Ysabella, Episode 68

by

Nakulong si Ysay. Ang sabi ng mga kasama niyang nakulong, may balat daw siya sa puwit dahil hindi naman silang dating hinuhuli doon.

Ayaw silang pagmultahin ng mga pulis dahil Sabado daw at walang opisina.

Nagtatrabaho na si Fernando para sa Victoria’s Chicken. Kinausap siya ni Fernando at sinabing alam niyang ayaw sa kanya ni Lima. Sinabi ni Lima na wala siyang magagawa doon at mommy na niya ang naggdesisyon. Besides, he is the best daw at iyon ang gusto ni Victoria for the company. Gawin na lang daw nilang ang trabaho nilang pareho. Dumating si Jordan at iniabot kay Lima ang isang folder with his proposals. Magaling daw siya sabi ni Jordan kaya huwag na niyang pansinin ang ibang mga tao. Nagpaalam na ito. “Goodluck” daw sabi ni Lima. Nginitian siya ni Jordan.

Nag-e-emote na naman sina Venice at Mito –separately.

Humihingi ng lakas si Ysay sa nanay niya. Nagkaroon ng commotion dahil gustong matulog nina Trining at Alex. Ayaw silang patulugin ng pulis doon. Pero nakapasok din sila sa kulungan at the end.

Habang nasa kulungan sila sinabi ni Trining na kung hindi sana sila nagpunta sa farm, may pwesto na sila sa palengke at nasa States na si Ysay. Ang mga Amarillo daw talaga malas sa buhay nila.

Pag-uwi ni Albert naabutan niyang nakahanda ang mesa at nagluto si Victoria. Mukhang malungkot si Albert. Umalis na raw kasi sina Ysay. Sinabi ni Victoria na sinabi naman niya sa kanya na hindi niya matatali sina Ysay sa kanila. Pinatawag ni Victoria si Lima kay Albert.

Nasa poolside ito at malungkot. Sinabi ni Albert na mahal siya ni Jordan. Hindi raw niya kayang ipagtanggol si Jordan. Huwag raw siyang magpadala sa takot. Ang weird daw dahil parang si Andrew ang kausap niya dahil siya ang romantic sa kanila. Kung sino man daw ang nagpabago sa kanya, maswerte siyang babae.

Tinawagan ni Albert si Ysay. Hindi nito sinabing nakakulong siya. Sinabi ni Albert na namimiss na niya si Ysay. Pagbaba ng telepono, umiyak si Ysay.

Ibinayad ni Venice ang singsing na pamana ng mommy niya para sa pagkakansangla ng titulo.

Nalaman ni “Andrew” na nakulong si Ysay. Galit na galit siya dahil bakit hindi raw sinabi sa kanya ni Ysay noong kausap niya ito sa telepono. Salamat daw sa tulong niya pero hindi totoong ayaw niyang makita si “Andrew.” Masaya raw siyang nakita niya ito kahit na sa kulungan pa sila nagkita.

Natanggap na ni Mito ang titulong hinihintay niya. Pinuntahan ni Mito si Venice sa tabing dagat at nagpasorry ito sa mga nagawa niya. Nagpasalamat din siya dito dahil kung hindi sa example ni Venice (gumawa siya ng mga bagay mali man or tama para lang sa pag-ibig) hindi siya matututong mag-take ng risk. Thanks to her daw, he decided to take her chances with Ysay. Nag-sorry ulit si Mito at nagyakap sila ni Venice…

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 68”

  1. delyn Says:

    basta ang alam ko mahal na mahal na talaga ni albert si ysay at nawala na ang puot at galit sa puso nito!!1

    BINAGO SIYA NI YSAY!!!!!!!!!!!!!

    ako kaya kaylan ako mamahalin ni ANDREW/ALBERT lookalike!!!!!!!!!!!!

    i mean si CHARLES BREGONIA~!!!!!!!!!!!

    kahit na KULOKOY yun minahal ko yun!!!!!

    pero promise kamukha talaga niya si andrew pag naka eyeline
    r sya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: