Ysabella, Episode 79

by

Ibang Andrew na raw ang kilala ni Trining hindi ang Andrew na kaharap niya ngayon.

Sinabi ni Trining kay Alex na ginagago sila ni “Andrew” (duh, what would you expect e nanay niya iyon). Ayaw ng tumira ni Trining sa bahay ng isang manloloko.

Pinapalakas ni Georgia ang loob ni Mito tungkol sa dilemma nito kay Ysay.

Nalaman ni Trining na sinabi na ni “Andrew” kay Ysay na nag-uusap sila ni Victoria. Sinabi ni Trining na kung hindi niya nahuli ito, hindi naman sasabihin ni “Andrew” kay Ysabella ang tungkol doon.

Sinabi naman ni Alex na naiintindihan niya si “Andrew” dahil naiipit ito sa nanay niya at sa pagmamahal niya kay Ysay. Pero alam daw niya na darating ang panahon na kailangan na niyang mamili.

Sinabi ni Trining kay Ysay na nabubulag lang ito sa pagmamahal niya kay Andrew. Mas boto na raw siya kay Mito ngayon. Labas na raw sa buhay niya si Mito at hinding-hindi na siya makakapasok sa buhay niya.

Binisita ni Fernando si Lupe. May sakit si Lupe at mahina na ito. Ibinalita ni Fernando kay Victoria. Hindi na raw ito ang Victoriang kilala niya, nalulungkot daw ito at nanghihinayang.

Nakita ni Bonnie si Lima na nag-iiwan ng sulat sa may halaman. Sinabi nito na basura lang ito.

Tinawagan ni Georgia si Ysay. Kailangan daw nilang magkita. Ayaw ni Ysay na makipagkita pero sinabi ni Georgia na importante lang. Pumayag si Ysay at sinabi niya kung saan siya nito matatagpuan.

Nakita ni Bonnie si Jordan at sinampal niya ito. Umamin si Jordan na kaya lang niya nagawa iyon ay dahil gusto nitong pagselosin si Lima at ito talaga ang mahal niya. Sinabi nito na nakakita na ng iba si Lima.

Ipinakita ni Bonnie kay Jordan ang sulat na iniwan ni Lima para kay Reno. (Kukunin na sana ni Reno ang sulat at ilalagay na niya ang sa kanya noong narinig niyang may pababa). Binasa ni Jordan ang sulat at iyon ang tagpong naabutan ni Lima noong pababa na ito para i-check kung may sulat siya. Akala niya si Jordan ang ka penpal niya.

Sinabi ni Ysay kay Alex na pumayag siyang makipagkita kay Georgia. Hindi raw nito alam kung bakit, pero siguro raw para matahimk na siya at para may magsabi kay Mito na hindi siya pupunta. Sinabi ni Alex na iyon raw ba ang gusto niya, ang patuloy na iwasan si Mito?

Kinuha na ni Reno ang sulat. Nalungkot ito sa nabasa niya dahil sinasabi doon na ayaw na niyang makilala ito dahil nalaman na niya kung sino ito at ayaw niya sa kauri niya.

Nag-ge-girl talk na naman sina Jordan at Mito. Dumating si Georgia at sinabi ay Mito na pumayag si Ysay na makipagkita sa kanya. Ibinigay ni Georgia ang number ni Ysay. As much as he wanted to daw ayaw niyang unahan si Ysay gusto daw nitong bigyan ng pagkakataong makapag-isip. Gusto daw niyang pumunta si Ysay sa tagpuan nila ng kusang loob at hindi dahil may nakiusap sa kanya.

Narinig ni Lima na pinag-uusapan nina Victoria at Homer sina Ysay. Tinanong nito ang tungkol dito. (She didn’t hear na may sakit ang lola niya?). Sinabi ni Victoria na it’s nothing daw. Nakiusap si Lima na kung ano ang binabalak niya na hindi makakabuti sa kanya huwag na niyang ituloy.

Nalaman ni Andrew na nakipagkita si Ysay kay Georgia dahil may sikreto daw itong sasabihin sa kanya. Sinabi ni Ysay na hindi raw pupunta ito sa tagpuan nila ni Mito. Sinabi na rin ni Georgia na ito ang may dahilan kung bakit nabugbog si Mito, kung bakit natanggal ito sa network at kung bakit ito naalis sa Florencia’s…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: