Ysabella, Episode 69

by

Nag-emote na naman sina Venice at Mito together pero hindi ko na pinakinggan. Sorry, guys.

May nagdeliver ng mga bulaklak kay Victoria, pero noong mabasa niya ang sentiments sa card, ibinigay niya sa maid and mga ito. Alisin daw niya sa haparan niya.

Nabalitaan ni Trining na nakabili ng franchise ang mayor ng Victoria’s Chicken. Naisip niya na si Victoria ang nasa likod ng mga kamalasang pinagdadaanan nila. Kinompronta niya si “Andrew” tungkol doon.

Nalaman ni Victoria mula kay Homer na binisita ni Albert si Ysay sa kulungan. Nagdududa na ito na baka ma-inlove si Albert kay Ysay.

Dumating ang galit na galit na si Albert at tinanong ang ina kung bakit niya ipinakulong si Ysay. Hindi raw ba’t walang pakialamanan sa mga plano nila, sabi ng ina. Tinanong niya si Albert kung in-love na ba siya kay Ysay. Siempre dineny niya ito.

Nagalit ang co-worker ni Lima na sinuntok ni Jordan dahil nalaman niyang binigyan ng uno ni Lima sa evaluation niya si Jordan at highly recommended pa siya. Sinabi niyang Lima doesn’t even deserve to be there so sinesante siya ni Lima.

Umiiyak si Venice, tinawagan niya ang daddy niya.

Nakita ni Lima na umiiyak si Bonnie sa desk nito. Nalaman niya mula dito na nagpunta na sa States si Jordan. Umiyak na rin si Lima at tumakbo ito sa isang staircase kung saan kinakain ni Reno ang tanghalian niya (janitor si Reno doon). Narinig niyang kinakausap ni Lima ang sarili niya. Sabi daw ni Jordan ipaglalaban niya ang pag-ibig nila pero bigla na lang itong umalis. Inalok siya ng panyo ni Reno pero bigla na lang siyang tumakbo papaalis. (Pero hindi naman totoong umalis si Jordan, drama lang niya iyon para habulin siya ni Lima).

May nag-akusa kay Ysay na nalason ang asawa nito sa pagkain ng tocino. Pumunta sila sa bahay nito at nakita nilang bumubula ang bibig. Nabuking sila na nagkukunwari lang sila dahil dumating ang anak nila na may dala-dalang pinggan at kinakain ang tocinong gawa ni Ysay. Galit na galit si Ysay at napaamin nila ang mga ito na may nagbayad lang sa kanila para akusahan si Ysay na may lason ang mga paninda.

Sinabi ni Albert kay Burdoy na hinuhuli na siya ng mommy niya. Gusto niyang protektahan sina Ysay pero hindi niya alam kung papaano. Sinuggest ni Burdoy na pabalikin na lang sila sa farm pero ayaw namang pumayag nina Ysay. Sabihin na lang daw kasi ni Albert ang totoo, na mahal niya si Ysay.

Kausap ni Mayor si Victoria. Inassure siya ng mayor na hindi sila nakakalimot sa mga ginawa ni Victoria sa kanila.

Nalaman ni Ysay na pupunta si Victoria sa launching ng Victoria’s Chicken. Naisipan niyang mamasukan sa mga mag-ke-cater ng affair…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 69”

  1. europe Says:

    true, miko and venice are really boring

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: