Ysabella, Episode 72

by

Pinagtawanan ni Ysay si Victoria, dahil takot din daw pala ito. Galit na galit si Victoria at noong umalis na si Ysay ay hindi nito makita si Oslo. Nagkataong nagpapahangin sa labas si Fernando. Leave her alone daw sabi niya kay Fernando. Dumating si Oslo at umalis na sila.

Pag-uwi ni Ysay, tuwang-tuwa niyang ikinuwento na tinakot niya si Victoria at sinabing may lason ang kinain nito. Dapat daw hindi na niya ginawa iyon sabi ni Trining at Alex. Panahon na raw para pabagsakin si Victoria Amarillo.

Itinanong ni Victoria kay Albert kung ibinigay niya kay Ysay ang recipe ng Victoria’s Chicken. Hindi raw sabi ni Albert. Sinabi niya na gusto niyang malaman lahat ng galaw ni Ysay. Hindi alam ni Albert ang gagawin niya dahil alam niya kung paano magalit si Victoria. Kakausapin daw niya ito, sabi niya kay Burdoy, dahil hindi nito alam ang binabangga niya.

Sinabi ni Ysabella na ilalabas na niya ang recipe ng kinasal na manok. Panahon na raw para maipaghiganti niya ang nanay niya. Mag-iisip pa raw ito ng way para magkaroon sila ng kapital. Isa na sa mga naisip niya ay ang lumapit siya sa network niya dati. Malapit na raw ang 20 years ng Victoria’s Chicken…20 years ng kasinungalingan.

Nag-iwan ng sulat si Lima sa isang paso sa may staircase para sa secret admirer niya. Madaya raw ito dahil siya kilalang-kilala nito pero siya hindi niya alam kung sino siya. Sana raw magpakilala ito sa kanya. Nabasa ni Reno ang sulat.

Tinawagan ni “Andrew” si Ysay para sabihing baka raw pwedeng mag-lie low daw muna ito dahil nag-aalala siya sa maaring gawin ni Victoria. Kaya daw ni Ysabella ang sarili niya. Gusto ni Albert na magkita sila pero may lakad saw sina Ysay at Alex, pupunta sila sa Maynila. Noong papaalis na sila, gusto silang pigilan ni Trining. Nagkunwari pa itong may sakit. Alam daw ni Ysay na nag-aalala si Trining pero kaya daw niya ang sarili niya, handa raw ito.

Nag-girl talk na naman sina Mito at Jordan. Sinabi ni Jordan na hindi na rin niya na-contact si Ysay. Basta raw huwag siyang bibitiw, kagaya niya. Kagaya raw ba ng pagpapanggap niyang nasa States ito? Nagpapamiss lang daw siya. Kampante siya na hindi siya ipagpapalit ni Lima.

Speaking of Lima, binabasa niya ang sulat ni Reno sa kanya. Sinabi ni Reno na malayo raw ang agwat nila, pero umaasa ito na balang araw maipakilala niya ang sarili niya dito.

Masayang sinalubong ni Tere si Alex. Nagpaalam na agad si Ysabella para magpunta na sa network. Gusto siyang samahan ni Alex pero laban daw niya iyon.

Nakipagkita si Albert kay Reno dahil nasa Maynila si Ysay. Nag-aalala pa rin ito sa kanya.

Sinabi ni Tere kay Alex na sasabihin niya sa manager nila na siya na ang composer ng banda nila. Nalungkot si Alex noong dumating ang boyfriend ni Tere — ang lalaking pumalit sa kanya sa banda.

Noong nasa network na si Ysay, masaya siyang binati ng secretary ni Mr. ______ (?) at sinabing sorry daw dahil nabalitaan niya ang nangyari kay ________ (kay Perry? Kay Andrew?…hindi na natuloy dahil pinutol ni Ysay ang sasabihin niya at sinabing okay lang iyon). Pero biglang umalis si Ysay noong makita niya si Georgia at sinabing babalik na lang ito sa secretary. Dali-dali namang ibinalita ni Georgia kay Mito na naroroon si Ysabella.

Kasama ni Reno si Albert sa labas ng studio. Hindi pinapasok ng guard si Reno dahil hindi daw pwede, dapat daw it’s either na sunduin siya ni Ysay sa gate or sabihin daw nito sa kanya kung nasaang opisina si Ysay at tatawag siya doon to confirm na kasama nga niya si Reno. Sinuggest ni Reno na sabihin na lang kasi ni Albert ang totoo kay Ysay. Habang nasa labas silang dalawa biglang dumaan si Mito pero hindi sila nagkita ni Andrew dahil nagmamaneho si Mito.

Nakita ni Ysay si Mito sa loob ng studio…

2 Tugon to “Ysabella, Episode 72”

  1. donya Says:

    thanks for the update. i missed last night’s episode. Sana magkabalikan sina Mito at Ysay. They deserve to be happy, after all. Patay na ang tunay na Andrew at in reality, d ganun kadali na mahalin mo ang kakambal nya- c Albert. Tapos andyan pa ang monster na c Victoria, kaya dapat si Mito at Ysay ang magkatuluyan sa ending.

  2. queen Says:

    Yup, Mito-Ysay din ako🙂 Di na naman nakakakilig ang Ysay-Albert(Andrew) eh. Puro problema and lies…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: