Pangarap na Bituin, Episode 29

by

Akala ni Kimmy sa isang restaurant na classy sila pupunta. Nalaman niyang sa Tapsilogan sila kakain, kaya pala ayaw bumaba ni Jeffrey noong una.

Hindi alam ni Terrence ang gagawin niya. Sinabi ni Alberta na kung malalaman daw ng publiko ang tungkol sa sakit niton maaawa sila at pag-uusapan sila. Pwede pa itong gumawa ng kanta para sa kanya. Nagalit si Terrence, mamamatay na nga raw si Cazzie puro gimik pa ang iniisip niya. In-excuse niya ang sarili niya kay Benedict at nag-walk out ito.

Sinabi ni Jeffrey na dinala daw niya si Kimmy doon dahil iyon daw ang the best na pagkain na na natikman niya ang iyon lang ang gusto niyang ibigay kay Kimmy — only the best. Nag-order na sila.

Dahil sa nalaman nilang sakit ni Cazzie, narealize ni Emerald na masyado na itong nagko-concentrate sa career niya at nakalimutan na niyang hanapin ang pamilya niya. Magha-hire daw sila ng imbestigador para malaman kung ano ang nangyari sa pamilya nia.

Habang kumakain sinabi ni Jeffrey na kung si Alberta ang manager ni Kimmy, hindi na ito mahihirapan dahil marami ang nagkakandarapang maging manager ang mommy niya, including him. Hindi makapaniwala si Kimmy dahil dati sinabihan siyang baduy ni Jeffrey. Tinutuya nito si Jeffrey at sinabing naiingit si Jeffrey sa kanya. Natigil lang ito ng hinawakan ni Jeffrey ang kamay niya.

Sinabi ni Kimmy na sinabi ni Berns na may itatanong daw si Jeffrey. Tinanong ni Jeffrey kung sa tingin daw ni Kimmy ay papasa itong maging singer. Pumayag si Kimmy (kahit imbyerna ito dahi nagbihis pa ito iyon lang pala ang itatanong ni Jeffrey). Kumanta na si Jeffrey at mukhang na-mesmerize naman si Kimmy sa boses nito dahil hindi ito makasagot noong tinanong ni Jeffrey kung okay raw ba ang boses niya.

Hindi nagpahalata si Kimmy, sabi niya “pwede na.” Noong inihatid na ni Jeffrey si Kimmy, nagpasalamat ito ng biglang nag-ring ang phone nito at tumawag si London. Naging masungit bigla si Kimmy at ayaw na nitong lumabas sila ulit. Nauwi na naman sa bangayan ang gabi nila.

Pinuntahan ni Cocoy si Terrence para kumustahin ito. Sinabi nito kay Terrence na hindi siya nag-iisa. Alam daw niya ang nararamdaman niya dahil pinagdaan na ni Cocoy iyon. Kung kailangan daw niya ng kausap, naroroon lang daw siya. Ano raw ang gagawin niya kung nalaman niyang mamamatay na ang asawa niya. Sinabi ni Cocoy na ibibigay nito lahat ng ibigin nito at sisiguraduhin niyang ang mga huling sandali nito ang pinakamasayang sandali ng buhay niya. Nagbiro pa ito at sinabing huwag siyang maingay na sinabi niya iyon baka daw masira siya sa mga chicks. Nakasalubong ni Cocoy si Alberta noong papaalis nito.

Itinanong ni Alberta kung ano ang ginagawa ni Cocoy doon. Nagbibigay lang daw siya ng fatherly advice. Naroroon naman daw si Alberta, pwede naman daw siyang kausapin nito. Sinabi ni Terrence na napagdaan na kasi ni Cocoy ang pinagdadaanan niya. (Iba ang facial expression ni Alberta, parang malungkot).

Habang hinihintay nila si Chorva, nalaman ni Emerald mula kay Kimmy na nakapasa ito sa lead role doon sa audition niya sa theatre pero hindi niya ito tinanggap dahil ayaw itong mawalay sa pamilya niya ng matagal (sa Canada daw gagawin ang play). Sinabi ni Emerald na sana raw makita na nila ang Ate Sapphire nila. Lumabas na ng bahay si Chorva at umalis na sila. Pag-alis nila, biglang lumabas sa pinagkukubliang sasakyan si Sapphire (!).

Nagkasama-samang gumimik sina Emerald, Chorva, Cazzie at Kimmy. (Kumain, nagpa-pedicure/manicure, nanood ng sine, etc.).

Tinawagan ni Emerald si Terrence para sabihing may nangyari kay Cazzie. Nagpunta si Terrence kina Cazzie at sinabi ni Cazzie na pagod lang ito.

Sinabi ni Terrence na sana hindi na nila pinagod si Cazzie. Si Cazzie naman daw ang nagyaya at saka kaya hindi agad sinabi ni Cazzie kay Terrence ang sakit niya dahil ayaw siyang tratuhin differently. Konti na lang daw ang panahon niya kaya dapat pinapasaya siya, sabi ni Emerald.

Pinuntahan ni Terrence si Cazzie sa kwarto at sinabing gusto niya itong pakasalan.

Nagyakap sila. Pumasok si Emerald sa kwarto, ibinalita na nila dito na tuloy na ang kasal nila…

4 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 29”

  1. nawawala Says:

    t*nginang alberta talaga yan o! napakawalang kwentang tao! what the f*ck is wrong with her??!?!!

    ang ganda talaga kumanta ni jay-r! na-inlab na naman ako sa kanya… hehehehe… =)

    ps: ang gusto ko sa palabas na ‘to ay yung mga emotions at dialog nila, napakatotoo diba!

  2. queen Says:

    di lang kapanipaniwala ang kuwento ni Cassie. umalis daw siya papuntang states dahil sa sakit niya tapos lagi daw siya nasa ospital. eh pano gumanda ang bag business niya na ginagamit pa mga hollywood stars kung lagi siyang nasa ospital and to think one year lang siya sa states?
    hmmm….

  3. ptvj Says:

    nawawala, hindi ko kilala si jay-r dati at ngayon ko lang narinig ang singing voice niya. nakaka-inlove😆

    queen, tama ka diyan! hindi ko naisip yan, pero now that you mentioned it… paano nga naman siya makakapag-set up ng business dun at maging sikat to the point na pati mga hollywood celebrities gusto ng mga bags niya e hindi naman siguro siya ganoon katagal naroroon at saka ang bata pa niya no.

  4. nawawala Says:

    dati ko pa kasi gusto si jay-r sa Pinoy Dream Academy eh! =) hihihi.. naku, sayang. sana napanood mo yun dati… ang galing nya tsaka ang lakas ng sense of humor! ang galing magpatawa!
    tsaka ang bait nya nung andito sila sa states! hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: