Pangarap na Bituin, Episode 20

by

Nagkaggulo ang mga reporters sa desisyon ni Emerald. Sinabi niya na gusto niyang ang mag-manage sa kanya ay si Cocoy. Sinasayang daw niya ang chance na maging manager siya ni Alberta, sabi ng mga reporters.

Hinabol ni Terrence si Emerald at tinanong kung bakit niya tinanggihan si Alberta. Napahiya raw si Alberta, sana raw pinag-isipan daw mabuti ni Emerald ang ginawa niya dahil nakakaawa naman daw ang tita niya. Sinabi ni Emerald na sana raw hindi na siya tinulungan nito dahil ganoon na lang ang pagtrato niya sa mga ito.

Pinuntahan ni Terrence si Alberta para kumprontahin ito dahil sinabi na ni Emerald sa kanya an

g lahat: ang pag-alok ng pera ni Alberta sa kanya kapalit ng paglayo niya kay Terrence, pati na ang pangmamaliit niya sa pagkatao ni Cocoy. Hindi umamin si Albert tinawag niyang laying and backstabbing si Emerald. Patay gutom daw ito at walang kabreeding-breeding. Ginagamit daw

niya si Terrence para sumikat ito. Pati raw kabuhayan nila kay Terrence iniaasa. Gusto daw ibigay ni Terrence iyon dahil kaibigan daw niya ito sa kanila sagot nito sa kanyang tiyahin. Hindi daw dapat, nagpapalaki lang ng ahas na tutuklaw sa kanya.

Kung gusto daw ibigay ni Terrence ang oras niya at pera niya, ibibigay niya dahil sa kanya naman iyon to give. Hindi raw totoo iyon dahil oras din daw ni Alberta iyon. Layuan daw ni Terrence si Emerald, and as his manager, kailangan niyang sundin si Alberta. Hindi daw pwedeng diktahan ni Terrence ang lahat ng galaw niya. Manager lang daw niya ito, hindi niya ito ina. Wala raw siyang alam sa relasyon nila ni Emerald, hindi naman niya ito maiintidihan. Next time na kalabanin daw niya si Emerald, siya ang makakalaban niya.

Pinuntahan ni Cazzie si Terrence sa isang lugar na dating pinupuntahan ni Terrence kapag nalulungkot ito. Napag-usapan nila ang tungkol kina Alberta at Emerald. Hindi naman daw siguro sinasadya ni Alberta na saktan ang mga ito. Pero sinabi ni Cazzie na bilib din daw siya kay Emerald the way she stood up for Alberta. Ibinida ni Terrence si Emerald, atapang daw talaga iyon at siya ang dahil kung bakit niya nakayanan ang pagkawala ng daddy niya. It’s good daw na may kaibigan siyang masasandalan niya sabi ni Cazzie, pero mukhang malungkot siya.

Inapproach ng dalawnag reporters sina Cocoy at Emerald at tinatanong kung ano ang tunay na dahilan ng pagtanggi niyang imanage siya ni Alberta. Ayaw nilang maniwala na gusto lang ni Emerald na si Cocoy ang maging manager niya. Narinig daw nilang may alitan sila ni Alberta at pilit nilang pinapaamin si Emerald. Pinapasok na ni Cocoy si Emerald sa club na kinakantahan niya at ito na ang nakipag-usap sa mga reporters. Pagpasok niya sa loob naroroon at naghihintay si Alberta sa kanya.

Sinabi nitong pinagplanuhan ni Emerald gawin ang nangyari [para mapunta sa kanya ang simpatiya ni Terrence]. Sisiguraduhin daw ni Alberta na walang mararating si Emerald. Ginising daw ni Emerald ang dragon [within her].

Nakibalita naman si Benedict tungkol sa presscon habang kumakain sila ng hapunan. Noong mapapunta na sa pagwo-walk-out ng isa sa mga talents niya sa contract signing, biglang tumayo si Terrence at sinundan naman siya ni Jeffrey.

Wala raw pakialam si Alberta kung magkasama man sina Terrence at Emerald noong pumutok ang bulkan. He hardly knows her daw. At ngayon daw marunong ng sumagot si Terrence sa kanya. Masyado daw kasing dinidibdib ni Alberta ang pagiging manager niya sabi ni Benedict. Hindi lang daw kasi niya talent si Terrence, pamangkin din niya. Iyong nga raw, sabi ng asawa ni Alberta, hindi pa rin siya nito magulang kahit na siya ang nagpalaki sa kanya. Tumatanda na rin daw kasi sina Terrence at Jeffrey kaya dapat iba na ang approach sa kanila. Kagaya daw ng ginagawa ni Benedict kay Jeffrey, kaibiganin daw niya si Terrence para hindi ito magsinungaling sa kanya.

Sa performance ni Emerald, isinali niya si Kimmy sa isa sa mga set niya. Pero bago sila makakanta. Kinukulit pa rin siya ng dawalang reporter na naghihintay sa kanya sa labasan. May inililihim daw siguro ito, sabihin na niya.

Kinuha ni Kimmy ang mic at sinabing walang tinatago si Emerald, siya ang may itinatago.

Sinabi na ni Kimmy an magkapatid sila…na siya si Ruby Gomez. Umalis si Kimmy, hinabol siya ni Emerald sa backstage. Akala niya ginagamit lang niya si Ruby para hindi na siya tanungin ng mga reporters. Huwag naman daw sana niyang gamitin si Ruby.

Umiiyak na sinabi ni Kimmy na siya talaga si Ruby. Nagpaliwanag na rin si Berns at sinabi niyang Ruby Gomez ang nakalagay sa adoption papers ni Kimmy.

Nagyakap na sina Kimmy at Emerald…

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 20”

  1. Sweet Says:

    Ang wish pa rin namin ay maikli lang ang role ni Cassie at ang talagang mahal ni Terence ay si Emerald. Maganda ang chemistry nilang dalawa. Cassie will be leaving soon, right?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: