Ysabella, Episode 74

by

Sinabi ni Ysay kay Albert na wala na raw siyang pakialam kay Mito nakadagdag lang daw ito sa pagkasira ng araw niya. Nalaman ni Albert na hindi pumayag ang network na ialbas ang expose ni Ysay tungkol kay Victoria. Sinabi niya na lalabanan niya si Victoria ng mano-mano.

Samantalang tuwang-tuwa naman si Victoria sa pagtanggi ng network kay Ysay. Sinabi niya kay Homer na bigyan niya ng “sorpresa” si Ysay.

Ilalabas daw ni Ysay ang Victoria’s chicken at ibebenta niya sa palengke para wala ng pumunta sa mga restaurants ng Victoria’s Chicken. Sinabi ni Albert na siya pa ang magbibigay ng kapital sa kanya.

Kinukumusta ni Fernando si Victoria kay Lima pagkatapos ng staff meeting nila. Nakita nina Lima si Jordan na papasok sa restaurant na pinag-meeting-an nila. Nagtago sina Lima at Bonnie para hindi sila makita ni Jordan.

Ayaw pumayag ni Ysay dahil nanay pa rin daw ni “Andrew” si Victoria. Hindi rin daw niya gugustuhing tatalikuran ni “Andrew” ang ina niya.

Galit na galit si Lima sa nadiscover niya.

Pag-uwi ni Jordan sa bahay nakita niyang umiinom si Mito at wala itong kibo.

Hinatid ni Albert sina Ysay at Alex sa bahay nila pero hindi siya pwedeng patulugin doon nina Ysay dahil baka magalit si Trining. May gusto daw sabihin si “Andrew” sa kanya. Sigurado daw na magagalit siya sa kanya. Masyado na raw silang maraming pinagdaanan para masira lang ng isang kasalanan. Mapapatawad daw ni Ysay si “Andrew” kung ano man raw iyon, dahil sigurado naman daw na hindi niya sinasadya iyon dahil hindi naman siya masamang tao para saktan si Ysay. Pinauwi na ni Ysay si Albert. Mag-ingat daw ito.

Sinabi ni Mito kay Jordan na galit na galit pa rin si Ysay sa kanya. Gusto ni Mito na makuha ulit ang pagmamahal ni Ysay.

Si Lima, umiinom ng wine or champagne sa opisina niya (alak sa office?)

Excited na tinanong ni Trining si Ysay dahil nakita niya ito sa TV kasama si Mito. Nagkaayos na raw ba sila? Ayaw sanang magkwento ni Ysay dahil pagod na raw ito pero pinilit siya ni Trining. Sinabi na rin ni Ysay na hindi pumayag ang network na ibulgar si Victoria at wala na si Mito sa buhay nila.

Hindi mapalagay si Albert, nakapark pa ito sa labas nina Ysay. Hindi na raw niya pwedeng patagalin, kailangan na niyang sabihin kay Ysay ang totoo dahil iyon ang tama. Nakita niyang may mga lalakeng pumasok sa bahay nina Ysay.

Pinasok ng mga lalake ang bahay nina Ysay. Sumunod si Albert at nilabanan niya ang mga ito pero nasaksak si Albert.

Dinala sa ospital si Albert at ang isa sa mga tauhan ni Homer ay nasa ospital din dahil nasaktan din ito. Sinabi ng pulis na napag-utusan lang daw ang mga ito ng isang Victoria Amarillo.

Sinabi ni Homer na nabulilyaso ang plano ng mga tauhan niya na takutin sina Ysay at nasaksak nila si Albert.

Nagpanic si Victoria at pumunta siya sa ospital.

Pinuntahan ni Mito si Georgia sa opisina nito. Humingi ulit ng tawad si Georgia, kung gusto daw magsampa ng kaso ni Mito hindi daw niya ito pipigilan. Sinabi ni Mito na wala ng magagawa ang pagsasampa ng kaso hindi na maibabalik ang pangyayari.

Nasa ospital na si Victoria.

Nagkamalay na si Andrew. Natunton na ni Victoria ang kwartong kinaroroonan ni Albert. Nagtalo silang mag-ina tungkol sa ginawa ni Victoria kina Ysay. Hindi raw talaga ito titigil, sabi ni Albert. Ipinaalala ni Victoria kay Albert na si Ysay ang dahilan ng pagkamatay ni Andrew. Hindi raw nakakalimutan ni Albert iyon. After he’s through with Ysabella, she’s all hers daw. Hindi raw niya kailangang gawin iyon sabi ni Victoria. Nawalan na raw siya ng isang anak, ayaw niyang mawala rin si Albert sa kanya.

Sinabi ni Victoria na ipapalipat niya ng ospital si Albert.

Nagkita sina Victoria at Ysabella sa lobby ng ospital…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: