Ysabella, Episode 80

by

Sinabi ni Georgia na ginawa nito ang lahat para lang bumalik sa kanya si Mito pero wala ring nangyari dahil si Ysay ang mahal nito. Sinabi na rin niya kay Ysay na pinilit niya si Mito na sampahan siya ng kaso pero hindi nito ginawa dahil hindi rin naman daw mababago ang mga nangyari, siya pa rin ang nanakit ang nang-iwan kay Ysay. Patawarin na raw sana ni Ysay si Mito, bigyan daw sana niya ito ng isa pang chance.

Walang kibo si Ysay habang sinasabi ni Georgia ang lahat-lahat. Luhaan ito and at the end tinanong niya kung pwede na siyang umalis. Sinabi ni Ysay na kung si Mito napatawad si Georgia, siya raw hindi.

Lasing(?) na kinompronta ni Reno si Lima. Nalaman na ni Lima na ito ang kapenpal niya. Hindi raw karapatdapat kay Lima ang paghanga niya.

Hindi makapaniwala si Alex na nagawa iyon ni Georgia kay Mito. Naawa na raw ba siya kay Mito, tanong ni Alex. Nakakaawa naman daw siya talaga siya pero ito pa rin ang nang-iwan at si Georgia. Mabuti na raw na mag-usap sila ulit, mungkahi ni Alex. Dito lang nagsalita si Ysay at sinabi niyang hindi yata nito kaya.

Nalaman ni Lima na nag-resign si Reno noong hinahanap niya ito sa mga kasamahan niya.

Nagwoworry naman si Albert dahil malapit na raw ang deadline niya kay Ysay. (Hindi ko masyadong napanood ang part na ito).

Sumulat si Lima kay Reno at sinabi nito sa sulat na hindi para kay Reno ang mga sinabi niya kung hindi para sa taong nanakit sa kanya ng sobra sobra.

Pagpasok ni Ysay sa bahay, nakita niya ang painting ni Rosario (iyong sa tabi ng fountain). Sinabi ni Albert na mabilis daw kasi ang kakilala niya kaya agad niyang natapos (ang alin?). Masayang niyakap ni Ysay si Albert.

Ipinaghanda ng surprise birthday ni Albert si Ysay kahit hindi naman nito birthday dahil hindi na raw ito makapghintay sa birthday niya.

Masaya silang nagparty (karaoke + sayaw).

Naglalakad sina Ysay at Albert pagkatapos ng party. Nagpasalamat si Ysay kay Albert.

Pagpasok ni Lima sa opisina, may clown na biglang bumulaga sa kanya at may dala itong rosas — si Jordan. Nagalit si Lima at umalis ito. Hinintay ni Jordan si Lima sa labas ng opisina. Tapos na raw ang lahat sa kanila, sana tanggapin na lang daw ito ni Jordan. Tinanong ni JOrdan kung iyon ba talaga ang gusto niya. TUmango si Lima at sinabi ni Jordan na kung talagang iyon ang gusto niya iyon ang gagawin niya. Umalis na si Jordan.

Kinakausap ni Ysay ang painting ng nanay niya tungkol sa problema niya sa puso. Naiisip ni Ysay ang suggestion ni Alex na makipagkita na ito kay Mito at ang hiling ni Georgia na bigyan pa nito ng chance si Mito.

May painting ni Rosario si Mito at sinasabi nitong sana dumating si Ysay. (Saan ba galing ang mga paintings na ito ni Rosario, lol).

Sinabi ni Ysay kay Trining at Alex na nakapagdesisyon na siya. Na kailangan niyang harapin si Mito…

(Grabe naman iyong preview noong hinihintay na ni Mito si Ysay…may countdown pa parang bagong taon.)

7 Tugon to “Ysabella, Episode 80”

  1. mhe Says:

    “Pagpasok ni Ysay sa bahay, nakita niya ang painting ni Rosario (iyong sa tabi ng fountain). Sinabi ni Albert na mabilis daw kasi ang kakilala niya kaya agad niyang natapos (ang alin?)” TVJ THIS IS WHAT I KNOW… REMEMBER UNG MAY NANGGULO kina ysay nasira ung pagkakaayos ng painting ipinaayos ni albert yun siguro yun>>>>
    “(Grabe naman iyong preview noong hinihintay na ni Mito si Ysay…may countdown pa parang bagong taon.)”
    oo tama ka & what’s with the soldier, ano yun tatambangan si ysay????

  2. ptvj Says:

    ah! oo tama, tama iyon nga siguro un. tenchu😉

  3. queen Says:

    Pinaayos ni Albert yung painting na nasira nung mga nanggulo sa bahay nila. Yung mga soldiers naman, utos yon ni Victoria para di yata makarating si Ysay sa tagpuan nila ni Mito. Ang hunch ko naman, either tutulungan ni Albert na makarating si Ysay doon sa tagpuan OR isasama niya ito kung saan kasi di ba don sa trailer sabi ng sundalo kay Victoria na wala si Ysay sa bus and then before umalis si Ysay nandon si Albert at sinabing may sasabihin daw siya kay Ysay.

  4. nawawala Says:

    grabe nga yung hinihintay ni mito si ysay! may countdown pa! bwehehhe!! as if namang merong taong dumadating sa eksaktong oras at segundo.. parang tanga! tapos sobrang dami ng mga tao… parang ewan. kakairita pa si phoemela. OA kala mo naman eh as in breaking news na seryosong-seryoso! korni!
    wawa naman si mito! ayoko kay albert!!!!!!!!!!

  5. donya Says:

    ngaung alam na ni Ysay ang totoo, na si Andrew eh patay na, at ‘tong kasama nya eh si Albert, sana naman bumalik na sya kay Mito. In the first place, c Mito naman ang una nyang minahal, d ba? Nasaktan lang sya dahil nga iniwan sya nito. Pero, d ba mas masakit ang mga pinag gagawa ni Albert na ang talagang intensyon eh iganti si Andrew. Later na nga lang napamahal na rin sa kanya si Ysay. Kaya para sa akin, dapat si Mito ang makatuluyan nya sa ending…pls.. Ayoko rin kay Albert. Anyway, cla naman sa totoong buhay, eh dito man lang sana sa YSABELLA, cla Mito at Ysay ang magkatuluyan.

  6. maryjean Says:

    im now excited to watch ysabella…i dont understand why albert never tell the truth to ysabella.

    maryjean oberkulm ch

  7. jake Says:

    hi…
    upload more i am excited to say this show…
    take care and it is the best for you judai and albert. will thesame prin c albert na maging andrew right.

    see you and abs show.kapamilya ako and i hope you also my dear….the best and sikat all over the world

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: