Pangarap na Bituin, Episode 22

by

Pilit na pinipigilan ni Emerald ang mga luha niya noong binati niya sina Terrence at Cazzie. Pero hindi na niya napigilan ang pag-iyak niya noong nakasalubong niya ito sa hangdanan.

Nagkita-kita sa mall sina Kimmy (with Berns and Chorva) at Jeffrey at London. Ipinakilala niya ang lalaking kakilala ni Berns bilang “England,” as her date.

Nasa Jollibee sina Terrence at Cazzie at doon ibinalita ni Cazzie na sa kanya ang branch na iyon. Binili niya ito noong nakuha niya ang trust fund niya mula sa Lola niya.

Ipinakilala ni Cazzie sina Emerald, Cocoy, at Chorva sa Daddy niya. Tuwang tuwa ang daddy nito dahil amazing daw ang boses ni Emerald. Ipo-produce daw niya ang kanta ni Emerald.

Nagkita sina Jeffrey at “England” sa parking lot. Dito niya nalaman na John James ang name nito at hindi siya talagang ka-date ni Kimmy.

Nasa mall na naman sina Kimmy, Berns at Chorva dahil niyaya siyang magshopping ni London. Dumating sina Jeffrey kasama sina London, Paris at Holland.😆 Manlilibre daw si Jeffrey kaya panay ang suggestions ni Kimmy kina London para maraming bayaran si Jeffrey. Napansin ni Jeffrey na may tinitignang damit si Kimmy pero hindi niya kayang bilhin. Noong tinutulungan ni Berns si Jeffrey, pinariringgan ni Kimmy si Jeffrey hindi na raw ito kailangang tulungan dahil mayaman na ito. Nainis na si Jeffrey kaya sinabi na niyang alam na niya na wala talagang “England.” Dinare ni Jeffrey si Kimmy na magdate sila kung talagang kaya nitong makipagdate sa taong hindi niya gusto. Hindi pumayag si Kimmy dahil may taste daw siya.

Excited na sina Emerald at Kimmy sa napipintong recording niya. Ibinalita na kasi ni Emeraldkay Kimmy ang recording contract niya.

Pag-uwi ni Kimmy, excited nitong ibinalita na may recording contract na si Emerald. May kumatok sa pinto at may delivery ng sunflowers (diba iyon ang sinabi niyang favourite flower niya noong “audition”) para kay Kimmy. Tuwang-tuwa niyang ipinababa sa delivery boy ang mga bulaklak only to find out na si Jeffrey ang delivery boy. Galit na galit niyang pinalayas ito habang nanonood naman si Berns. Noong napaalis na ni Kimmy si Jeffrey, sinabi ni Berns na showbiz na showbiz daw si Kimmy.

Nakita ni Chorva ang picture ni Emerald sa diyaryo at sigaw ito ng sigaw para sabihing sikat na ang best friend niya. Sumulat pala ng article si Berns tungkol sa buhay nina Kimmy at Emerald at ginamit pa ang naisip ni Chorva na “Jewels Sisters” sila.

Sinalubong ng mga reporters sina Kimmy at Emerald. Napanood nina Alberta ang interview at nagagalit ito dahil magaling daw palang gumimik si Emerald. Hindi raw tuloy napapag-usapan sina Terrence or any of her talents. Nalaman na rin ni Alberta na may single na itong i-re-release. Mukhang nagkakasungay na raw ang kalaban niya, sabi niya sa assistant niya.

Pumunta si Alberta sa band practice nina Terrence pero wala roon si Terrence. Later on noong nasa kotse na si Albert, narinig niya ang kanta ni Emerald at narinig niyang naroroon ito sa radio station at iniinterview ito ni Cristy Fermin. At narining niyang kasama ni Emerald si Terrence…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: