Ysabella, Episode 75

by

Tinawag na hayop ni Victoria si Ysay. Muntik na niyang masabing hindi pa ito nakuntento sa ginawa niya kay Andrew, napigilan lang niya ang sarili niya. Sinabi ni Ysay na siya ang may kasalanan at kasalanan daw din niya ang pagkamatay nina Perry at Rosario.

Sinabi ni Victoria na si Ysay ang salot dahil everytime na napapalapit ang anak niya [nadulas siya ulit at sinabing “mga anak niya”] laging may nangyayaring masama. Ibinilin ni Victoria sa bodyguard niya na huwag palapitin si Ysay kay Albert.

Umiiyak na inayos ni Ysay ang higaan ni Andrew. Dumating sina Trining at Alex at akala nila namatay si Andrew kaya umiyak na rin sila.

Habang inililipat si Andrew hinahanap ni Albert si Ysay. Tinanong niya kung sinabi ni Victoria ang totoo kay Ysay. Kailangan daw niyang bumalik kina Ysay, kaya nakiusap ito sa ina na paalisin siya.

Nagmumukmok pa rin si Ysay sa hospital room ni “Andrew.” Niyaya na siya nina Trining at Alex noong biglang dumating si Albert. Hindi raw niya pwedeng iwan si Ysay dahil naroroon na ang buhay niya. Gusto ni “Andrew” na bumalik na sa kanya si Ysay [sa farm]. Pumayag naman si Ysay.

Tapos na ang restaurant ni Mito pero hindi pa niya nakikita ito ng personal. Darating daw si Phoemela (sp?) at ipi-feature nito ang restaurant ni Mito kaya kaialangan nilang i-spruce up ang place.

Dinalaw ni Burdoy si Albert. Sinisisi ni Albert ang sarili sa lahat ng pangyayari at sa mga pangarap na tinalikuran ni Ysay dahil lang sa kanya. Sinabi ni Albert na dapat daw in 1 week, matapos na ang lahat ng iyon. Kasi kung magtatagal pa sina Ysay sa kaniya, baka hindi na niya paalisin ang mga ito.

Dinalaw ni Mito ang “Rosario’s Cusina” at noong naglalaka-lakad ito sa loob, naalala niya ang pag-uusap nila ni Ysay noon tungkol sa pangarap niyang restaurant. Pati na ang pagtanggi niya sa alok ni Mr. Fletcher na maging chef nito sa restaurant niya sa New York. Sa halip, si Ysay ang nirekomenda niya sa position na iyon [only to find out na nag-back-out si Ysay].

Ayaw pumayag ni Trining na bumalik sila sa farm. Hindi raw nito kayang kalabanin ang nanay niya dahil nanay niya iyon, si Mito na lang daw. Sinabi ni Ysay na wala na si Mito. At si Andrew daw ini-risk ang buhay para lang ipagtanggol sila.

Impressed naman si Phoemela sa restaurant ni Mito.

Kung talagang mahal daw ni “Andrew” si Ysay, ang sabi ni Trining, sampahan daw ng kaso ni Andrew si Victoria…

5 Tugon to “Ysabella, Episode 75”

  1. Rose Says:

    Salamat sa summary ng Ysabella.

  2. delyn Says:

    ang saya ang gandaganda na ng mga pangyayari wish ko sana maging maaga ang oras nito para di masyadong kakapuyat noh??????

  3. donya Says:

    thanks for the update. my request is d same as delyn’s: sana maging maaga ang oras para d naman ako masyado napupuyat.

  4. ptvj Says:

    no problem, rose🙂

    delyn and donya, anong oras ba ang ysabella sa pilipinas? tfc kasi ako e.

  5. queen Says:

    I agree with delyn and donya. sana nga mas maaga ang replay ng show.
    ptvj, TFC rin ako but I’m from the midwest so I miss the first showing at 4pm yata cause I’m at work so I usually watch the later showing which starts at 10pm. When I watch all the teleserye, I don’t go to bed until midnight kasi sunod sunod sila.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: