Pangarap na Bituin, Episode 35

by

Hindi pa raw handa si Emerald na sabihin na mahal niya si Terrence. Itinanong ni Terrence kung ano ang gusto niyang mangyari. Edi magkaibigan pa rin daw sila. Medyo nagkakailangan pa sila after that pero pagbalik nila sa bahay nina Emerald, back to being makulit na naman sila sa isa’t isa.

Sabay silang nakatanggap ng tawag mula sa opisina ng lawyer ni Cazzie.

Sa law office, naroroon sina Louie, Diana, Terrence, at Emerald. Inarrange na raw ni Cazzie na pagkakaroon ng second single ni Emerald at nakahanap na ang firm ng independent producer para iproduce iyon. Iniwan din ni Cazzie kina Terrence at Emerald and Jollibee franchise nito. Ayaw tanggapin nina Terrence at Emerald dahil it’s too much na raw. Sumingit si Louie at sinabing buti naman daw at may hiya pa sila. Pinatigil ni Diana si Louie dahil business daw iyon ni Cazzie at hindi sa kanila. Sinabi niya kina Emerald at Terrence na kung mahalaga si Cazzie sa kanila, tatanggapin nila ang ibinibigay nito sa kanya. Nag-walk-out si Louie.

Pag-uwi nina Emerald, nag-aalala siya, baka intrigahin na naman sila ng mga reporters. Sabi ni Chorva hayaan na niya ang mga tao at baka daw isara nila ang restaurant ni Cazzie kung hindi nila kinuha at baby pa naman niya iyon. Sumang-ayon naman sina Cocoy at Terrence sa kanila.

Umuwi si Terrence kina Alberta para kunin ang mga gamit niya (bakit ang simple ng room niya no). Sinisi na naman ni Alberta si Emerald. Nasabi niyang wala siyang utang na loob, pero binawi rin niya iyon. Tinawag niyang “anak” si Terrence, pero binawi rin niya iyon at sinabing para na niyang anak si Terrence dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Sinabi ni Terrence na kaya raw niya ginawa iyon ay para i-save ang relationship nila bilang mag-tita.

Naabutan ni Benedict na umiinom si Alberta at nalaman nito na umalis na si Terrence. Sinisi pa rin ni Alberta si Emerald. Bakit raw ba ang pinag-iinitan ni Alberta si Emerald? At sinabi ni Benedict na kailangan daw gawin iyon ni Terrence. (He’s so understanding ha…let’s see kung gaano siya kamaunawain kapag nalaman niyang anak ni Alberta si Terrence😆 .)

Habang nagpeperform sina Ruby at Emerald, dumating si Terrence at nagkaroon ng commotion sa audience. (Ang babastos naman ng mga nanonood na ito, ang ingay nila.)

May negative write-up si Terrence sa newspaper at ipinakita ito ng secretary ni Alberta sa kanya. Ang nakalagay doon “Terrence Rodriguez, One hit wonder?” (correct me if I’m wrong e di ba marami ng sumikat na kanta si Terrence? SO he can’t be a one-hit wonder!). Wala raw siyang magagawa dahil umalis si Terrence sa poder nila at ano naman daw ba ang alam ni Cocoy pagdating sa pagharang ng mga negative write ups.

Ipinatawag ni Alberta kay Shirley ang lahat ng recording producers na alam nila at i-threaten na kapag ipiniroduce nila si Terrence, idedemanda sila ni Alberta. Dahil may kontrata pa rin daw ito kay Terrence. Para daw bumalik sa kanya si Terrence.

Habang pinag-uusapan nina Emerald at Ruby ang gagawin nilang album, nabanggit ni Terrence si Jeffrey. Pakipot pa rin si Ruby. Sinabi ni Cocoy kay Terrence na nag-back out ang producer na nakausap nila.

Nakita ni Berns na nagpeperform ang isa sa mga talents ni Alberta instead of Terrence at ibinalita niya ito kay Cocoy.

Sinugod ni Cocoy si Alberta at itinanong kung bakit niya sinisiraan si Terrence. Indineny naman ito ni Alberta at sinabi niya kay Cocoy na huwag niyang isisi sa kanya ang incompetence niya bilang manager.

Sinabi ni Cocoy na patutunayan niya kay Alberta na mali ito…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 35”

  1. mum Says:

    Yung nag kukuwento dito sa Pinoy TV Junkie. Nakiki usap ako paki update mo ang kuwento agad sana. Sira and direct TV namin kaya hindi ako maka panunood ng TFC. Salamat Po.

  2. ptvj Says:

    i’ll try my best to give you guys update as soon as possible. it’s just that i have school and i work as well, kaya minsan late din ang mga updates ko. but i’ll keep trying🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: