Pangarap na Bituin, Episode 34

by

Sa libing ni Cazzie, naroroon silang lahat para makiramay. Galit pa rin si Louie kay Terrence.

May old friend na nag-approach kina Alberta at Benedict na nagngangalang Loren (or Lauren? I’m going with Loren, it’s Maribeth Bitchara by the way. Nakita niya si Terrence at tinanong kung siya ang panganay niya. Sinabi ni Alberta na siya si Terrence ang anak ng Kuya Alex niya at nasa bahay si Jeffrey (hindi nakipaglibing si Jeffrey?). Binigyan ng makahulugang tingin ni Alberta ang kaibigan niya.

Pag-uwi nina Berns at Ruby sa bahay naabutan nilang naghihintay si Jeffrey at sinabi niyang magpapaalam lang siya dahil pupunta na siya sa States  kasama ang daddy niya. Ayaw umamin ni Ruby na malungkot ito sa pag-alis. Sinabi ni Jeffrey sa lahat daw ng ginagawa niya hindi niya sinasadyang asarin si Ruby, gusto lang daw niyang mapansin siya nito.

Pumunta si Terrence sa bahay nina Louie at Diana. Galit pa rin ito kay Terrence, iniabot niya diyaryo kung saan naroroon ang picture nina Emerald at Terrence the night before the wedding. Sinabi niya na baka masaya pa raw ito dahil wala na si Cazzie. Sino raw ang tinutukoy ni Cazzie na ibang mahal ni Terrence? Pinaalis na ni Louie si Terrence sa bahay nila.

Tinanong ni Alberta kung ano ang sabi ni Louie kay Terrence. Sinabi ni Terrence na masama pa rin ang loob nito sa kanya. Sinabi ni Alberta na hindi naman daw niya masisisi si Louie dahil kahit alam niyang hindi magagawa ni Terrence na lokohin si Cazzie, sa ginagawa nina Terrence at Emerald nagmumukha silang may relasyon. Sinisi na naman ni Alberta si Emerald.

Nagalit si Terrence at sinabi niyang ang gusto lang namang makita ni Alberta ang nakikita niya. Hindi nito alam kung gaano npasaya ni Emerald si Cazzie noong nabubuhay pa siya. She only wants the best for his life and career, sagot naman niya.

Ipinaalala ni Terrence na hindi na siya ang manager nito kung hindi si Cocoy na. Dahil si Cocoy hindi negosyo ang tingin niya kay Terrence kung hindi isang anak. And that’s difference between Alberta and Cocoy daw.

Sinabi ni Cocoy na hindi mahirap i-book si Terrence pero marami rin ang natatakot na i-book siya dahil mataas ang talent fee niya. Iyon din daw ang matagal ng sinasabi ni Terrence kay Alberta, na babaan ang TF niya dahil gusto niyang makapag-concert sa maliliit na venues.

Nalaman ni Cocoy na hindi na kina Alberta nakatira si Terrence at inalok niyang tumira sa kanila. Hindi na raw kailangan sabi ni Terrence dahil may nakita na siyang condo at isinasama niya si Emerald na tignan iyon para makahingi daw ng second opinion. Isinama naman ni Emerald si Chorva.

Habang kausap ni Alberta si Loren, wala itong kibo dahil naiisip daw niya si Terrence. Sa halip daw na humingi siya ng tulong sa kanya, sa ibang tao pa ito humingi ng tulong. Her friend was going to ask more about Terrence pero iniba ni Alberta ang usapan at nag-order na sila.

Noong paalis na sina Terrence, Emerald at Chorva mula sa pagtingin ng condo (na bibilhin na ni Terrence dahil nagustuhan niya), may nakakita sa kanila.

May picture na naman sina Terrence at Emerald sa diyaryo at ang tsismis nagli-live-in na sila. Hindi bale raw sabi ni Berns, gaganti daw siya.

Nakauwi na si Benedict mula sa paghatid kay Jeffrey sa farm. Nagreklamo na naman si Alberta about Terrence. Matanda na raw si Terrence, sagot ng asawa niya and she needs to talk to him daw as an adult. Siya na rin daw ang nagsabi na hindi niya kailangan ng manager kung hindi isang tita, bilang isang magulang. Pag-alis ni Benedict, may tumawag kay Alberta at sinabing magkita sila.

May sulat si Jeffrey kay Ruby. Noong una pakipot pa siya at ayaw niyang basahin, pero binasa niya pa rin. (Lol, nagsasagutan sila noong sulat).

Binigyan ni Alberta ng pera ang isang lalaki at sinabing burahin na daw nito ang number ni Alberta sa cellphone niya at sa buhay niya.

Nag-rerecording na si Terrence (singing “Paglisan”) habang naaalala niya si Cazzie at noong mga huling sandali nito. Lalo na ang sinabi ni Cazzie na aminin na nina Terrence at Emerald na mahal nila ang isa’t isa.

Nagkaabot sina Terrence at Emerald sa puntod ni Cazzie. Aalis na sana si Emerald pero hinawakan ni Terrence ang kamay nito sinabing samahan muna daw siya nito. Nireminisce nila ang memories ni Cazzie.

May kailangan daw silang pag-usapang dalawa.

Sinabi na ni Terrence na ayaw niyang aminin kay Cazzie…dahil natatakot siyang masaktan si Cazzie. Kamamatay pa lang daw ni Cazzie, ano na raw ang sasabihin ng mga tao. Kahit naman daw anong gawin nila hindi titigil ang mga tao sa pagsasalita.

Tinanong ni Terrence kung mahal siya ni Emerald. Ibinalik ni Emerald ang tanong. Sinabi ni Emerald na mahal niya ito bilang kaibigan and then she looked at the other way. Hinawakan ni Terrence ang kamay ni Emerald at sinabi niyang mahal niya ito ng higit pa sa isang kaibigan…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 34”

  1. lester Says:

    mga walang kwenta…,!!! dapat my video…,!!! yuck… hindi ba kayo na hihiya… kung ako sa inyo wag nalang kayo mag pasabi ng mga stories, kasi ang CORNIE…,!!! heeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee..!

  2. ptvj Says:

    sino kayang walang kwenta, corny at nakakahiya…kami dito na nagpapalitan ng mga opinyon…or ikaw na hindi marunong mag-spell, hindi marunong gumamit ng punctuation marks at nagsasabing wala kaming kwenta.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: