Pangarap na Bituin, Episode 28

by

Hindi mapalagay si Terrence. Naaalala niya si Emerald habang hawak hawak niya ang medal niya. At the same time naiisip din ni Emerald si Terrence. (Duet sila sa kanta). Sinabi ni Jeffrey na sabihin na agad ni Terrence ang nararamdaman niya kay Cazzie dahil kung mag-asawa pa sila at doon pa niya nalaman magkakagulo lang. Tinawagan niya si Cazzie at sinabi niyang may sasabihin daw ito sa kanya. Pumayag si
Cazzie dahil may sasabihin din daw ito sa kanya.

Tinawagan ulit si Kimmy ng mga ino-auditionan niya sa theatre the day before. Pagdating niya doon nalaman niyang tinawagan sila ni Jeffrey (matagal na raw na kilala ng mga judges sina Alberta at Jeffrey) at ipinaliwanag nito na nabasa si Kimmy kaya pumangit ang boses nito. Nashock si Kimmy sa nalaman.

Okay naman ang naging takbo ng audition. Pagkatapos ng audition tinawagan niya si Jeffrey para magpasalamat. Friends na raw sila. Sinadya ni Jeffrey si Berns para bigyan ng bulaklak. Tuwang-tuwa si Berns dahil noon lang daw siya nakatanggap ng bulaklak perohindi niya tinanggap. Huwag daw silang tuhuging mag-ina ni Jeffrey. (Lol). Sinabi ni Jeffrey na para daw sa kanya talaga iyon at may hihingin siyang pabor. Gusto daw niyang ilabas si Kimmy/Ruby.

Tinanong ni Kimmy kung bakit pumayag si Berns. Sinabi ni Berns na alam naman daw nitong hindi siya totoong galit kay Jeffrey. Feeling daw niya magtatapat si Berns sa kanya. Nataranta na silang “mag-ina.”

Itinanong ni Chorva kay Emerald kung ano ang nangyari sa lakad nila ni Terrence. Nag-enjoy daw sila, pero hanggang doon na lang daw iyon. Nagkita na sina Cazzie at Terrence. Sinabi ni Cazzie na may sakit siya and that she’s dying. Last pa raw nilang nadiscover na may tumour ito sa right part ng utak niya.

Napagamot niya pero later on may panibagong tumour na naman ang lumabas. Ito ang dahilan kung bakit bigla na lang umalis si Cazzie. Nagawa na raw ang lahat ng paraan pero ayaw na rin kasi ni Cazzie. Pagod na raw siyang pabalik-balik sa ospital. Mas gusto pa niyang umalis at magpakasaya.

Tinanong ni Terrence kung ano ang pwede niyang gawin. Basta makasama lang daw siya and getting married to him is a dream come true daw. It’s up to him daw kung gusto niyang pakasal pa kay Cazzie. Nagyakap sina Terrence at Cazzie. Tumayo na si Cazzie at umalis habang naiwan si Terrence.

Pag-uwi ni Terrence napansin ni Jeffrey na malungkot ito. Nagkita na sina Berns at Jeffrey sa kanto kung saan nakasakay sa taxi si Kimmy at nasa labas si Berns. Pagbaba ng taxi ni Kimmy/Ruby naka-gown ito (na parang magbabride’s maid). Sinabi ni Jeffrey na hindi naman niya kailangang magbihis. Sabi ni Kimmy gusto naman daw niya ito. Hindi mapalagay si Terrence.

Pinuntahan ni Terrence si Emerald. Kakatapos lang niyang kausapin si Cazzie sa telepono. Alam na rin ni Emerald ang totoo.

Sinabi ni Emerald na malakas si Cazzie at hindi siya susuko at dahil may isang lalaking nagmamahal sa kanya…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 28”

  1. nawawala Says:

    tawa ako ng tawa kay ruby at papi dito!! hehehehe!

  2. samster4life Says:

    what song did jericho and sarah sing together?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: