Pangarap na Bituin, Episode 24

by

Nagpaalam na sina Terrence kina Emerald, niyakap muna niya ito bago niya pinayagang sumakay sa van. Pati ang road manager ni Terrence, nag-bye kay Chovra, huwag daw siyang masungit. Dineny ng road manager na tumawag si Alberta.

Pagdating nina Emerald sa bahay nila tinawagan ni Berns si Kimmy. Gusto na niyang umuwi si Kimmy dahil namimiss na niya ito.

Noong paalis na ito, tinawagan siaya ulit ni Berns para sabihing gusto lang nitong makapagpahinga dahil may lakad siya bukas –without Emerald.

Noong papunta si Emerald sa recording studio, nakita niya sa nearby restaurant si Cazzie. Sinabi niyang namimiss na niya si Terrence. Sinabi nito ang mga good qualities ni Terrece, sino nga ba naman daw ang hindi ma-i-inlove sa kanya? Nagsisisi nga raw ito kung bakit ito nagpunta ng States. Pero ngayon daw sigurado na siya.

Sa meeting nina Kimmy at Berns kay Alberta, sinabi ni Alberta na gusto nitong i-manage si Kimmy. In-enumerate nito ang pwede niyang gawin sa career ni Kimmy. Paano daw si Emerald? Si Emerald naman daw ang tumanggi, sabi ni Alberta. Tinanong niya kung papayagan pa rin siya nitong kumanta kasama si Emerald. Sinabi ni Alberta na marunong daw siyang kumanta, pero mas maraming magaling sa kanya kaya hindi siya sisikat sa singing. Mas sikat pa rin daw sa kanya si Emerald dahil mas bumebenta ang CD nito. Pwede rin daw siyang mag-Jewels every now and then pero kapag nagsolo na raw ito kahi langit maabot niya.

Nag-re-recording sina Kimmy at Emerald pero hindi makapag-perform na mabuti. Binigyan sila ni Cocoy ng break. During the break, sinabi ni Emerald na nakita niya si Emerald. Masyado raw mabait si Cazzie kaya hindi niya kayang magalit sa kanya. Bakit naman daw niya gustong magalit, tanong ni Kimmy sa kanya. Doon naman biglang dumating si Terrence at narinig niyang sinasabi ni Emerald na may gusto talaga ito kay Terrence at nasasaktan siya kapag nakikita niya sina Terrence at Cazzie. Lalo na kapag ikakasal na sila. Lalo daw siyang nahihirapan kapag kasama niya si Terrence dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Umalis si Terrence pero not before may makakakita sa kanya pero nagpa-deny ito.

Kinausap ni Terrence si Jeffrey about that. Hindi ito makapaniwala na mahal siya ni Emerald. Para wala raw gulo kausapin niya si Emerald at sabihin niyang walang pwedeng mangyari sa kanila dahil mahal niya si Cazzie.

Jeffrey: “Mahal mo nga ba siya?”
Terrence: “Sino?”
Jeffrey: *tahimik lang*
Terrence: “…si Cazzie…siempre…mahal ko si Cazzie.”

Noong dinalaw ni Terrence si Cazzie at sinabi niyang nakita niya si Emerald. Pareho daw sila lagi silang pinapatawa nito.

Nagkita sina Terrence at Emerald, gusto daw niyang makausap si Emerald. Seryoso daw ba siya na magkaibigan lang sila. Paano raw kung may madevelop na feelings nila? Imposible daw iyon sabi ni Emerald. Huwag na raw itong mag-isip, kaibigan lang daw talaga ang turing niya kay Terrence. Tumayo na ito at nagpaalam.

Na-gi-guilty si Kimmy sa offer ni Alberta. Sayang naman daw ang opportunity sabi ni Berns. Kinausap ni Kimmy si Emerald at sinabi ang offer ni Alberta, comanage daw sila ni Berns. Mahirap daw kasing tanggihan ang kayang gawin ni Alberta. Paano raw ang the Jewels sabi ni Emerald. Alam naman daw ni Emerald na sisikat siya kahit siya ang mag-isa at alam naman niyang kaya lang niya binuo ang grupo para magkaroon ito ng career.

Okay lang daw sabi ni Emerald. Ayaw maniwala ni Kimmy, galit daw siya magalit siya huwag niyang kimkimin. Masaya daw ito para sa kanya. Pag-alis ni Kimmy doon ipinakita ni Emerald ang lungkot niya.

Ang sabi ni Chorva na kinuha lang ni Alberta si Kimmy para lang gumanti kay Emerald. Pati si Cocoy, nagdududa. Posible daw na bubuwagin ni Alberta ang The Jewels kaya niya kinuha si Kimmy. Hindi naman daw pwedeng sabihin ni Emerald kay Kimmy iyon dahil parang sinabi na rin na niyang walang talent ang kapatid niya at iyon lang ang dahilan kung bakit siya kinuha ni Alberta…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 24”

  1. hEaVEn Says:

    Terrence is confused! yehey!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: