Natutulog ba Ang Diyos, Episode 48

by

In captive pa rin si Gillian ni Bernardo.

Nagalit si Mark kay Andrew dahil bakit daw agad na sinabi ni Andrew kay Gillian ang tunay nitong pagkatao dahil padalos-dalos daw ito. Kung sana raw hinayaan na muna niyang ang mga parents niya ang gumawa ng hakbang hindi pa malalaman ni Bernardo na alam na nila ang totoo. Baka raw may ginawa si Bernardo kaya nawawala si Gillian. Kung meron daw mangyayaring masama dito kalimutan na niyang magkaibigan sila.

Hinahanap ni Emma si Mark kina Rose. Nalaman na rin niyang si Gillian ang tunay na anak nina Rose at Mike.

Pagdating ni Andrew sa bahay nalaman niyang kinidnap ni Bernardo si Gillian at humihingi ito ng P10 M. Nagalit si Mike kay Andrew dahil ito raw ang dahilan kung bakit nalaman ni Bernardo na alam na nila ang totoo. Kapag may nangyari daw na masama sa “anak niya… .” Hindi na niya naituloy dahil nagwalk out na si Andrew.

Sinabi naman ni Emma kay Mark na huwag na siyang maging involved sa paghahanap kay Gillian dahil puro na lang daw problema ang meron sa pamilyang iyon. Hindi pumayag si Mark dahil importante daw si Gillian sa kanya.

Medyo na kukunsensiya na si Bernardo dahil sa ginawa niya kay Gillian pero dinedemonyo pa rin siya ni Raul.

Galit na galit naman si Andrew sa sarili niya dahil lagi na lang daw siyang palpak at lagi niyang pinapahamak si Gillian. Sinabi ni Rose sa kanya na babayara niya ang P10 M kahit na ayaw ni Mike. Kung hindi raw sasang-ayon sa kanya si Mike at Andrew, gagawa siya ng paraan.

Uncontrollable na raw ang blood pressure ni Patria sabi ng doktor. Nagising na ito at hinahanap si Bernardo. Nagsinungaling si Boy at sinabing nagpaalam si Bernardo dahil may trabaho ito sa probinsiya. Sinabi ni Patria na bigla niyang naalala si Mike. Ito raw ba ang tumulong para dalhin ito sa ospital. Sinabi ni Boy na napadaan lang ito at kinukumusta si Gillian. Hinahanap ni Patria si Gillian pero sinabi ni Tina na umuwi muna ito kina Rose. Hindi na nila alam ang sasabihin nila sa susunod na magtanong pa si Patria. Alam na nila na kinidnap ni Bernardo si Gillian pero hindi pa nila alam kung bakit.

Nag-volunteer si Trish na sumamang maghanap kay Gillian pero ayaw ni Mark dahil baka raw maabala pa ito.

Tinawagan ni Bernardo si Rose. Sinabi ni Rose na magbabayad na sila. Kinausap ni Andrew si Bernardo sa phone at sinigawan niya ito at sinabing malubha na si Patria at ibalik na niya si Gillian sa kanila. Nagalit si Rose kay Andrew dahil kinausap niya ng ganoon si Bernardo. Wala na raw siyang pakialam and she only wants Gillian back. Nag-sorry si Andrew sa mommy niya noong narinig niyang kinakausap nito ang investor niya para i-check ang pera niyang naka-time deposit.

Nagpunta sina Mark at Trish sa bahay nina Patria. Naroroon pa rin si Mike at sinabi nitong umuwi na lang sila baka mapahamak pa sila.

Nagi-guilty si Andrew dahil naubos daw ni Rose lahat ng pera niya dahil lang sa kanila. Paano raw kung siya ang magkasakit, saan ito kukuha ng pera? Pera lang daw iyon, sabi ni Rose. Kung isang araw daw ay makidnap si Andrew, hindi siya magdadalawang isip na tubusin ito kahit magkano pa…

Isang Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos, Episode 48”

  1. carul Says:

    very nice episode,lalo na ng sinabi ni rose kay andrew na wag na wag syang iiyak dahil lang sa pera cause kung masipag ang isang tao makukuha din nya yun…ganda nung eksena nila.bravo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: