Ysabella, Episode 73

by

Nagtago si Ysay mulay kay Mito noong narinig niyang pinagkakaguluhan ng mga fans si Mito.

Natataranta naman si Alberta habang hinihintay si Ysay sa labas. Baka daw may makakilala kay Ysay at mabuking siya. Hindi rin nito sinasagot ang tawag ni Albert sa kanya.

Sa kakaiwas ni Ysay kay Mito, may nabangga siyang babae. Narinig ito ni Mito at nakita si Ysay. Tumakbo si Ysay at hinabol siya ni Mito.

Nagpatawag ng meeting si Victoria at ini-advance niya ang anniversary ng Victoria’s Chicken from next month to next week na siya namang ikinataranta nina Lima at ng staff niya. Pag-alis nina Lima tumawag si Homer para sabihin kay Victoria na nasa network (SBN ang network :lol:) na si Ysay. Nagpanic na rin si Victoria dahil isa lang daw ang dahilan kung bakit lumalapit ang isang tao sa media.

Sa kakatago ni Ysay kay Mito nakapasok ito sa isang taping ng coking show na hinohost ni Mikecy Ferriols. Nakita siya ni Mickey at ipinakilala sa audience, dumating din si Mito. Inimbitahan ni Mickey sina Mito at Ysay para samahan siya. Walang choice si Ysay kung hindi sumunod. Ininterview sila ni Mickey.

Hinuhulaan ni Trining ang sarili niya at si Ysay gamit ang baraha noong pinuntahan siya ng kapitbahay niya para ipakita na nasa TV si Ysay.

Nakita nina Albert at Reno ang sina Ysay at Mito sa TV. May nakakita kay Albert na kakilala siya as Albert (nagpresent ata sila sa company nina Alberta) at pinapasok siya sa loob.

Paglabas nina Ysay sa taping, iniiwasan pa rin niya si Mito. Hinabol siya nito at humingi ng sorry. Tapos na raw sa kanya iyon, sabi ni Ysay. Masaya raw siya at magaling na si Mito dahil magaling na rin daw siya — magaling na ang puso niya.

Malungkot pa rin si Alex dahil naroroon pa rin nag boyfriend ni Tere.

Sa loob ng studio, sinamahan pa rin siya noong babaeng nagpapasok kay Albert. Nabangga ni Albert si Mito.

Kinausap ni Mito si Albert. Kung hindi lang daw niya alam na wala na si Andrew iisipin niya minumulto siya nito. He immediately apologizied for saying an insensitive remark. Tinanggap naman ni Albert ang apology ni Mito at nagpaalam na ito.

Malungkot na sumakay sa sasakyan niya si Mito at tinawagan si Jordan.

Ayaw pumayag ng boss dati ni Ysay na i-expose si Victoria dahil daw masyadong malaki si Victoria at ang korporasyon nito para kalabanin.

Ginawan ni Alex ng melody ang lyrics ni na ginawa ni Brian(?) (Pagdating ng Panahon ang melody pero iba ang lyrics). Tuwang tuwa sina Tere.

Malungkot na naglalakad si Ysay noong makita niya si Albert…

2 Tugon to “Ysabella, Episode 73”

  1. bernardumali Says:

    whew, galing updated!

  2. queen Says:

    Kainis naman si Ysay. Sana si Mito na lang. Sinungaling naman ang Albert na yan eh. Mayabang pa. Di hamak na mas guwapo pa si Mito. Sana wag na talaga sila ni Albert and magkatuluyan eh sila na nga sa totoong buhay eh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: