Natutulog ba Ang Diyos, Episode 52

by

Pinapaligo muna ni Bernardo si Gillian bago niya ito iuwi. Naroroon pa rin si Raul pero pinalayas siya ni Bernardo noong makita niya ito.

Sinabi ni Andrew kay Patria na si Rose na ang magbabayad sa transplant nito. Nahihiya na raw si Rose. Sinabi ni Patria na marami daw siyang gustong ipaliwanag kay Andrew. Sana raw mapatawad niya ang mga ito. Kung hihingi daw siya ng tawad, kay Gillian na raw at sa mga magulang niya. Hindi ba raw sila matatanggap ni Andrew kahit konti lang? Hindi daw niya makakalimutan ang mga nangyari pero darating din daw ang panahon na maayos din nila ang lahat.

Padating na sina Tina at Boy noong paalis na si Andrew. Hinabol siya ni Boy dahil pinaiyak na naman daw niya si Patria. Tuloy-tuloy lang na naglakad si Andrew. Nasalubong ni Rose si Boy. Sinabi ni Rose kay Boy na si Andrew ang kidney transplant ni Patria at ito rin ang nagbayad sa dialysis niya.

Sinabi ni Patria kay Boy na gusto niyang makilala ang donor niya. Gusto man lang daw niya itong mapasalamatan. Sinabi ni Patria kina Boy at Tina na sinabi ni Andrew sa kanya na darating din daw ang panahon at maayos din ang lahat. Nabigyan daw siya ng rason para magbagong buhay.

Tapos ng naligo si Gillian. Sinabi ni Bernardo na pwede na siyang tumakas. Sinabi ni Gillian na pinapatakas siya, pero may baril naman siya. Inalis ni Bernardo ang baril niya at inihagis iyon. Sinabi ulit niya na pwede na siyang tumakas.

Nababahala na si Rose dahil hindi pa tumatawag si Bernardo. Sinabi na rin ni Andrew na ibabalik na ni Bernardo si Gillian kaya ibalik na lang daw ni Rose ang pera niya sa bangko. Narinig ito ni Mike.

Sinusubukan lang daw ni Bernardo si Gillian. Nagpasalamat ito kay Gillian sa mga sakrispiyong ginawa niya para sa pamilya nila. Swerte daw siya. Sayang daw at hindi na niya makikitang maging ganap na nurse si Gillia, sabi ni Bernardo.

Nag-away sina Rose at Mike.

Inihabilin ni Bernardo kay Gillian ipatuloy ni Gillian ang pagpapatransplant ni Patria at tulungan rin daw niya sina Tina at Boy. Nakikusap si Gillian na sumama na si Bernardo sa kanya, pero ayaw nito mas gusto pa ata niyang mamatay.

Kumanta na si Raul kay Mike.

Tumawag si Bernardo kina Rose at ipinakiusap si Gillian kay Rose. Sinabi ni Gillian kay Rose na uuwi na siya. Pagbaba niya ng phone, nag-ring ulit ito. This time si Mike ang nasa kabilang linya at sinabing alam na nila kung nasaan si Bernardo. Ayaw maniwala ni Mike na uuwi na si Gillian, gusto daw nitong makasigurado.

Pinapaalis na ni Bernard so Gillian pero pilit na isinasama ni Gillian si Bernardo. Niyakap ni Bernardo si Gillian. Biglang sumulpot si Raul at kinuha si Gillian at tinutukan ito ng baril. Ipinahagis niya ang mga baril ni Bernardo. Nakapanlaban din sina Gillian at Bernardo, pero nakakuha ng baril si Raul at nahabol at nabaril niya si Bernardo noong itinatakas niya si Gillian.

Narinig nina Mike ang putok ng baril. Sumugod sina Mark at Andrew. Nabaril si Bernardo at akmang babarilin din ni Raul ang isa kina Mark at Andrew. Isinangga ni Gillian ang sarili niya at nabaril ito sa may shoulder.

Nagsisisi naman si Mike noong nasa ospital na sila. Kung nagbayad raw siya ng ransom, hindi mangyayari iyon.

Ligtas na si Gillian pero nasa kritikal na kundisyon naman si Bernardo. May donor card si Bernardo na nagsasabing idodonate niya ang kidney niya kay Patria.

Hindi naman makakain si Patria. Kinakabahan daw ito. Nase-sense niyang may itinatago sina Boy at Tina sa kanya.

Sinabi na ni Boy na si Andrew ang kidney donor ni Patria…

4 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos, Episode 52”

  1. nawawala Says:

    aaawww.. kawawa naman si bernardošŸ˜¦

    tangengot naman kasi si mike.. bakit sa blackmail dati ni… (sino nga ba yung babae??) willing syang magbayad tapos yung para sa anak nya eh di nya ginawa no? gets ko rin rason nya pero pag kinumpara mo dun sa unang blackmail parang hindi tama…

  2. ptvj Says:

    oo nga! ngayon ko lang na-realize iyan. yan ang ayaw ko sa mga soap operas minsan, kapag patapos na nagigin weird ang development ng mga characters lalo na kapag pinapahaba. which is sayang kasi ang ganda ng start tapos kinakatay na lang sa bandang huli ang plot.

    and ako din naaawa kay bernardošŸ˜¦

  3. hEaVEn Says:

    ako din, I agree! sobrang pinahaba tapos in the end nagmamadali silang matapos. I watched the ending kanina. It was okay, could have been better though.

  4. addixtmud^^archer Says:

    sna man lng ngka-roon ng book 2,,,hehehehe^^
    ksi nd msayado ganda ng end up,,,
    pwo okie nrin!!!!!!!!!!
    sna magkaroon pa ng more project si mat ranillo III
    bgay ang role nya^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: