Pangarap na Bituin, Episode 20

by

Ikinukuwento ni Emerald kay Kimmy ang mga natatandaan niya tungkol sa mga magulang niya at ang tungkol na rin kay Sapphire. Kinantahan ni Emerald si Kimmy noong kantang itinuro ng mga magulang nila noon.

Hindi kinikibo ni Terrence si Alberta kaya kinompronta ni Alberta ang pamangkin niya. Wala naman daw siyang intensiyong masama at gusto lang naman niyang protektahan si Alberta. Matanda na raw siya at kaibigan niya si Emerald, wala daw itong gagawing masama sa kanya.

Noong dumalaw si Terrence kina Emerald, ibinalita na nila na si Kimmy ang nawawalang si Ruby. Excited si Terrence dahil kinakarga at pinapalitan niya ng panty dati si Kimmy/Ruby. Masayang niyakap ni Terrence si Kimmy.

Niyaya ni Terrence si Jeffrey na sumama sa kanila nina Emerald. Ayaw ni Jeffrey dahil daw baka akalain ni Kimmy, may gusto ito sa kanya. During lunch, iniisip nina kung ano ang gagamiting pangalan ni Kimmy. Ruby ba o Kimmy. Suggestion ni Chorva, dapat daw Ruby na lang para Jewel sisters sila ni Emerald. Wala namang problema si Berns doon.

Habang nagpapahangin sina Terrence at Kimmy. Dumating si Jeffrey na may kasamang babae. Niyaya ni Terrence sina Jeffrey na samahan sila. Hindi muna sumama si Kimmy dahil daw mahangin sa loob. Hindi nagets ni London ang ibig niyang sabihin, kaya sinabi niya kay Jeffrey na huwag na siang pumasok baka ma-ruin daw ang hair niya. Habang nasa labas sila nagkwentuhan sina Kimmy at London. Kaya inis naman si Jeffrey dahil gusto lang daw niyang inisin si Kimmy kaya niya sinama si London dahil alam niyang ubod ito ng arte. Ayaw niyang umamin kay Terrence na gusto niya si Kimmy.

Habang namamasyal sina Emerald at Chorva, nakita nila si Cazzie. Pinaalis ni Emerald si Chorva para hanapin si Kimmy at pinuntahan niya si Cazzie na kasalukuyang tumitingin ng wedding gown. Tinanong ni Emerald kung may wedding date na sila. Sinabi ni Cazzie na hindi alam ni Terrence kung ikakasal daw talaga sila. Tinanong niya si Emerald kung may pag-asa pa raw ba siya kay Terrence. Hindi raw alam ni Emerald. Medyo okay naman daw siguro ang nangyayari para may oras pa silang dalawa [maybe to plan the wedding and stuff]. Sinabi ni Cazzie na ayaw na raw daw kasi niyang mag-aksaya ng panahon, si Terrence na raw ang gusto niyang makasama ng habang buhay. (Tama si Nawawala, baka nga mamamatay itong si Cazzie ha).

Kinausap ni Emerald si Terrence. Ano pa raw ba ang hinihintay niya. Nag-e-emote si Terrence, naiisip niya ang mga happy moments nila ni Cazzie pati na noong nalaman niyang pupunta na ng America si Cazzie.

Nag-get together ang family nina Cazzie at family nina Terrence. In-annouce na nina Terrence at Cazzie na ikakasal sila. Iba ang ring na ibinigay ni Terrence kay Cazzie (maybe he’s saving the family heirloom kay Emerald? Hehehe…).

(Cazzie’s parents have this worried look on their faces. Siguro nga may sakit si Cazzie.)

Nagpunta sa recording ni Emerald sina Cazzie at Terrence. Bilib na bilib naman si Cazzie sa boses ni Emerald. Sinabi na ni Terrence kay Emerald na ikakasal na sila ni Cazzie. Emerald congratulated them. Niyakap ni Emerald si Cazzie and reluctantly, niyakap na rin niya si Terrence.

Napansin ni Cazzie na may lungkot sa mga mata ni Emerald…

2 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 20”

  1. queen Says:

    Siguro nga mamamatay si Cassie. Natawa naman ako ng sinabi mong he’s saving the heirloom ring for Emerald🙂 Actually, kinilig pala. Sana nga matapos na ang role ni Heart (kasi alam na naman natin na sila ni Echo sa totoongbuhay eh) mas gusto ko na sila Terrence and Emerald ang magkatuluyan sa huli. Thanks for the update. I look forward to your update before I watch the show on tv🙂

  2. donya Says:

    on Ysabella: Sana si Mito ang makatuluyan ni Ysay sa ending ng teleserye. Kitang kita naman kung gaano nya kamahal si Ysay, na kahit andyan s Venice (Angelica P.) si Ysay pa rin ang mahal nya.Kung kay “Andrew” maraming problema, lalo na kay Victoria. At saka sinabi naman ni Ysay kay Mito(noong nabugbog ito) na sya lang ang lalaking mamahalin nya habang- buhay. Parang mas nakakakilig silang dalawa kc ang pogi talaga ni Mito, d b? Boring kc pag si “Andrew” ang nakatuluyan nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: