Ysabella, Episode 70

by

Nililinis ni Reno ang opisina ni Lima. Natutuwang pinagmamasdan ni Jordan ang mga pictures ni Lima doon. Nag-iwan ng sulat at isang white rose si Jordan sa desk ni Lima. Dumating si Lima at nabasa niya ang sulat, narealize niyang ang lalaking nagbigay sa kanya ng panyo ang lalaking sumusulat sa kanya. Tinanong niya kay Bonnie kung kilala niya kung sino ang nagdala ng flower at sulat sa kanya.

Nag-aalala si Trining sa gustong gawin ni Ysay. Huwag daw mag-alala si Trining, dahil hindi na siya natatakot kay Victoria at ipapatikim niya ang lason ng paghihiganti niya.

Dumating sina Alex at ibinalitang nagkasakit ang chef na magke-cater sa groundbreaking ng Victoria’s Chicken. Pinuntahan ni Ysay ang may-ari ng restaurant ng magke-cater at nag-aaply ito ng trabaho bilang chef. Tinanggap naman siya nito dahil highly recommended naman siya ni Mr. Fletcher and he also felt bad dahil ayaw niayng ibenta sa kanya ang painting ni Rosario.

Nag-reunite na sina Venice at ang daddy niya.

Nag-check out na si Mito sa resort. Nagpaalam na siya kay Venice at nagpasalamat sila sa isa’t isa. Nagyakap sila. (Sasama na rin si Venice sa daddy niya).

Paano raw kung may ibang boyfriend na si Ysay? One thing he learned from Venice daw is to take chances. Hahanapin daw niya si Ysay, pipilitin niyang ibalik kung ano pa ang natitira sa kanila.

Kinakausap ni Ysay ang nanay niya. Konting tulong naman daw dahil masyadong malakas si Victoria (pareho na sila ng hairdo nina Andrew, Victoria, at Lima dito sa eksenang to. Lol). Dumating si “Andrew.” Hindi na raw siya dapat nagpunta doon sabi ni Ysay.

Tinanong ni “Andrew” kung paano daw nakakaya ni Ysay na magising, magtrabaho na parang walang nawala sa buhay niya. Ituro naman daw niya kay “Andrew” kung papaano. Kailangan daw niya si Ysay, kailangan daw nitong bumalik si Ysay sa kanila. Nakita ni Ysay na may kodigo si Andrew sa mga sinasabi niya. (Lol!!!)

Nagalit si Ysay. May totoo raw ba sa mga sinabi ni “Andrew?” Mahal daw niya si Ysay, iyon daw ang totoo.

“Mahal kita Ysay, mahal na mahal na mahal…”

(Mahaba ang dialogue nila, bottom line is, dahil sa awayan nila ni Victoria, madadamay at madadamay pa rin sila ni “Andrew” at ang pagkakaibigan nila. Baka raw sa susunod na mag-away sila hindi na sila magkabati. Ang sabi lang ni Albert: “Ewan ko sa iyon…”)

Umalis na si “Andrew… .”

3 Tugon to “Ysabella, Episode 70”

  1. Hans Says:

    where’s last thursday’s episode??

  2. ptvj Says:

    eto: https://pinoytvjunkie.wordpress.com/2007/09/27/ysabella-episode-68-2/

  3. Rose Says:

    Bakit wala pa yung epi kahapon?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: