Ysabella, Episode 76

by

Hindi alam ni Albert ang gagawin niya, kung idedemanda ba daw niya ang sarili niyang ina.

Nadrama naman sa TV si Mito sa interview niya with Phoemela.🙄

Tinawagan ni Albert si Victoria para mag-sorry at sabihing kailangan niyang sampahan ng demanda ang ina. Iyon lang daw kasi ang dahilan para bumalik sina Ysay sa kanila.

Nagbigay na ng statement sa pulis para idemanda ng frustrated murder at conspiracy to commit crime.

Pinagmamasdan ni Reno si Lima habang hinahanap niya si Bonnie. Umiiyak si Bonnie at sinabing ginamit lang siya ni Jordan(?). Makakarma din daw siya sabi ni Lima. Nag-inuman sina Bonnie at Lima sa opisina ng huli. Pag-alis Bonnie, umalis na rin si Lima. Nag-pass out si Lima papunta sa may elevator. May bumuhat kay Lima (si Reno).

Hindi kinikibo ni Ysay si Trining. Pero pilit siyang kinukulit ni Trining para kausapin siya. Hindi na raw dapat idinamay ni Trining si “Andrew.” Hindi raw niya maintindihan kung bakit niya ginawa iyon, hindi namand daw siya dating ganoon. Oo raw nagbago na siya, dahil alam niya kung paano nasasaktan si Ysay dahil pagdating sa pag-ibig tatanga-tanga si Ysay. Umiiyak itong iniwan si Ysay.

Nagising na lang si Lima na naroroon na sina Victoria at Fernando. Malumanay na tinanong ni Victoria si Lima kung bakit niya ginagawa ito, she has a lot of problems as it is daw. Nagpasalamat si Victoria kay Fernando for calling her. Sinabi ni Victoria na tumayo na si Lima bago pa magsimulang dumating ang mga tauhan niya. Tinanong ni Lima si Fernando kung sino ang nagbuhat sa kanya. Sinabi ni Fernarndo na isang janitor ang bumuhat sa kanya pero hindi niya alam kung sino.

Nagpasalamat si Lima kay Reno (paano niya nalaman na si Reno iyon?).

Nag-sorry si Ysay kay Trining. Napanood nila ang interview ni Phoemela kay Mito. Ayaw panoorin ni Ysay ang interview, masyado daw showbiz si Mito. (Sus, pasalamat si Ysay type siya ni Mito). Pumasok ito sa kwarto, pero lumabas ulit noong narinig niyang tinatanong ni Trining si Alex kung sa tingin nito na may gusto pa si Ysay kay Mito. Wala na raw, zero na raw.

Nagdadrama na naman si Mito.

Nagdadrama rin si Albert. Kinakausap niya si Andrew at sinabing hindi niya sinasadyang magkaganoon daw ang sitwasyon. Pero pangako daw, babawi raw ito kay Ysay at ibabalik nito sa kanya ang pangarap niya.

Nalaman ni Lima na may warrant of arrest for frustrated murder para kay Victoria at ang nagsampa ng demanda ay si Andrew Amarillo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: