Pangarap na Bituin, Episode 19

by

Masaya si Kimmy noong nalaman niyang kapatid niya si Emerald. Umiiyak naman si Berns dahil natatakot ito na baka bawiin na siya ni Emerald sa kanila. Nangako si Kimmy na hindi sila maghihiwalay ni Berns kahit kapatid pa niya si Emerald.

Sinadya ni Terrence si Emerald. Ipinaliwanag niya dito na kaya hindi niya sinabi ang tungkol kay Cazzie dahil akala niya wala na sila. Kunwari excited pa si Emerald at botong-boto pa siya kay Cazzie. Pero nalaman niyang naguguluhan si Terrence at hindi nito alam kung magpapakasal pa sila. Tinanong ni Terrence kung okay pa sila. Baka raw kasi may feelings si Emerald sa kanya…baka raw may feelings sila sa isa’t isa. Natural lang daw iyon na magkaroon sila ng feelings sa isa’t isa dahil lahat ng tao may feelings sa isa’t isa — galit, inis, gusto, etc. Ano raw ang feelings nila sa isa’t isa? Mahal raw ba siya ni Emerald? E di siya raw mahal ba siya ni Terrence? Oo raw. Sobrang importante daw si Emerald sa kanya. Wala na raw siyang hihilingin dito bilang best friend. Sinagot ni Emerald na mahal din niya ito bilang bestfriend. Nagbiro pa si Emerald at nagsabing “I love you.” Inakbayan ni Terrence si Emerald.

Nagmamadaling kumain si Kimmy dahil gusto niyang habulin si Emerald sa kanila dahil gusto niyang sabihin ang sa kanilang dalawa. Tinanong niya si Berns kung sa tingin raw ba niya matutuwa si Emerald. Sigurado daw iyon.

Kinukulit na naman ng isa sa mga nag-audition si Alberta. Pilit nitong tinatanong kung nakapasa siya. Inisnab siya ni Alberta at pinagalitan ito ng assistant niya. (Feeling ko may connection iyong babae ka Sapphire).

Sasabihin na sana ni Kimmy kay Emerald na magkapatid sila pero bad trip kasi si Emerald dahil kay Terrence.

Sinabi ni Emerald na alam lang niyang naipit lang si Alberta sa mga reporters noon kaya pumayag itong i-manage si Emerald. Pwede naman daw nilang huwag ng ituloy. Iyon daw ang narinig ng mga tao kaya iyon ang mangyayari sabi ni Alberta.

Hindi alam ni Emerald kung tatanggapin niya si Alberta. Sabi ni Cocoy, plastic nga si Alberta pero sigurado raw na malaki ang maitutulong nito sa career niya. Ayaw pumayag ni Chorva.

Magpipirmahan na ng kontrata between Emerald and Alberta. Gusto ni Cocoy na co-manager siya. She doesn’t work that way daw sabi ni Alberta. Pumayag din siya at the end. Hindi expect ni Emerald na may mga reports at press conference sa contract signing. Hindi raw siya ready pero sinabi ni Alberta na okay lang kasi wala namang magigin improvement kahit na magbihis pa siya. Ipinamake up na lang niya si Emerald. (That bitch…)

Ibinibida ni Berns si Kimmy sa mga kapwa niya reporter. Nakipag-exchange deal siya sa mga ito. Gumawa raw sila ng write up for Kimmy, gagawa rin siya ng write-up para sa mga anak-anakan nito. Samantalang naroroon na naman ang babaeng makulit na pilit nagtatanong tungkol sa audition. Nakita ni Jeffrey si Kimmy doon. Nagpapapansin siya pero hindi siya pinansin (or napansin) ni Kimmy.

Noong magkasarilinan sina Alberta at Cocoy. Kinuwestiyon nito ang abilidad ni Cocoy para maging manager ni Emerald. Quitter daw kasi ito dahil hindi pa siya sumisikat noon, laos na siya. (May band kasi si Cocoy dati at dapat magsa-sign na sila ng contract, pero umurong siya). Marami raw buwaya sa showbiz. Sinabi ni Cocoy na sana raw sinabi ito ni Alberta noong nasa harap nila si Emerald. Pero siempre raw hindi niya gagawin iyon dahil plastic siya. Nagalit si Alberta, dumating si Emerald. Tinanong niya kung ano ang nangyayari. Sinabi ni Cocoy na kay Emerald ang desisyon, pero hindi sila pwedeng mag-co-manage ni Alberta dahil baka magpatayan lang sila.

Umpisa na ng presscon. Ipinakilala na niya ang mga ilo-launch niyang talent kasama si Emerald. Noong pinapapirma na sila, naalala ni Emerald ang mga paalala ni Cocoy at noong inalok siya ni Alberta ng isang daang libong piso at ang iba pa niyang ginawa sa kanya.

Hindi pinirmahan ni Emerald ang kontrata niya. Sinabi ni Alberta na she thinks she forgot to sign the contract. Sinabi niya na sorry daw at nagbago na ang isip niya at hindi na siya pipirma at nag-walk out na ito…

3 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 19”

  1. queen Says:

    Gusto ko ang episode na to, lalo na yung nag-walk out sila, you go girl🙂 Ipakita mo diyan kay Alberta na yan na di mo siya kailangan. Honestly, kilig ang scene nila Terrence and Emerald. LOL

  2. Sweet Says:

    Sana si Emerald at Terence ang maging mag-partner (as lovers not as friends lang) sa ending ng teleserye.

  3. nawawala Says:

    di mo pa naupdate ‘to…. pero di na ako makapaghintay magcomment sa episode kanina (friday)… WALANGHIYA talga yang alberta na yan!!!! f*cking BITCH!!! nakakagigil!!!! bwisit talagaaaaa!!!!!!!! grrrrrrrrrrr…

    *hinahon*

    feeling ko si cazzie parang ginaya yung sa korean drama na “kim sam soon.” yung nagpunta sa states para magpagamot pala at hindi sinabi sa bf (terrence)… siguro ganun din yung sa kanila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: