Pangarap na Bituin, Episode 27

by

Nagpapakasenti lang daw si Emerald kung kaya siya umiiyak, sabi niya kay Terrence. Masaya daw ito para sa kanila ni Cazzie. Masaya raw ba talaga siya, tanong ni Terrence? Obvious ba raw? (Hindi obvious!!!). Naaalala raw niya noong nasa ampunan sila, tapos ngayon ikakasal na siya. Nagbiro pa siya na tumatanda na si Terrence. Kung masaya raw talaga ito bakit hindi makihalubilo sa mga masasaya. Napilitang sumunod si Emerald.

Kinausap ni Abby (iyong talent ni Alberta na makulit) si Kimmy at nagpakilala. Nagkukwentuhan sila noong biglang lumapit si Jeffrey at binati si Abby. Ipinakilala ni Abby si Jeffrey kay Kimmy/RUby, pero dinedma lang niya ito at tinanong kung kumain na si Abby.

May ipinakilala si Cazzie kay Terrence kaya naiwang nag-iisa si Emerald. Dumating si Alberta at sinabing bilib ito kay Emerald dahil pati si Cazzie nabola niya. Sinabi ni Emerald na si Cazzie ang nakikipagkaibigan hindi siya. Ilusyunada daw siya sabi ni Alberta. Sinabi ni Emerald na tinuruan siya ng erpats niya na gumalang sa mga matatanda at iyon lang ang dahilan kung bakit hindi pa siya nakikipagbangayan kay Alberta. Hindi daw porke’t may single ito nangangahulugang superstar na ito, hanggang doon na lang daw siya. (And then Alberta pushed Emerald head using her pointing finger). Nakita ito ni Chorva at sinabi ni Emerald na umalis na sila.

Tinanggihan na ni Louie si Cocoy at Emerald sa pagpo-produce ng susunod na single ni Emerald. (Hay naku! Bakit ba natakot itong si Louie kay Alberta e magiging son-in-law niya si Terrence at sigurado namang magtataka si Terrence kung on his next album hindi si Louie ang magpoproduce siguradong magtatanong iyon). Sinabi ni Chorva sa mag-ama na siguradong may kinalaman si Alberta. Huwag daw niya itong i-deny sabi ni Chorva dahil nakita niyang tinaray-tarayan ni Alberta si Emerald. Hindi rin daw maintindihan ni Emerald kung bakit ganoon si Alberta sa kanya. Sinabi ni Cocoy na mag-ingat na lang sila.

Pagkatapos ng party nag-uusap sina Cazzie at Terrence. Ginaya nito ang ginagawa nina Emerald at Terrence sa isa’t isa: pinitik niya ang ilong ni Terrence. (Mukhang hindi nagustuhan ni Terrence pero dineny niya).

Habang naghihintay sa set nila sina Emerald at Kimmy, nalaman nilang na-delay ang flight ni Mark Bautista at hindi ito makakarating. Biglang sumulpot si Terrence, ito pala ang surprise guest nila. Nag-o-okarayan na naman sina Emerald at Terrence at napapansin na ni Cazzie ang kakaibang closeness nila.

Habang nanonood sa backstage si Cazzie at COcoy napansin ni Cocoy na namumutla si Cazzie kaya nag-offer ito na kumuha siya ng pagkain, pero sinabi ni Cazzie na nahihilo lang daw siya at nasusuka kapag nakakaamoy ng pagkain (Buntis or dying?). Nalaman na rin ni Cazzie mula kay COcoy na hindi na ipo-produce ng daddy niya ang single ni Emerald.

Habang ang-re-ready sa backstage si Kimmy, dumating si Jeffrey. As usual, nagbangayan na naman sila. Pinapaalis niya si Jeffrey. Natatakot raw ba si Kimmy sa sarili nito dahil natetense ito dahil baka mabuking na may gusto siya kay Jeffrey. Ayaw umamin ni Kimmy. Nagkaroon sila ng date para daw “patunayan” ni Kimmy na wala siyang gusto dito. Kumuha ng isang stem ng rose si Jeffrey mula sa vase at hinalikan ito at inilapag sa harap ni Kimmy. Pag-alis ni Jeffrey, dinampot nito ang bulaklak at ngumiti.

Pagkatapos ng show, nagkayayaang lumabas sina Terrence. Pero wala si Cocoy dahil bumili ng gitara on sale, nag-shopping naman si Chorva, at umuwi na rin si Cazzie. So silang dalawa na lang ang lumabas.

Hinahabol ng mga fans sina Terrence kaya nag-disguise sila. (As if naman na hindi sila mapapansin e nakashades sila e gabi na).

Namasyal sila, kumain ng balut, nanood ng sine, etc.

Noong inihatid ni Terrence si Emerald, malungkot sila dahil iyon na raw ang last time na makakapaglakwatsa sila ng ganoon dahil ikakasal na si Terrence. Hinalikan ni Terrence ang kamay ni Emerald.

Kinausap ni Cazzie ang daddy niya. Louie doubts Emerald’s motives daw. Hindi talaga ito pumayag at the end. Marami naman daw na ibang producers doon.

Sinabi ni Jeffrey kay Terrence na tama nga ito dahil gusto na niya si Kimmy/Ruby. Sabi na nga raw ba ni Terrence, in-love si Jeffrey. Oo na raw, expert na raw siya sa mga taong in-love. Ganoon rin daw ba ang nararamdaman niya kay Cazzie?

Kinausap ng mommy niya si Cazzie. Tinanong nito kung kailan niya sasabihin kay Terrence? (Ang alin?) Kailangan daw niyang maging fair kay Terrence at kailangan niyang malaman ang katotohanan bago sila ikasal.

Hindi pa sinasagot ni Terrence ang tanong ni Jeffrey. Sinabi ni Terrence na nagkamali ata siya. May feelings naman daw siya for Cazzie at sigurado daw siya na mahal niya ito. Kaya lang daw…

May Emerald ka rin, sabi ni Jeffrey. Kung hindi raw bumalik si Emerald sa buhay niya magkakaganoon daw ba ito? Sinabi ni Terrence na no doubt pakakasalan daw niya si Cazzie.

Na-admit na rin ni Terrence sa sarili na mahal niya si Emerald…

6 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 27”

  1. nawawala Says:

    may sakit yang si cazzie…

  2. nawawala Says:

    at bwiset na alberta talaga yan.. flat character. masama lang sya, period.

    tsaka nag-comment na ba ako tungkol dun sa singsing na binigay ni alberta kay terrence? yung family heirloom? bakit kay terrence nya binigay at hindi sa ANAK nyang si jeffrey? tsk tsk… wawa naman si jeffrey.

    —–
    ps: ayoko atang panoorin yung Prinsesa ng Banyera dahil kay kristine!!!!! waaaaahH!! andon pa naman si TJ!!!😦 di ko na kasi ma-take si kristine eh. ang arte!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! tapos kontrabida na naman si angelica???😦

  3. ptvj Says:

    anak siguro ni alberta si terrence.

    ayoko ring panoorin iyong prinsesa ng banyera. ayoko kay kristine, hindi siya marunong umarte…bakit ba laging nasa teleserye yan e hindi naman siya marunong umiyak?

  4. saye Says:

    ,sana mamatay na si cazzie,(kung mamamatay man tlga un..)para sila terrence at emerald na!!!hehehe!!:)

    ayy,huwag muna pala,dahil mapapadali ang tapos ng teleserye..gusto ko pa nman si sarah geronimo aka emerald gomez!!

  5. bhikwa Says:

    hello
    yung strawberrysnuggles na account sa youtube eh suspended???? meron pa bang ibang acount???

  6. queen Says:

    bhikwa: try mo sa youtube nikkov7

    Galit din ako kay Alberta…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: