Natutulog ba Ang Diyos, Episode 50

by

Sinabi ni Patria kina Boy at Tina na totoo ang narinig nila: si Andrew ang kapatid nila hindi si Gillian. Ipinagpalit daw siya ni Bernardo para matulungan daw sila nito pagdating ng panahon. Nag-walk out si Tina.

Tinanong ni Rose kung sigurado na si Andrew na i-donate ang kidney nito kay Patria. Oo raw, baka sakaling magbago ang loob ni Bernardo at isoli niya si Gillian. Sigurado raw ba itong iyon ang dahilan o ginagawa rin niya iyon para kay Patria. Hindi raw alam ni Andrew, basta ang alam niya gusto niyang mabawi si Gillian.

Isa lang daw ang narealize ni Rose sa pag-uusap nila ni Patria: Mahal na mahal daw nina Patria si Andrew kaya niya nagawa iyon.

Akala ni Bernardo, madali lang ang pagdodonate ng kidney. Sinabi ni Gillian na hindi pa rin assurance iyon na makakasurvive si Patria. Sinabi ni Bernardo na si Patria daw ang una at ang huling babaeng minahal niya at kahit buhay niya handa niyang ibigay dito.

Kinakausap (more of sinisigawan) ni Bernardo ang Diyos. Hindi daw niya isusuko si Patria sa kanya.

Naabutan ni Tina sina Mark at Trish sa bahay nila. Nagalit ito dahil hindi naman daw sila kriminal, tatay lang niya. Umalis ito at umiiyak (naalala niya ang ginawa niya sa nanay niya noon) ito at nag-so-sorry sa nanay niya.

Pinapakain ni Bernardo si Gillian. Malapit na raw makasama ni Gillian ang pamilya niya at magiging masaya na ang lahat. Iniwan ni Bernardo si Gillian.

Tinawagan ni Bernardo si Andrew at sinabing magkita sila sa ospital ng alas-dose ng gabi. Niyaya siyang kumain ni Mike pero sinabi ni Rose na hindi pwedeng kumain si Andrew dahil maraming tests na gagawin sa kanya dahil ido-donate niya ang kidney niya kay Patria. (And she said it in a very nonchalant manner, ha). Nagalit si Mike mukhang bumabaligtad na raw si Andrew sa kanila. Nag-walk out si Andrew, nagalit si Rose at sinabing naging anak niya si Andrew for more then twenty years (did she really say 20? akala ko ba 18 years old pa lang si Andrew?) dapat magtiwala ito sa kanila.

Nag-apologize si Mike kay Andrew. Nabigla lamang daw ito. Nalaman ni Andrew na hindi magbabayad ng ransom si Mike.

Pinasakay ni Tina si Patria sa wheel chair at dinala sa labas ng ospital kung saan naghihintay si Bernardo.

Dumating sina Mark at Trish sa ospital (what are they doing there anyway?) at nakita nilang wala si Patria sa kwarto niya.

Sinabini Bernardo na ginagawa niya ang lahat ng ito para sa kinabukasan nila. Kung sakali daw na matiyempuhan siya, may pera sila. Mali daw ang paraan na alam niya, sabi ni Patria kay Bernardo. Marami daw nasasaktan pati na ang mga anak nila. Sinabi ni Patria n sinagot na ni Mike ang pagpapaopera niya. Nagalit tuloy si Bernardo dahil puro na lang daw sila Sir Mike.

Sinabi ni Patria kay Bernardo na siya ang ibinigay ng Diyos sa kanya para magbagong buhay. Niyakap niya ito at sinabing may donor na magdo-donate ng kidney niya. Hindi raw ba sign iyon? Ang laki daw ng kasalanan nila pero tinutulungan pa rin sila ng Diyos. Ibalik na raw niya si Gillian.

Nalaman ni Mike from Mark na nawawala si Patria.

Nagpaalam na si Bernardo. Niyakap niya sina Boy at Tina at sinabing mag-ingat daw sila at kung may pagkakaton mag-aral sila para hindi sila matulad sa kanya. At kung sakaling makita daw nila si Andrew, ihingi raw nila ito ng tawad sa kanya. Niyakap at hinalikan niya si Patria at umalis na siya.

Nakita ni Mark si Bernardo at hinabol niya ito…

Isang Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos, Episode 50”

  1. kristine Says:

    malapit na ending nito diba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: