sabay sigaw ng “Hay naku! Sinagot din ako!” Hahalikan sana ni Terrence si Emerald pero pinigilan siya nito, instead, nagyakap na lang sila.

Bago sila naghiwalay, nakiusap si Emerald na huwag na munang ipagsabi ni Terrence ang tungkol sa kanila. Bubwelo daw muna si Emerald sa pagsasabi nito sa erpats niya at kina Ruby at Chorva.

Nag-“I love you” muna si Terrence ng ilang beses bago siya umalis.

Tinanong ni Emerald sina Ruby at Chorva kung sa tingin nila ay okay na magka-gf na si Terrence. Hindi raw dahil kakamatay pa raw ni Cazzie at iisipin daw ng mga tao na niloloko ni Terrence si Cazzie kahit noong nabubuhay pa siya. Idinagdag pa ni Ruby na kahit daw pa gaano kabait in person ang babaeng iyon ayaw niya sa kanya. (Ang clueless naman nila no.)

Nakita na ni Alberta ang latest charts at mababa na si Terrence. Kasi raw sabi niya sa assistant niya lalake si Terrence kaya siya ang apektado at hindi si Emerald. Hindi bale raw kapag bumalik na si Terrence sa kanya, babaligtarin naman nila ang mga kwento, si Emerald ang gagawin nilang kontrabida.

Nakita ni Ruby si Jeffrey na may kasamang anim na mga babae (London, Paris, Holland, Sydney, Madrid, at Czechoslovakia). Sinasabi na nga raw ba niya at siya ang nakita niya sa mall. BUmalik na raw si Jeffrey dahil hindi niya maiwan ang mga girls niya. May date din si Ruby at nagpakarga ito. Nagalit si Jeffrey at tinawag ang pangalang ni Ruby.

Ginising ni Berns si Ruby na nakatulog pala sa bench.

Sinabi ni Emerald na hindi pa niya nasasabi kina Chorva dahil wala naman daw sila doon noong kinausap silang dalawa ni Cazzie at baka hindi nila hindi maintindihan. Basta ang importante daw alam niyang mahal siya nito. Hinawakan ni Terrence ang kamay ni Emerald, pero binawi ito ni Emerald noong nakita niyang dumating si Alberta.

Kinumusta ni Alberta sina Terrence at Emerald. Sigurado daw na Emerald is more than okay daw dahil mataas ang sales ng bago niyang CD. Ano raw ang pakiramdam ngayong tumataas siya ang pababa namas si Terrence. Sinabi ni Alberta na sina Cocoy at Berns ang may pakana ng mga publicity stunts na iyon. (At that moment, nakikipag-away si Berns sa editor niya dahil inedit nito ang article niya kung saan sinasabi niyang magkaibigan lang sina Terrence at Emerald).

Noong kinuha ni Terrence ang kotse nito nakita na naman ni Alberta si Emerald. Tinanong niya kung nag-walk out ba si Terrence. Noong nalaman niyang kinuha lang nito ang kotse, sinabi niyang iba na talaga ang takbo ng panahon. Si Terrence na ang nagsisilbi kay Emerald.

Sinabi ni Emerald na magaling na singer si Terrence. Wala na raw career si Terrence dahil kay Emerald ang sabi naman ni Alberta. Habang narororoon daw ang intriga sa kanilang dalawa, tuluyang babagsak daw si Terrence.

Kumakanta na naman si Terrence sa isang almost empty restaurant. Wala na silang gigs after that. Sinabi ni Cocoy okay lang daw kung umalis na si Terrence sa pagmamanage niya pero tumanggi si Terrence. Narinig ni Emerald ang usapan nina Berns at Cocoy tungkol dito.

Hindi makatulog si Terrence tinitignan niya ang gold record(?) niya at ang mga pictures nila ni Emerald. Hindi rin makatulog si Emerald dahil naiisip ni Emerald ang sinabi ni Alberta sa kanya.

During breakfast sinabi ni Emerald na hindi raw tama na masyado ng naapektuhan ang career ni Terrence kaya babalik na siya sa Boracay. Pinigilan siya nina Chorva at Cocoy. Sinabi ni Cocoy na hindi raw tamang takbuhan niya ang problema, dapat daw na harapin niya iyon.

Nalaman ni Alberta from Shirley na magpapa-presscon sina Terrence at Emerald at sasabihin na nila ang totoo tungkol sa kanila. Mautak din daw pala si Cocoy, pero may plano si Alberta.

Sinabi ni Terrence kay Cocoy na hindi sila pwedeng magpa-presscon. Bakit naman daw hindi, sabi ni Cocoy, sasabihin lang naman daw nila ni Emerald ang totoo, na wala silang relasyon para matahimik na sila. Kumplikado daw kasi sabi ni Emerald, na baka hindi sila maintindihan ng publiko.

Sinabi na ni Terrence kay Cocoy ang totoo…

4 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 37”

  1. mum Says:

    Show biz talaga, deny ng deny.
    But still it doesnt make why is Terrence career falling if he is really a big star. Oh well, maybe I dont understand show biz!!!
    Pero maganda kwento.

  2. nawawala Says:

    sobrang kinilig ako kay jericho dito!! feeling ko ako yung sinabihan nya ng “i love you” ng maraming beses! bweheheheheh… ang cute!!!

  3. Emerence fans Says:

    Emerald and Terrence (Emerence) have a very nice chemistry together. Wishing a “happy ending” for them (sana silang dalawa ang magka partner ) when this soap ends and hoping there will be some more team up between them. They project their characters naturally as if they were not acting. My family and I are glued to watching PNB daily and always look forward to its airing. The soundtrack is amazing and we surely look forward to its release.
    Sarah who is very pretty is also becoming a very good actress matching her prowess in singing and Jericho who is handsomer than ever has also excel in singing and good acting. You both are great! Kinikilig kami parati.

  4. queen Says:

    Di ko rin maintindihan kung bakit bumabagsak ang career ni Terrence e di ba sikat na siya dapat may loyal fan base na siya na kahit anong intriga nandon pa rin. Question ko lang, nasaan na ang band niya? Di ba may band siyang Jeans bakit mag-isa na lang siyang nagpe-perform? Ano yon naiwan kay Alberta?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: