Ysabella, Episode 84

by

Pinaalis na ng mga tao ni Victoria sina Trining. Iyak ng yak sina Trining at Alex.

Nagda-drive pa rin sina Ysay at Albert. Ayaw sabihin ni Albert kung saan sila pupunta basta ang isipin na lang daw niya ay kung ano ang gusto niyang gawin. Sinabi ni Ysay na basta ang gusto lang niya ay humiga at humilata ng walang ginagawa.

Sa bahay nina Mito, galit na galit pa rin si Alex kay Albert. Kapag may nangyari daw kay Ysay, patawarin siya ng Diyos at ni Andrew dahil baka kung ano ang magawa niya kay Albert.

Nakarating na sa resort sina Albert at Ysay. May nakakita sila, si Norman (Freddie Webb).

(Ito ba iyong ex-bf ni Rosario dati?)

Dinalhan ni Albert si Ysay ng sangkatutak na pagkain. Naligo si sa dagat, kumain natulog sa tabing dagat.

Pinagmamasdan ni Albert ang natutulog na si Ysay.

Kinagabihan habang kumakain sila, kinausap niya ang mga kasama nilang kumakain at humingi ng tulong para hindi na mahiyang sumayaw si “Andrew” sa harap ng maraming tao. Ayaw ni Albert noong una pero sumayaw na rin siya at sinamahan pa siya ng ibang tao. May nakakilala kay Ysay, at balak nilang sabihin kina Mito kung nasaan ito dahil daw ba may reward.

Nag-aalala si Victoria dahil hindi pa raw tumatawag si Albert. DUmating sina Lupe at Fernando. Nalaman ni Victoria na si Lima ang nagdesisyon na patirahin doon si Lupe.

Nagpunta si Georgia kina Mito at sinabing may tumawag sa network para sabihing nakita nila sina Ysay at Albert. Tumawag na sa airlines si Mito para magbook ng flight para puntahan si Ysay. Sasama din daw sina Alex at Trining. Isang flight lang daw ang available kaya si Mito na lang ang aalis.

Tuwang-tuwang naglalakad sina Ysay at Albert sa tabing dagat. Nagpasalamat si Albert kay Ysay (#2 daw sa listahan niya na nakita niya na nakita niyang nagseselos si Ysay dahil mahal na mahal niya ito — dahil sa mga babaeng kasayaw ni Andrew). Tinanong ni Albert kung ano ang #1 sa listahan ni Ysay? Ang makasama raw si Andrew habang buhay. GUsto din daw ni Albert iyon, ang magkasama sila bilang “tunay na siya.” Hinalikan ni Albert si Ysay sa lips.

Sana ganoon na raw sila parati, sabi ni Ysay. Kahit ano man daw ang mangyari kahit maghiwalay sila sabi ni Albert, tandaan daw niya na lagi siyang nasa puso niya. Naghalikan sila ulit.

Tapos nag-iyakan sila.

Si Mito naman hindi makatulog. Hindi raw niya hahayaang saktan ni Albert si Ysay.

Hindi rin makatulog si Albert natatakot daw siya na matapos ang araw na iyon. Sinusulit daw niya dahil baka bukas mawala na si Ysay sa kanya. Bakit naman daw siya mawawala sa kanya, sabi ni Ysay.

Doon na lang daw muna sila sabi ni Ysay, mag-iipon daw muna sila ng lakas para pagharap nila sa mundo kakayanin nila iyon.

Pinagmamasdan na naman ni Albert ang pagtulog ni Ysay. Hihintayin daw niya ang paggising niya bukas at sasabihin na niya lahat. Sana raw matanggap niya pa rin ito at huwag siyang iiwan.

Nagising na si Ysay at siya naman ang kumausap sa natutulog na si Albert. (They slept on separate beds. Ang galing naman ng self-control ng mga ito :p) Sinabi niyang mahal na mahal niya ito.

Narinig ni Ysay ang sinasambit ni Albert ang pangalan ni Andrew habang nananaginip siya. Napanaginipan ni Albert na lumuluha si Andrew at hinabol niya ito at sinabing bakit niya sinaktan si Ysay ng ganoon. Humingi ng tawad si Albert kay Andrew pero umalis lang si Andrew.

Albert: “…Andrew…patawarin mo ako…”
Ysay: “Andrew?”

(Isisingit ko lang, I don’t like Ysay right now dahil it’s so out of her character to just disappear without checkin on Trining and Alex first. Parang it’s so bastos na bigla na lang siyang mawawala ng hindi nagpapaalam ng personal. Kahit ba sabihing may problema siya at nasa edad na siya, common courtesy lang iyon no. Gusto mo bang nag-aalala ang mga mahal mo sa buhay… :roll:)

7 Tugon to “Ysabella, Episode 84”

  1. Rose Says:

    Ako rin hindi natuwa sa inaasal ni Ysay lately naging matigas ang ulo at suwail kay tsang pero mapapahiya rin siya pag nalaman na niya ang totoo kay Albert.

  2. mhe Says:

    paano ang karakter ni ysay ta-tanga-tanga sa pag-ibig!!!

  3. alphasensei Says:

    I never liked Ysay. Gusto ko lang na maraming food sa show. Hahaha. Plus, I love Connie Reyes. She’s a fantastic actress. Konting tweak lang ng expression, emosyon agad.

  4. nawawala Says:

    i agree!! tsaka sobrang saya naman yata nya…..

  5. mum Says:

    oh na saan na ang episode for today Oct 22. Ano ang nangyari kay Ysabella?

  6. ptvj Says:

    paki-check back na lang in a couple of hours…

  7. lemon mar dimalaluan Says:

    josko!!!!!eh akoy nangigil ke-victoria, he pigilan nyo ako at baka mabasag ko pa ang TV namen,wahehehehe!!!!ung recepie na kinasal na manok, pwede makahingi????

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: