Pangarap na Bituin, Episode 23

by

Nag-audition si Kimmy sa theatre. Natuwa naman sa kanya ang panel na nag-audition sa kanya. Tuwang-tuwang ibinalita ni Kimmy kay Berns na nagustuhan ng mga ito ang performance niya. This time daw napatunayan na niyang kapatid talaga niya si Emerald, dahil may talent din siya.

Napagod sa interview si Emerald. Sinabi ni Cocoy sa kanila na may gustong kumuha kina Emerald at Kimmy sa isang gig sa isang hotel sa Olongapo.

Pag-uwi ni Terrence, sinita siya ni Alberta. Napapabayaan na raw nito ang career niya dahil kay Emerald. Singers come and go daw sabi ni Alberta, baka dumating ang araw wala na raw makakilala kay Terrence. Bad influence daw si Emerald sa kanya, so he should stay away from her.

Kinabukasan napag-usapan nina Jeffrey at Terrence ang galit ni Alberta. Napapansin daw ni Jeffrey na parang mas importante kay Terrence ang career ni Emerald kaysa sa sarili niya. Para daw hindi pa ito ready na magpakasal kay Cazzie. Dinescribe ni Terrence ang good qualities ni Cazzie, pero ang interpretation ni Jeffrey, si Emerald ang dinedescribe nito. Hindi raw ba nagustuhan niya si Cazzie dahil nakikita niya dito si Emerald?

Galit na galit si Kimmy noong makita niya ulit si Jeffrey. Gusto daw nitong makipag-friends sa kanya dahil alam daw nitong matagal silang mawawala ni Emerald. Ayaw maniwalan ni Kimmy dahil sigurado daw may maitim itong binabalak sa kanya. May dalang peace offering si Jeffrey sa kanya. Wala pa ring tigil sa kakabunganga si Kimmy habang binubuksan niya ang regalo. Natigilan ito noong makita niyang iyong bouse na gusto niya ang ibinigay ni Jeffrey. Hindi pa rin ito nakapagsalita kahit na nakaalis na si Jeffrey.

Nalulungkot naman si Berns dahil hindi siya makakasama sa Olongapo kina Kimmy. Nagpeform na sina Kimmy at Emerald.

Habang kumakanta sila, ipinakita ang pag-akyat ng single ni Emerald sa charts pati na ang pagbili ng mga tao ng CD niya.

Nagpe-perform na rin si Terrence at ang banda nito. Punong-puno ang schedule niya. Tulog na lang ang pahinga nito sa provincial tour niya.

Pinuntahan ni Cazzie si Alberta para itanong kung kailan babalik si Terrence. Sinabi ni Alberta na pinuno niya ang schedule ni Terrence dahil kung anu-ano na raw ang ginagawa niya dati. Diretso raw sa tulog si Terrence pagkatapos ng mga performances niya. Nag-ring ang phone ni Cazzie, baka si Terrence na raw iyon sabi ni Alberta. Ang mommy ni Cazzie ang tumawag.

Si Emerald ang tinawagan ni Terrence bago ito matulog. Nalaman ni Terrence na pupunta na rin sa Batangas sina Emerald at Kimmy dahil ininvite silang magperform sa fiesta. (Parang paos si Terrence).

Habang nasa loob ng van si Terrence, sinita siya ng isa sa mga kasama niya dahil wala itong kibo. Siguro daw iniisip niya siya [si Cazzie –pero hindi niya sinabi ang name]. In-love nga raw talaga ito. Magkaibigan lang daw sila, sabi ni Terrence.

Magkaibigan? Edi ba si Cazzie naman daw ang pakakasalan niya? Oo raw sabi ni Terrence. Hindi raw ba’t si Cazzie naman daw ang pinag-uusapan nila? Sorry daw sabi ni Terrence nasanay daw siya sa showbiz na deny ng deny.

Habang nag-la-lunch sina Alberta at Cazzie. Maganda na raw na agad na silang magpakasal ni Terrence, para hindi dikit ng dikit si Emerald kay Terrence na nagkukunwaring friendship lang ang habol niya. Ayaw maniwala ni Cazzie kay Alberta, magkaibigan lang daw sila. Pero patuloy na dinedemonyo ni Alberta ang utak ni Cazzie. Don’t be so naive daw. Bastos daw si Emerald at ibang tao na siya kapag wala ng nakaharap na tao sa kanya. Hindi nga raw niya akalain na ganun si Emerald. Ayaw talagang maniwala ni Cazzie, baka daw they just started on the wrong foot. Pati raw siya naloko niya. Hindi na raw siya magcocomment dahil baka daw siya na ang lumabas na masama. Pero buksan daw nito ang mga mata niya lalo na kapag magkasamsa sina Emerald at Terrence.

Nag-perform na sa isang beauty pageant sina Emerald at Kimmy. Pagkatapos ng performance, may mga nagpa-autograph sa kanila may mga taong magy hawak pang banners. Who turned to be Terrence and his group.

Tuwang-tuwa naman sina Emearld noong makita nila ang mga ito. Kinakabahan ang isa sa mga kasama ni Terrence [siguro dahil natatakot kay Alberta], pero binigyan niya ito ng pang-lunch.

Terrence and Emerald spent time together ng sila lang dalawa. Nagsusubuan pa sila ng lechon.

Samantalang, nagkausap sina Chorva at ang lalaking pinag-lunch ni Terrence, ang road manager ni Terrence. Napagkamalan siyang alalay ni Chorva kaya nag-away sila. Pag-alis ni Chorva tumawag si Alberta sa lalaki at tinatanong kung nakarating na sila sa Daet. Sinabi nitong nag-stop over pa sila at hindi nito masabi-sabi kung bakit. Pero sinabi rin niyang nasa Batangas sila dahil dinalaw pa ni Terrence si Emerald…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: