Pangarap na Bituin, Episode 25

by

Tinanong ni Jeffrey kay Shirley (assistant ni Alberta) kung tapos na ang meeting nina Alberta at Kimmy. Kinausap siya ni Abby (iyong babaeng laging kinukulit si Alberta para gawin siyang talent) parang hindi siya interesado pero noong nakita niyang paparating sina Kimmy, kinausap niya ito at nagyayang magkape (or dinner).

Hindi pumirma si Kimmy sa contract na inaalok ni Alberta noong nalaman niyang balak siyang itapat ni Alberta kay Emerald. Ruby Gomez daw ang pangalan niya at kapatid siya ni Emerald kaya hindi niya ito tatalikuran. Nag-walk out na ito. Sinabi ni Alberta na magkaptid nga sila ni Emerald dahil pareho silang arogante. Ipinaliwanag ni Kimmy kay Berns na siya ang nagturo dito ng loyalty at hindi pagtapak sa ibang tao, kaya naintindihan na rin ni Berns sa huli ang desisyon ni Kimmy.

Pinunit ni Alberta ang kontratang ipapapirma niya sana kay Kimmy at ibinato kay Shirley.

Hindi maintindihan ni Emerald kung bakit siya niyaya ni Cazzie na lumabas. Habang hinihintay niyang dumating si Cazzie, dumating si Kimmy at nag-sorry ito at sinabing hindi siya pumirma sa kontratang inaalok ni Emerald. Blood is thicker than Alberta daw sabi ni Chorva.

Nalaman ni Jeffrey na alam ni Terrence na gusto niya si Kimmy. Panay palusot pa ito at ayaw niyang umamin.

Sinabi ni Berns kay Kimmy na tama ang ginawa niya — pamilya muna bago career. Proud na proud daw ito sa anak niya dahil hindi siya basta basta nagpadala sa mga pangako ni Miss A. Habang nag-uusap sila may tumawag, ang producer ng play na ino-audition ni Kimmy at sinabi nitong irerekomenda daw niya ito sa isang direktor ng isang malaking play.

Sinabi ni Cazzie na gusto niyang tulungan si Emerald. She wants to make her dreams come true daw. Mahal daw siya ni Terrence kung kaya’t mahalaga din ito sa kanya.

Nagkita na naman sa kalye sina Jeffrey at Kimmy at nagbangayan na naman ang mga ito. Saan daw ito pupunta, tanong ni Jeffrey. Wala daw itong pakialam, pero pupunta ito ng mall para bumili ng damit at minus one para sa audition niya. Inalok ni Jeffrey si Kimmy ng ride, pumayag naman ito.

Tinanong ni Cazzie kung may boyfriend ni Emerald. Ano raw ba ang type niya baka sakaling ma-set up daw siya. Dinescribe niya ang gusto niya simple, talented, madaling kausap, etc. Ganoon na ganoon daw si Terrence sabi ni Cazzie.

Dumating si Terrence, nagpaalam na si Emerald. Dahil daw hindi siya dapat naroroon habang pinag-uusapan nila ang kasal nila.

Naligaw sina Jeffrey at Kimmy sa “shortcut” na dinaanan nila. Inabot na sila ng ulan at biglang tumirik ang kotse. Nagbabangayan na naman sila, bumaba si Kimmy kahit malakas ang ulan. Hinabol siya ni Jeffrey na may dala dalang payong. Ayaw niyang bumalik sa loob ng kotse at tumakbo ito palayo kay Jeffrey. Tinawagan ni Kimmy si Berns para magpasundo. (Sabi niya iniwan siya ni Jeffrey, pero hindi ba siya ang nag-iwan?)

Naipa-book na ng mommy ni Cazzie ang Manila Hotel. May nag-cancel na raw ng October 28 kaya ipinabook na niya.

Hindi sinasagot ni Emerald ang tawag ni Terrence. Tinanong ni Cocoy kung nag-away sila nito. Iiwasan na raw daw muna niya ito dahil paano ito makakapg-move-on kung lagi silang nagkikita. Kilala naman daw ni Emerald si Terrence, ubod ng kulit kagaya niya. Basta raw kahit na anong kulit niya…lalo lang daw siyang nasasaktan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: