Ysabella, Episode 86

by

Dinala sa ospital si Ysay pati na rin ang lalaking nagmamaneho sa isa sa mga sasakyang sangkot sa aksidente. Hindi na nahabol ni Mito sina Ysay at Albert.

Nagka-flat line si Ysay pero nag-survive ito.

Iyak ng iyak si Albert habang hinihintay ang pagrerevive kay Ysay. Naalala niya ang mga pinagdaanan nila ni Ysay. Nagdarasal ito at sinabing bibitawan na niya si Ysay basta mabuhay lang ito.

Napanood nina Trining, Alex at Jordan ang tungkol sa aksidente ni Ysay. Tinawagan ni Alex si Mito pero hindi pa alam ni Mito ang lagay ni Ysay dahil kadarating pa lang nito sa ospital. Nag-iyakan ang magnanay.

Napanood din ito ni Victoria. Ang akala niya si Albert ang isa pang biktima kung kaya’t dali-dali

niyang tinawagan si Albert pero hindi ito sumasagot.

Sinabi ng doctor kay Albert na nailigtas na si Ysay. Stable na raw si Ysay pero critical pa rin ang

condition niya. Kailangan daw nito ng surgery as soon as possible.

Nagpasalamat si Albert sa Diyos at umiyak ito.

Alalang-alala naman si Victoria kay Albert. Pinuntahan siya ni Lupe at sinabing alam nitong ligtas si Albert. Walang nagawa si Victoria kung hindi umiyak habang yakap-yakap ni Lupe.

Pagdating ni Mito sa ospital, nakita niya si Albert. Sinabi ni Albert na nasa operating room na si Ysay. Mabubuhay daw siya at ingatan daw siya ni Mito.

Tinawagan ni Mito si Trining para sabihing ligtas na si Ysay pero minamanmanan parin ang kondisyon nito. Si Georgia ang kumuha ng plane para i-transport si Ysay (as soon as the doctor gives his go signal).

Nakausap na ni Victoria si Albert. Paalis na si Lupe pero tinawag siya ni Victoria bilang nanay at nagpasalamat ito dahil hindi siya nito iniwan.

Nagkamalay na si Ysay at si Mito ang nasa tabi niya. Sinasambit ni Ysay ang pangalan ni Andrew.

Si Norman ang ama ng lalaking naaksidente kasabay ni Ysay.

Balik Albert na si Albert sa outfit niya. Isinasama siya ni Victoria dahil ipapasyal niya si Lupe pero ayaw nitong sumama. Dumating si Lima at sinabing kung dati pa sana sinabi ni Albert ang totoo kay Ysay hindi raw sana siya uuwi ng ganoon. Pero pinigilan siya ni Victoria na halungkatin pa ang mga nangyari.

Masayang masaya naman sina Trining at Alex noong nagising na si Ysay. Humingi ito ng tawad kay Trining.

Pinuntahan ni Reno si Albert at sinabi nitong nasa Manila na si Ysay at kailangan niya itong puntahan. Pinalitaw ni Albert na hindi niya totoong mahal si Ysay. Sinabi lang daw ni Alberta kay Reno na mahal niya si Ysay dahil napamahal na si Reno sa pamilya nina Ysay at ayaw lang nitong magsumbong siya. Nagalit si Reno at sinuntok si Albert.

Sinabi ni Ysay na gusto niyang makita at puntahan si Andrew. Sinabi ni Alex na wala na si Andrew…at wala na rin si Albert.

Pumunta si Albert sa puntod ni Andrew at sinabi niyang tinupad na niya ang gusto ni niya…ibinigay na niya si Ysay kay Mito…

7 Tugon to “Ysabella, Episode 86”

  1. mum Says:

    oh my God. Paganda ng paganda na ang kwento. Tingin ko sa bandan huli wala sa kanila ni Andrew/Albert or Mito ang pipiliin ni Ysay. (For me, mas cute pa rin ang love team ni Juday at Piolo)

  2. mum Says:

    okay, san ng ang episode for today…..

  3. Pia Says:

    I agree, paganda ng paganda ang mga episodes. Kaya lang, kahit saang anggulo ko tingnan, hindi ko alam kung paano mag-eend up si Ysay with Albert, other than this is really a Judy Ann-Ryan teleserye kaya gagawan nila ng justification. Hindi kasi nila akalain na magkakaroon ng large following ang Ysay Mito combination. Anyway, physically, di hamak na mas guwapo si Mito; ang story about cooking, pareho silang chef ni Ysay; rich si Mito katulad ng mga Amarillo; pagmamahal kay Ysay, sobra sobra ang pagmamahal ni Mito dahil kahit nasaktan niya si Ysabella, bumalik siya para humingi ng tawad at tuparin ang pangarap nito. Wala siyang inisip kundi ang kapakanan ni Ysay. Umalis siya para hindi maging pabigat kay Ysay, hindi para saktan lang siya. So ang iniisip ko, they will get rid of his character in the end. Si Mito yung sinanasabi nilang one of the main characters who will die in Book 3. Sa ngayon nga walang katiyakan na magkakabalikan sila. Sayang, talagang na-mi-miss namin sa aming workplace ang mga “sweet” moments nila Ysabella and Mito. We wonder kung we still have something to look forward to as far as their romance is concerned in the coming episodes.

  4. fauna Says:

    The love story of Ysay and Albert really got complicated, but that what makes it more interesting to watch on how they will resolve their conflicts and how will their true love defy all the odds!!! Ysay-Albert ending will make this soap more artistic.

  5. pgsmchan Says:

    to pia: what? mamatay si mito, ayaw ko si ysay kay mito but wag naman siyang patayin… saka wag nilang papatayin si albert dito ha… pinatay na nga nila sila andrew,…. si andrew sana ang gusto namin para kay ysay… kay albert na ngayon(wala na si andrew) minsan iniisip ko kung si mito nga ang main leading man/character dito kasi yun ang sabi sa wiki.. pero sana give way for albert amarillo naman po!!! KAPAG PAPATAYIN SI MITO SA SERIES NA ITO ANO NANG CHALLENGE??? WALA NA SILANG DAPAT PATAYIN SA MAIN CHARACTER KAHIT SI VICTORIA, WAG PAPATAYIN. LET HER REGRET HER SINS

  6. donya Says:

    KUNG HINDI RIN LANG KAY MITO MAPUPUNTA SI YSAY SA ENDING NG STORY, BUTI PA WALA NA LANG. GAYA NGA NG NASABI KO NOON PA SA MGA COMMENT KO, KAHIT MAMATAY SA STORY SI VICTORIA, PARA SA AKIN D NA RIN MAGIGING MASAYA ANG PAGSASAMA NINA YSAY AT ALBERT. NAPAKARAMI NA NG NAMATAY AT NASAKTAN DAHIL SA MGA PINAGGAGAWA NI VICTORIA. PARANG ISANG MULTONG PAULIT- ULIT NA MAGPAPAALALA SA KANILA SA MGA NANGYARI. EWAN KO SA INYO, PERO MAS GUGUSTUHIN KO NA MAKASAMA SI MITO DAHIL WALA SYANG GINAWA KUNDI KABUTIHAN PARA KAY YSAY. MULA PA UMPISANG MINAHAL NYA ITO HANGGANG SA NGAYON NA DUMARANAS NG MGA PAGSUBOK SI YSAY. PROVEN NA TALAGA ANG LOVE NYA KAY YSAY. BESIDES, ANG GWAPO TALAGA NI MITO. AT MAS NAUNA PA NGA SYANG MINAHAL NI YSAY. SANA MANUMBALIK ANG DATI NYANG PAGTINGIN KAY MITO.

  7. ptvj Says:

    donya, please refrain from using all caps next time. thanks🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: