Natutulog ba Ang Diyos? Episode 46

by

Sinabi ni Patria kay Bernardo na umalis na si Gillian sa poder nina Rose. Dadadagdag pa raw siya sa problema nila. Tutulong naman daw siya kahit papaano. KUng sana raw ginamit niya ang utak niya edi sana raw mas malaking pera ang nakuha niya bago siya umalis.

Pinag-uusapan nina Rose at Mike si Andrew. Akala kasi nila kanina alam na ni Andrew ang pagpapa-DNA test nila. Nalulungkot na si Rose sa nangyayari, ang sabi naman ni Mike na pagkatapos ng DNA test magbabago na ang lahat.

Pwede na raw umuwi si Patria pero kailangang ipagpatuloy ang dialysis. Problema naman nila ang babayaran sa ospital. Nag-volunteer si Gillian. Tama raw na siya naman ang kumilos sa pamilya nila tutal matagal naman siyang nakaranas ng ginahawa.

Nagtataka si Boy kung bakit ganoon ang trato ni Bernardo kay Gillian. Hindi nga rin daw niya maintindihan kung bakit. Bakita ba lagi na lang daw siyang inaayawan. Siguro daw pag maayos na ang lahat, mas mabuti pang mamuhay na lang siyang mag-isa.

Sinita ni Patria si Bernardo sa trato nito kay Gillian. Wala raw matutuluyan si Gillian, saan ito titira kung hindi niya ito tatanggapin. Sinabi ni Bernardo, kasalanan daw ng mga magulang niya nasa poder na nila si Gillian, pinaalis pa nila ito. Pati raw si Andrew lahat ng klase ng panlilibak natanggap na niya mula dito. Sinabi ni Patria hindi kasi nito alam na siya ang ama niya. Kahit na raw, sabi ni Bernardo. Tuturuan pa rin niya ito ng leksiyon.

Iniinspeksiyon nina Gillian at Boy ang kart na gamit sa pagtitinda ng fishballs. Dumating si Mark at sinamahan niya sina Gillian at Boy para sunduin si Patria sa ospital.

Nag-ba-bonding sina Rose, Mike, at Andrew. Sinabi na nila ang mga totoo nilang nararamdaman at mga sama ng loob nila sa isa’t isa. Napag-usapan din nila si Gillian. Sabi ni Andrew she deserves a better family and a better life. At that point naluha na si Rose. Noong tinanong ni Andrew kung bakit, sinabi ni Rose na mahal na mahal nila si Andrew.

Ayan kumanta na si Lani Misalucha…

-Nagkakamabutihan na ata sina Gillian at Mark
-Inaasikaso nina Gillian sina Patria at Bernardo
-Nalaman na nina Rose at Mark ang result
-Tinitignan ni Rose si Andrew habang natutulog

Pagbalik nina Andrew sa Pilipinas. Sinabi ni Rose na dalhin na niya ang pasalubong niya kay Gillian dahil alam niyang kanina pa niya gustong makita ito. Pinapa-imbita na rin niya ito sa bahay nila.

Tuwang-tuwang pinagmamasdan ni Andrew si Gillian habang nagsasampay ito. Nakita niyang biglang sumulpot si Mark at hinalikan sa pisngi si Gillian. Umiyak si Andrew. Umalis si Andrew, nakasalubong siya ni Tina. Ibinigay na lang niya ng walang sabi-sabi ang pasalubong niya kay Gillian kay Tina.

Nagpasorry si Mark kay Gillian dahil nga hinalikan niya ito. Biro lang daw iyon. Bakit ba napapadalas daw si Mark sa kanila? Sinabi ni Mark na wala na sila ni Trish dahil may iba itong mahal.

Kumanta si Shery Regis…

-Naaalala ni Gillian si Andrew, lalo ng noong masaya sila.
-Umiiyak si Andrew at naalala niya noong nakita niyang hinalikan ito ni Mark.

Narinig ni Andrew ang consultation ni Mark sa abugado over the phone tungkol sa kasong pwede nilang isampa [kay Bernardo]. Kinuha ni Andrew ang folder ng DNA results at nalaman niya ang totoo. Dali-dali itong lumabas ng bahay at pinuntahan si Gillian.

Sapilitang isinakay ni Andrew si Gillian sa kotse. Ayaw sumama ni Gillian pero sinabi ni Andrew na kung gusto nitong malaman ang tunay niyang pagkatao, sasama siya. Nakita sila ni Bernardo pero hindi sila nahabol nito…

3 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 46”

  1. nawawala Says:

    off topic: bakit nga pala wala nang WILYONARYO sa wowowee? alam mo ba rason? o dahil dun sa “pandaraya”?

  2. ptvj Says:

    hindi ko rin alam e, napansin ko nga rin na ilang araw ng wala ang wilyonaryo. hayaan mo mag-reresearch ako😉

  3. kim chuy Says:

    hay!
    i also wathed this..
    i felt pitiful of the persons here…
    here there is dishonesty,and many more..

    but, they are nakakaawa..
    iv learned NAKAKAAWA from mah relatives here in the philippines…
    i know that nakaaawa is they need much care,and many more in their lives……

    so ba-bye!
    nxt wik im already going to korea,,,
    i will not make comments coz ill be ready for nxt wik..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: