Pangarap na Bituin, Episode 30

by

Pakasal na raw sila agad dahil baka matauhan pa raw si Cazzie. Nirequest ni Cazzie na narerelax daw siya kapag nakakarinig siya ng music at lately daw iyong single ni Emerald ang pinakikinggan niya. So kinantahan siya ni Emerald at sumali na rin si Terrence noong kinakanta niya ang “Pangako.”

Naabutan nina Ruby at Chorva na naghihintay sa labas ng bahay si Jeffrey. Nagbangayan na naman sila. Pag-alis ni Jeffrey, sinabi ni Chorva na hindi siya galit kung hindi kinikilig. Magkapatid nga raw sila ni Emerald, sila ang Denial Sisters.

Nalaman ni Alberta na si Emerald ang kasama ni Cazzie noong halos nag-collapse na ito. So pinuntahan ni Alberta ang mga parents ni Cazzie para demonyohin na naman about Emerald. Dumating sa Cazzie at sinabing gusto lang siyang pasayahin ni Emerald at ilang beses nitong tinanong kung kaya pa niya, kaya huwag na silang magalit kay Emerald.

Nakakuha na ng imbestigador si Cocoy (dati siyang imbestigador ni Alberta noong nagkaroon ng nakawan sa opisina nito).

Dumating si Sapphire at pinanood sina Emerald at Ruby habang nagpapractice.

Ayaw sanang paalisin si Cazzie ng mga magulang niya para sa gig nina Emerald pero sinabi ni Cazzie na hindi niya hahayaan na kontrolin siya ng sakit nito. At may kasama naman sing driver at naroroon din si Terrence.

Noong papunta sa gig si Emerald, ipinabigay ni Jeffrey kay Terrence ang mga bulaklak ay Ruby pero huwag daw nitong sasabihin sa kanya galing dahil baka hindi nito tanggapin. Para daw kapag nalaman na niyang kay Jeffrey galing wala na siyang magagawa.

Dumating si Terrence dala dala ang bouquet of roses at naabutan niya doon si Emerald. Dumating si Cazzie at naabutan niyang ibinibigay ni Terrence kay Emerald ang mga bulaklak. Ano raw ang ibig sabihin noon? Ipinaliwanag ng dalawa ang tungkol doon. Dumating si Ruby at sinabi nilang galing sa isang secret admirer ang mga bulaklak.

Hindi na tinapos nina Terrence at Cazzie ang gig nina Emerald. Nalaman ni Terrence na sinisiraan ni Alberta si Emerald sa mga magulang ni Cazzie.

Sinabi ni Terrence na huwag niyang pagsalitaan si Emerald ng ganoon (she called her ‘ahas’) dahil kapag ginagawa niya iyon sa mga mahal niya, nasasaktan siya.

Natigilan si Alberta, tinanong niya kung mahal ni Terrence si Emerald.

As a friend, sagot naman ni Terrence.

Sigurado raw ba siya?

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 30”

  1. LC Says:

    San na yung mga updates?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: