Natutulog ba Ang Diyos? Episode 55 (Finale)

by

Inilibing na si Bernardo.

Etong mga iniisip nila:

Patria: “Salamat sa sakripisyo at pagmamahal mo. Mahal na mahal kita…”

Andrew: “Hindi ko pababayaan sina Boy, Tina, at si Nanay…Salamat…”

Mike: “Tiniis kita dahil gusto kitang turuan ng leksion, pero ako ang may natutuhan…”

Rose: “Huwag ka ng mag-alala, pinatawad ka na namin…”

Gillian: “…mamimiss kita…”

Inalok ni Rose na tumuloy muna sina Andrew sa kanila, pero tumanggi ito. Nagpsalamat sina Boy sa lahat ng tulong ni Mike sa kanila. Nagpaalam na si Gillian kay Patria. Humingi ito ng tawad kay Gillian at akmang luluhod ito, pero pinigilan siya ni Gillian at sinabing tapos na iyon. Nagyakap sila.

Nakauwi na rin si Gillian for the first time as Gillian Angeles.

Binista ni Mark si Gillian. Nagpasalamat ito sa lahat ng naitulong ni Mark sa kanya. Narealize ni Mark na namimiss ni Gillian si Andrew. Sinabi ni Mark na matigas ang ulo ni Andrew pero mas matigas ang ulo niya. E di sana raw matagal na niyang ginive up ang feelings niya kay Gillian. Kung hindi lang daw niya nakita kung paano iniharang ni Gillian ang sarili niya para hindi mabaril si Andrew hindi niya marirealize kung gaano kamahal ni Gillian si Andrew. Nag-sorry si Gillian kay Mark. Hindi na raw niya kailangang mag-sorry sabi ni Mark at sinabi pa niyang hindi raw siya mawawala sa buhay ni Gillian –as a friend. Nagyakap sila.

Pinuntahan ni Andrew sina Rose at Mike para isoli ang kotse niya. Ayaw itong tanggapin ni Mike pero sinabi ni Andrew na sobra sobra na ang ginawa ni Mike para sa kanila. Umiiyak si Rose dahil nararamdaman daw niya na kinakalimuan na sila ni Andrew at para daw hindi na sila nito mahal. Sinabi ni Andrew na mahal na mahal niya ang mga ito. Pero kailangan daw siya ng pamilya niya. Sinabi ni Mike na he’s so proud of him daw “Andrew, his son.” Nagyakap silang tatlo.

Umalis na si Andrew. Masakit daw na iwan ang bahay na kinlakihan nila at nakakatakot ang pagbabago, pero masaya naman daw ang mga memories na daladala niya.

(Hindi bagay sa iyo ang nagko-commute lang, Jake!!!)

Paglabas niya sa gate naroroon si Mark. Sinabi ni Mark na si Andrew ang mahal ni Gillian at hindi siya. Sinabi ni Andrew na may possibility naman daw na mahalin ni Gillian si Mark. Sabi ni Andrew he doesn’t deserve Gillian, sabi ni Mark na Andrew knows better at alam niyang hindi totoo ion. Alam daw niya ang tama.

Sinalubong nina Tina, Boy at Patria si Andrew pag-uwi nito. Umiiyak na nagyakap ang mag-ina.

Pinuntahan nina Rose, Mike at Gillian si Patria.

Pupunta raw sana si Patria sa kanila para magpasalamat sa lahat ng tulong nila sa kanya at para humingi ng tawad pero naunahan lang siya ng hiya. Sinabi ni Rose kay Patria na naiintindihan na niya si Patria ngayon. Nagyakap sina Rose at Patria.

Kinumusta ni Andrew si Gillian. Nalaman ni Gillian na nagtatrabaho sa call centre si Andrew sa gabi at nag-aaral sa araw. Ang busy naman pala daw niya, kaya daw pala hindi na sila nag-uusap. Sinabi ni Andrew kay Gillian na wala daw itong maipapangako sa kanya for now, kailangan daw muna niyang buuin ang pagkatao niya.

Andrew: “You’re such a strong person. Alam ko naman na kaya mong mabuhay ng wala ako.”

Gillian: “Oo…kaya kong mabuhay ng wala ka…pero ayoko Andrew.”

(Awwwwwwwwwwww!!!)

Nagyakap sila.

Wedding Scene:

Nasa entourage sina Tina, Karla, Patria and escort niya si Boy (ang ganda ni Rossana!!!) and siyempre Mike and Rose to give Gillian away. Andrew and Mark waiting at the altar.

(At this point kinakabahan ako, baka biglang maging si Mark ang groom!)

Grabe bagay sila!!!

Veil…cord..exchange of rings…

Nagkiss na sina Gillian at Andrew.

The End.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! *Iyak* *Singhot*

Congratulations sa cast ng NBAD, grabe walang itulak kabigin lahat magagaling umarte. Great story, great adaptation (kahit na medyo dragging na at the end).

8 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 55 (Finale)”

  1. mhe Says:

    balik sa ramirez ang apelyido ni gilian

  2. ptvj Says:

    lol, oo nga pala😀

  3. gsd Says:

    i love that quote:
    Andrew: “You’re such a strong person. Alam ko naman na kaya mong mabuhay ng wala ako.”

    Gillian: “Oo…kaya kong mabuhay ng wala ka…pero ayoko Andrew.”

    grabehhhhhh

  4. kristine Says:

    bkt ganun nung libing walang benda (benda b un, ung nsa kmy ni gillian) kc db nabaril xa.. pro pgdating s bahay meron na… hmmm….

    ang bilis ng pangyayari n nagpakasal sila… nakatapos ba sila?

    at sang ayon ako bagay sila… hay…

  5. quidditch24 Says:

    may video ba sa youtube itong final episode? di ko kasi napanood. 😦

  6. quidditch24 Says:

    ay. may nakita na po ako🙂

  7. michael Says:

    dapat may part 2!!!! bagay sila ni Andrew..

  8. gurL katoinks Says:

    uu nga.. dpat may part 2!!! grabe!! nakakabitin!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: