Natutulog ba Ang Diyos, Episode 49

by

Nalaman ni Raul mula sa kapitbahay na nasa ospital si Patria.

Sinabi ng dotor ni Patria kina Boy at Tina na nangangailangan ng kidney transplant si Patria at nagkakahalaga ito ng P1 – 1.5 M. Wala raw silang available na donor kung kaya’t ilalagay nila sa waiting list si Patria. Dumating si Mike at sinabi sa doktor na gumawa ng paraan at ito ang ang sasagot sa pagpapagamot ni Patria.

Hindi kinikibo ni Gillian si Bernardo. Kamukha na rin daw niya si Andrew at ang tingin nila kay Patria kinakarma kaya siya nagkakasakit. Wala raw kasalanan si Patria kay Gillian. Labing walong taon daw ang ninakaw nila kay Gillian at sa mga magulang niya, sagot naman ni Gillian.

Inalok ni Mike si Raul ng reward na P1M para lang ituro kung nasaan si Bernardo pero nadeny ito at sinabing hindi niya alam kung nasaan ito. Tinawagan ni Raul si Mike para ibalita na nasa ospital si Patria at inaalok siya ni Mike ng pera. Hindi na raw muna siya makakapunta doon dahil maraming pulis na nagmamanman sa lugar nila.

Pinuntahan ni Rose si Patria para sabihing alam na nilang ipinagpalit nila sina Andrew at Gillian. Pasalamat daw si Patria at may sakit ito kung hindi ibabalik daw niya ang lahat ng sakit na ginawa niya kay Gillian. Sinabi ni Patria na saktan siya ni Rose, at the end sinaktan na rin niya ang sarili niya. Lumuhod at humingi ng tawad si Patria kay Rose. Naririnig itong lahat ng luhaang si Andrew.

Tinanong Tina ang doktor kung ano ang mga risks ng pagiging donor at kung pwede raw siyang magdonate. Hindi raw siya pwedeng madonate dahil menor de edad pa siya.

Itinanong ni Andrew kina Boy at Tina kung alam nila kung alam na “ni Tatay” ang nangyayari kay Patria. Pero itinama niya ang sarili niya sinabing “tatay niyo.” Binigyan niya ng pera sina Boy at Tina para impabili ng makakain nila.

Habang hinihintay ni Andrew si Rose, naalala niya si Patria pati na ang mga ginawa niya dito noon.

Tinawagan ni Bernardo si Mike at nalaman niya mula dito na malubha na si Patria at nangangailangan ito ng kidney transplant.

Tinanong ni Bernardo kay Gillian kung ano ang ibig sabihin ng kdiney transplant at kung magkano ito. Ipinaliwanag naman ni Gillian ang tungkol dito. Sinabi ni Bernard na maippagamot niya si Patria kapag naisoli na niya si Gillian sa mga magulang niya.

Nalaman ni Patria na may donor na siya. [Highlight niyo ang part na ito kung gusto niyong malaman kung sino: si Andrew].

Dumating si Mike sa ospital at sinabi niyang gusto niyang makausap ng sarilinan si Patria. Nagkunwaring lumabas sina Boy at Tina pero nakinig sila sa usapan nila. Dito na nila narinig ang buong katotohanan.

Humingi ng tawad si Patria kay Mike. Sinabi ni Mike na ipapagamot niya si Patria pero kahit na makuha na niya si Gillian, hindi niya mapapatawad ang mga ito. Habang buhay daw nilang dadahlhin ang mga kasalanan nila…

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos, Episode 49”

  1. Jake Says:

    Kelan po ba ang finale ng Natutulog Ba Ang Diyos?

  2. ptvj Says:

    october 12 ata kasi oct 13 ang start ng prinsesa ng banyera.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: