Pangarap na Bituin, Episode 36

by

Sinabi ni Terrence kay COcoy na huwag na niyang alalahanin ang mga nacancel na niyang mga gigs. Marami pa raw namang darating and this way daw maaasikaso nila ang Jollibee ni Cazzie.

Pag-alis ni Terrence sinabi ni Cocoy kay Emerald na nag-aalala ito sa career ni Terrence at baka bumagsak ito dahil sa kanya. Inassure ni Emerald na hindi mangyayari iyon.

Ipinakilala na sa mga crew ng Jollibee ni Cazzie sina Emerald at Terrence. Nakita ni Emerald si Sapphire sa labas. Pagkakita ni Sapphire kay Emerald, umalis na ito. Hinabol siya ni Emerald. Noong nahabol na niya ito sinabi ni Emerald na kilala niya ito. Sinabi ni Sapphire na hindi siya kilala ni Emerald. Noong una dineny ni Sapphire pero inamin na rin niya na siya na nagkita na sila dati.

Itinanong ni Emerald kung ano ang ginagawa niya doon, sinabi ni Sapphire na nag-aapply ito sa opisina sa tabi ng restaurant. Sinabi ni Emerald na naghahanap daw sila ng assistant manager at kung gusto daw nito ay magbigay na lang siya ng resume. Nagpsalamat si Sapphire at umalis na ito. (I wonder kung Sapphire pa rin ang gamit niyang pangalan.)

Habang kumakain sina Emerald, Chorva, Ruby at Cocoy nabanggit ni Emerald na nakita niya “ang babaeng nagpapicture sa kanila ni Ruby.” Parang iba raw ang babaeng iyon sana raw bumalik ito at mag-apply. (Bridget ba ang name niya?)

Nabuking si RUby na namimiss niya si Jeffrey mula sa sarili nitong bibig habang kausap niya si Chorva. Naghahallucinate pa ito at akala niya si Jeffrey ang isang lalaki at hahabulin sana niya ito.

Patuloy pa rin ang pagsikat ni Emerald. Dinedicate ni Emerald ang carrier single ng bago niyang album. Iniiwasan niya ang tanong ng mga reporters tungkol kay Terrence.

Pinipigilan ni Terrence na maglinis si Emerald (sa Jollibee?) noong pababa ito sa tinutungtungan niya nahulog ito kay Terrence at nagkadikit sila. Pero nag-ring ang cellphone ni Emerald at kinailangan na niyang umalis.

Nakipagkita si Bridget/Sapphire kay Emerald para ibigay ang resume nito. Mula sa resume nito nalaman niyang scholar ito at patay na ang mga kinilala niyang mga magulang. Siyam na taon daw siya noong mawalay ito sa mga magulang niya, tinanong ni Emerald kung ano ang nangyari pero ayaw pag-usapan ni Sapphire dahil masakit ang pangyayari at ayaw na niyang maalala. Ayaw rin niyang sabihin kung ano ang tunay nitong pangalan. Umalis itong bigla noong itinanong ni Emerald ito.

Hindi natanggap si Bridget/Sapphire sa trabaho at tatawagan na sana ito ni Emerald pero hindi niya macontact ito. Sinabi ni Cocoy na baka naputulan ito ng telepono.

Kumit ang album ni Emerald at nag-hold ito ng presscon. Nagpsalamat siya kay Cazzie. Sinabi na rin niya ng magpapahinga daw muna ito na gumawa ng solo album — this time kasama niya si Ruby na gagawa ng album. Kinukulit pa rin si Emerald ng mga reporters about Terrence. Pero hinarang nina Cocoy at Berns ng mga tanong nila.

Malungkot si Cocoy dahil konti lang ang mga tickets na nabenta nila sa gig ni Terrence. May mga hecklers pa nga at nag-walk out sila. Kailangan na raw kausapin ni Cocoy si Terrence dahil sa nangyayari sa career niya at masyado na raw kasing malaki ang naitulong ni Terrence sa kanila.

Sinabi ni Cocoy kay Terrence na napapabayaan na niya ang sarili niya sa kakatulong kay Emerald kaya sina Emerald at Cocoy na lang daw muna ang bahala sa pagpapatakbo sa restaurant. Dapat daw na mag-focus ito sa career niya.

Hinarang ng mga reporters si Emerald at hindi ito makadaan at pilit na tinatanong ito ng tungkol sa kanila ni Terrence. Lumabas si Terrence at tinulungang makaalis si Emerald.

Umupo sila sa isang bench at itinakip ni Terrence sa may siko part ni Emerald na nagalos ng ballpen ng reporter kanina.

Sinabi ni Emerald kay Terrence na mahal niya ito…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 36”

  1. nawawala Says:

    kawawa naman si terrence, nalalaos….😦

    medyo nakakainip yung episode na ‘to. pero *sigh* parang nanlambot ako sa mga tingin/titig ni terrence…. hihihi

  2. ptvj Says:

    nainis lang ako sa mga reporters sa episode na to😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: