Natutulog ba Ang Diyos? Episode 51

by

Hinabol ni Mark si Bernardo pero nakatakbo ito at nakita niyang sumakay ito sa kotse ni Andrew.

Bumalik si Raul sa kung saan nila tinatago si Gillian. Nakita niya si Gilian at balak niya itong pagtangkaan ng masama.

Nagmamakaawa si Andrew kay Bernardo na ibalik niya si Gillian. Sinabi ni Bernardo kay Andrew na kahit hindi man siya ituring ni Andrew bilang ama, okay lang daw basta huwag niyang pabayaan si Patria at ang mga kapatid niya. Hinawakan ni Bernardo ang shoulder ni Andrew at nagpasalamat. Pinigilan ni Andrew si Bernard at tinanong kung nasaan si Gillian dahil mahal na mahal niya ito. Huwag daw siyang mag-alala at ibabalik na niya si Gillian. Paano na raw siya, tanong ni Andrew kay Bernardo. Sinabi ni Bernardo na bahala na ang Diyos sa kanya.

Pagdating ni Bernardo sa hideout niya, naabutan niyang pinagtatangkaan ni Raul si Gillian. Nilabanan niya si Raul at tinutukan ng baril. Ano raw ang ginagawa nito sa ANAK NIYA. Mataas ang lagnat ni Gillian.

Nalaman ni Mike na nakipagkita sina Patria, Boy at Tina kay Bernardo. Nagalit ito at sinabing hindi na niya babayaran ang kidney transplant ni Patria.

Galit na galit si Mark kay Andrew dahil traydor daw ito. Sinabi ni Andrew na kung gusto daw ni Mark na hindi na nila makita si Gillian, sige raw at ipagsabi niya ang nangyari. Naabutan sila ni Mike at itinanong kung ano ang nangyayari. Nagsinungaling si Mark at sinabing kung agad daw kasing sumating si Andrew edi sana silang dalawa ang humabol kay Bernardo at baka nahuli nila ito.

Umiiyak si Rose at nagdarasal na sana magkaroon pa ng pagkakataon na maging ina siya kay Gillian.

Nag-sorry si Raul kay Bernardo. Sinabi ni Bernardo na ibibigay parin niya ang share ni Raul pero pagkatapos noong magkalimutan na sila.

Inasikaso ni Bernardo si Gillian. Noong natutulog ito, iniisip ni Bernardo na kung napahamak ito kay Raul, hindi niya mapapatawad ang sarili niya.

Nagdarasal naman si Patria. Matagal na raw niyang natanggap ang sakit niya, alam daw niyang bayad iyon sa mga kasalanan niya kaya huwag na lang siya ang tulungan ng Diyos. Si Bernardo na lang daw, sana draw maliwanagan ang isip nito. Nasa may pintuan naman si Andrew.

Nagdarasal si Andrew. Dudugtungan daw niya ang buhay ni Patria hindi dahil naaawa ito sa kanya kung hindi dahil siya ang ina nito. Kaya daw niyang talikuran ang buhay niya kina Rose, basta raw maibalik lang si Gillian.

Nalaman nina Rose at Andrew na hindi na babayaran ni Mike ang kidney transplant ni Patria. Sinabi ni Rose na siya na ang magbabayad.

Sinabi ni Bernardo kay Gillian na ibabalik na niya ito sa mga magulang niya. Itinanong ni Gillian kung paano na raw ang ransom at ang pagpapagamot ni Patria.

Kinompronta ni Mike si Rose noong nalaman niyang ito na ang magbabayad sa kidney transplant ni Patria. Sinabi ni Rose na ginagawa lang niya ang tama at nawawala na raw ang pakikipagkapwa tao ni Mike. Biniyayaan daw sila ng Diyos ng magandang buhay and the least they can do daw is to help other people.

Naiinitindihan na raw ni Gillian ngayon kung bakit ganoon na lang ang pagmamaltrato sa kanya ni Patria. Pero bakit daw hindi man lang siya nito ipinagtanggol. Ikinuwento ni Bernardo na napakagandang baby daw ni Gillian noong bata pa siya, at may nagkainteres na mayaman sa kanya at gusto siyang ampunin at handa itong magbayad ng malaking halaga. Pero hindi raw niya hinayaang mangyari iyon dahil gusto pa rin daw niyang lumaki si Gillian malapit sa mga tunay nitong mga magulang.

Hindi raw alam ni Gillian kung maniniwala pa ito sa kanya. At bakita daw noon lang niya sinasabi sa kanya ito. Sinabi ni Bernardo na baka iyon na ang huling pagkakataon at baka raw hindi na sila muling magkita at magkausap.

Tinulungan ni Bernardo si Gillian na tumayo at inakay niya ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: