Pangarap na Bituin, Episode 26

by

Habang nagpapatuyo sila ng mga sarili nila (naka-wrap aroung towel si Berns at naka-robe si Kimmy) tinanong ni Berns kung talagang akala ba niya na hahalikan siya ni Jeffrey. Hindi raw sigurado si Kimmy pero tinuluy-tuloy na niya. Tumawag si Jeffrey pero hindi nito sinagot ni Kimmy. Echas(?) daw siya sabi ni Berns.

Pinuntahan ni Cazzie sina Emerald para imbitahan sa party later on that night. Pati sina Cocoy, Chorva, Kimmy at Berns. Ayaw sana ni Kimmy dahil baka raw naroroon si Jeffrey pero pinilit siya ni Chorva dahil kailangan daw ni Emerald ng moral suport.

Sinabi ng mga panel of judges siya daw ang pinakamagaling sa lahat ng nag-audition pero she’s the weakest in singing. Kumanta ulit si Kimmy at mukhang nagustuhan naman ng mga ito ang pagkanta niya at first pero hindi niya naabot ang mga high notes (nawala ang boses niya dahil nabasa siya sa ulan). (Hindi natanggap si Kimmy).

Pag-uwi nila naroroon si Jeffrey dahil alang-alala ito dahil hindi nagtetextback si Kimmy hindi daw niya tuloy alam kung safe itong nakauwi. Galit na galit si Kimmy at sinabing sinadya daw ni Jeffrey lahat ng nangyari. Ayaw na raw niyang makita ito, pero since magkaibigan ang ate niya at si Terrence hindi maiiwasan. Pero in the future huwag na raw magpapakita ito. Kung hindi nga lang daw siya naka-oo hindi ito pupunta sa party ni Cazzie. PUmasok na sa loob ng bahay si Kimmy.

Nag-sorry si Jeffrey kay Berns. Sinabi ni Berns na palamigin na lang daw muna ang ulo ni Kimmy.

Naka-dress sina Chorva at Kimmy pero nakapantalon lang si Emerald dahil hindi daw bagay sa kanya ang naka-dress. Sinalubong sila ng daddy ni Cazzie at nakilala na rin niya si Kimmy. Ipinaalala daw ni Cazzie sa daddy niya na kailangan ng sundan ang single niya since she’s doing well in the charts. Itinanong ni Chorva kung ano ang okasyon. Hindi raw ba sinabi ninTerrence at Cazzie sa kanila?

Bumaba na sa hagdan sina Terrence at Emerald with matching violinists at introduction from Terrence’s road manager. Doon lang nila nalaman na engagement party ang pinuntahan nila. (Napansin ni Terrence na malungkot si Emerald).

Tinanong ni Alberta sa road manager kung ano ang ginagawa nina Emerald and company sa party. Paalisin daw niya ang mga ito dahil wala siya sa mood makipag-plastikan. Doon nalaman ni Alberta na magkaibigan sina Cazzie at Emerald.

Pinuntahan ni Alberta ang daddy ni Cazzie, gusto daw niya itong maka-usap in private. Sinabi ni Alberta na kapag pinroduce daw nito ang next single ni Emerald, hindi na raw siya kukunin nito as producer of Terrence’s next album. Sinabi ni Alberta na bumubuntot-buntot si Emerald kay Terrence. Dinemonyo na rin ni Alberta ang utak ni Louie. Ginagamit daw ni Emerald si Cazzie para mapapalapit kay Louie or may gusto ito kay Terrence at nag-aabang lang siya, sasaktan daw ni Emerald si Cazzie.

Nagtatago sa mga tao si Emerald. Huwag daw siyang KJ sabi ni Chorva noong nagyaya itong umalis. Nakita siya nina Cazzie at Terrence. Ang cute-cute daw nilang tignan sabi ni Cazzie kung hindi lang daw sila engaged ni Terrence mag-seselos daw siya sa dalawa.

Tinawag na sina Cazzie at Emerald for their first dance. Malungkot na pinapanood ni Emerald ang pagsasayaw ng dalawa.

Pagktapos ng sayaw nila hinanap ni Terrence si Emerald. Nakita niya itong umiiyak. Tinanong niya kung bakit…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 26”

  1. queen Says:

    Grrr! Si Alberta talaga! Sana naman medyo logical mag-isip ang tatay ni Cassie no. Hindi lang po si Terrence ang singer sa mundo. Kung ayaw ni Alberta ipa-produce ang next record ni Terrence eh di wag!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: