Pangarap na Bituin, Episode 18

by

Niyakap ni Heart, er, Cazzie si Terrence. Ipinakilala ni Terrence si Cazzie kay Emerald at nagkamay sila. Lagi daw ikinukwento ni Terrence si Emerald sa kanya. Cazzie is staying sa Pilipinas for good. Her answer is ‘yes’ daw sa proposal niya (kahit matagal na siyang tinanong nito — paano kung nagbago na isip ni Terrence, duh!) handa na siang magpakasal sa kanya. Nagpaalam na ang naluluhang si Emerald. Pero noong pababa ito ng hagdanan hindi na niya mapigilan ang pag-iyak niya.

Niyaya daw ni Alberta si Cazzie for dinner and that’s the best time daw para sabihing ikakasal sila. Hindi daw alam ni Terrence ang sasabihin niya kasi bigla na lang siyang bumalik. Dati daw sinabi niyang tatanggapin lang ni Cazzie ang proposal niya kung sasama ito sa States. Bigla na lang siyang umalis ng walang paalam at hindi ito sumasagot sa mga emails niya. Kaya akala niya break na sila. May mga kinailangan lang daw gawin si Cazzie noon kaya niya nagawa iyon. Humihingi ng isa pang chance si Cazzie, unless may iba na raw mahal si Terrence. Sinabi ni Terrence na wala raw. (Hmnp!!!)

Malungkot si Emerald, pero wala naman siyang magagawa dahil walang namang ginawang masama si Terrence sa kanya.

DUring dinner (gusto ko yong dining table nila!) tuwang-tuwa si Alberta at asikasong-asikaso niya si Cazzie. Noong magsarilinan sina Jeffrey at Terrence, tinanong ni Jeffrey kung ano ang ginagawa ni Cazzie doon. Ano raw ang balak niya pakakasalan niya si Cazzie? Hindi makasagot si Terrence.

Inihatid ni Terrence si Cazzie. Kailangan daw nilang mag-usap. Tinanong ni Cazzie kung galit si Terrence sa kanya (hay naku, nabubwisit na ako kay Cazzie). Nagsorry siya, pinatawad siya ni Terrence, nagyakap sila. Sige raw pag-isipan daw muna niya. She just hopes that he still loves her enough to marry her. Sana raw hindi pa raw siya huli.

Ini-interrogate ni Alberta si Terrence tungkol ka Cazzie pero pinipigilan siya ni Benedict. Bigyan daw niya ng privacy sina Terrence at Cazzie.

Kumain sa labas sina Alberta at Cazzie. Pina-uusapan nila ang bag business ni Cazzie na very succesful daw sa New York at laging nababasa ni Alberta ang mga bags niya sa mga magazines. Plano daw mag-relocate ng business ni Cazzie dahil mas maraming mahalaga sa kanya kaysa business. Tinanong ni Alberta kung ano ang plano nila ni Terrence. Nag-iba ang mood ni Cazzie at napansin ito ni Alberta. Inexcuse niya ang sarili niya sa rest room. Sinamantala naman ni Alberta ito at tinawagan niya si Shirley (her assistant?) at sinabing magpatawag siya ng mga reporters dahil may scoop siya sa kanila.

Pinuntahan ni Terrence sina Cazzie at Alberta. Iniwan na sila ni Alberta at sinabing kinansela niya lahat ng mga gigs ni Terrence that day para makapag-spend siya ng time para kay Alberta. Paglabas nila sinalubong siya ng mga reporters at nagtatanong tungkol sa kasalan.

Nagtataka si Terrence kung bakit nalaman n mga reporters ang tungkol sa kasal ngayong sila lang namang magpapamilya ang may alam. Naisip niya baka si Emerald. Tinanong ni Jeffrey kung kinausap na niya si Emerald at itinanong kung may gusto ito sa kanya. Now is the best time to know daw.

Tinext ni Terrence si Emerald sa may pool side noong dumating si Alberta at tinanong kung bakit hindi pa siya natutulog. Sinabi niyang boto daw si Alberta kay Cazzie. She’s going to be good for him daw. For him or for his career daw dahil record producer ang daddy niya? Kasama na rin daw iyon sabi ni Alberta and she knows that Cazzie will be a good wife. Ibinigay ni Alberta ang singsing ng lola ni Terrence para ibigay kay Cazzie.

Umiiyak na pinagmamasdan ni Berns ang photo album nila ni Kimmy. Dumating si Kimmy at sinabing nag-se-senti lang ito. Hindi na niya napigilan ang pag-iyak ng todo. Alalang-alala naman si Kimmy sa pappy niya.

Sinabi ni Berns na from the same orphanage niya nakuha si Kimmy. Kaya raw pala malapit sila ni Emerald dahil nagkalaro na sila noong mga bata pa sila.

Sinabi na ni Berns kay Kimmy na si Ruby, ang nawawalang kapatid ni Emerald…

3 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 18”

  1. queen Says:

    Ano ba yon? Di ko maintindihan, ilang taon na ba sila Terrence at gusto ng magpakasal? Kung niyaya niya si Cassie magpakasal dati eh di ang bata pa nila non?

  2. ptvj Says:

    tama ka diyan! at saka succesful na ang bag business niya sa new york at ginagamit din ng mga celebrities ang mga bags niya? sobrang sikat naman siya. edi ba mga 22 pa lang sila sa istorya? hmnnn…

  3. sheherezad Says:

    uyyyyyyyyyy ayaw ko yun ahhhhhhh na magkayakap cna terrence at cazzie tuloy nasasaktan si ate emerald naku yung cazzie na iyan wag kang magalala ate emerald susuportahan kita kung magppakasal man si kuya terrence at yung cazzie na iyan pupunta tayo sa simbahan at ititigil natin ang kasal!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! parang ganito itigil ang kasal!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! oh!!!!!!!!! diba?????????????????

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: