Ysabella, Episode 77

by

Bumaba na si Victoria at pinaakyat si Lima sa taas at siya na raw ang bahala sa mga pulis (para namang 5 years old si Lima, laging go to your room na lang).

Distracted si Ysay dahil naiisip nito ang interview ni Mito kaya kahit ang mga planong sinasabi ni Albert sa kanya tungkol sa business nila hindi ito makapagconcentrate.

Mula sa loob ng bahay kinakausap ni Trining si Ysay. Umaga na raw sila magsimba sa Linggo dahil gusto nitong mapanood ang interview ni Mito. Feeling daw kasi niya magtatapat ng pag-ibig si Mito sa harap ng telebisyon. Natigilan lang ito noong lumabas na siya at nakita niyang naroroon din si “Andrew.”

Tinawagan ni Lima si Albert at ibinalita ang nangyayari sa bahay nila. Narinig ni Trining na kinakausap ni Albert si Lima. Sinabi kasi ni Albert na wala siyang alam sa warrant na iyon at misunderstanding ang daw sigurado iyon.

Sinabi ni Victoria kay Lima na mistake lang daw ang arrest na sinasabi ng pulis.

Tinanatanong ni “Andrew” kay Ysay kung ang interview ni Mito ang dahilan kung bakit distracted ito. Dineny naman ito ni Ysay. Papanoorin pa rin daw ni Albert ang interview ni Mito sa TV para malaman niya kung ano ang kalaban niya.

Masayang sinalubong ng mga tauhan nila sina Ysay at “Andrew.”

Nagdududa na si Trining kay Albert. Masama daw ang kutob niya kay Andrew para raw kasing may itinatago ito. Ayaw maniwala ni Alex na itinatago si Andrew.

Natatakot lang daw si Trining dahil malapit sila kay Andrew at si Andrew nanay si Victoria at si Victoria malapit sa totoong tatay ni Ysay. Baka daw nagkakahalong takot lang iyon. (Alam na pala ni Alex ang tungkol kay Nanding?)

Tinuruan ni Ysay ng tamang pagluluto ang mga kasamahan nila. Masaya sila dahil nakuha nila ang sangkap. Nag-celebrate sila at nagpunta sa perya sa bayan.

(May Maggi promo girls na pala sa perya?)

Pag-uwi nina Ysay at Albert, naabutan nilang nanonood sina Trining at Alex. Ayaw na sana niyang panoorin pero natigilan ito kaya napanood niya na inamin ni Mito ang lahat lahat sa telebisyon (na insecure siya dati at pati iyong muntik na niyang mapagbuhatan ng kamay si Ysay).

Umiyak na rin si Ysay habang pinapanood na umiiyak si Mito. Sinadya daw niyang saktan ng paulit-ulit si Ysay para layuan na siya ni Ysay because he’s not worth of her love. Babalik langd aw siya pag worthy na siya. Nalaman na rin ni Ysay na magpopropose sana si Mito kung hindi siya naaksidente.

Magkita daw sila doon sa tagpuan nila a week from now at 4 in the afternoon.

Pumasok sa kwarto niya si Ysay at umiiyak ito…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 77”

  1. nawawala Says:

    bakit yung mukha ni Lima parang laging paiyak kahit na di naman nakakaiyak? hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: