Natutulog ba Ang Diyos? Episode 45

by

Sinabi ni Andrew kay Gillian na pupunta na sila sa States. Tinanong ni Andrew kung hindi na siya mahal ni Gillian? Hindi na raw sila pwedeng magmahalan sabi ni Gillian. Kailangan daw niyang hindi na niya mahalin si Andrew, sabi ni Gillian.

Inaasikaso ni Bernardo si Patria. Baka raw si Mike ang nagbayad ng dialysis niya. Ayaw maniwala ni Bernardo dahil masama daw ang ugali ni Andrew.

Pinagalitan ni Emma si Mark. Paano daw i-explain ni Emma sa daddy ni Trish kapag nalaman niya ito. E di raw sabihin ni Mark na pinagpipilitan siya nito kay Trish. Gusto lang naman daw ni Emma na ma-secure ang business partnership nila ng daddy ni Trish kaya pinipilit niya si Mark kay Trish.

Sabi ni Gillian na maghanap na lang ng mamahalin si Andrew, iyong walang problema sa buhay. Ibinigay pa rin niya ang singsing kay Gillian at binati siya ng “Happy Birthday.” Tinanggap naman ni Gillian ang singsing at sinabing mag-ingat si Andrew sa Amerika. (Akala ko nung tinawag niya si Andrew, pipigilan niya. Hmnp.)

Kino-comfort ni Boy si Gillian. Mahal pa rin daw niya si Andrew. Isinuot niya ang singsing na ibinigay ni Andrew.

Pinuntahan ni Andrew si Mark. Sinabi niyang wala na sila ni Gillian. Sinabi rin ni Mark na may problema sila ni Trish. Nakita ni Andrew ang regalo ni Mark para kay Gillian. Nagalit ito at sabing paano raw hindi magseselos si Trish kulang na lang lagyan niya ng “I Love You” ang bracelet. Inamin ni Mark na mahal pa rin niya si Gillian. Pero huwag daw mag-alala si Andrew, lumalaban ng patas si Mark.

Umalis na sina Rose, Mike, at Andrew.

Pinuntahan ni Mark si Trish. Inamin niyang mahal pa rin niya si Gillian. Ang sabi ni Trish, matututuhan din naman daw siyang mahalin mahalin nito, sabi ni Trish. Sinabi ni Mark na mahal din naman niya si Trish pero hindi na tama ang ginagawa nila.

Nasa States na sina Andrew. Noong nalaman niyang may doctor’s appointment sila, nagalit si Andrew sabihin na lang daw nila sa kanya ang totoo. Akala kasi niya iiwan na si Andrew doon. Sinundan siya ni Rose at sinabing hindi totoo iyon. Sinabi ni Rose na lagi daw tatandaan ni Andrew na kahit anong mangyari mahal na mahal siya ng mommy at daddy niya.

Binisita ni Boy si Patria sa ospital kasama si Gillian. Una munang pumasok si Boy at sinabi niyang 3 sessions lang daw ang binayaran ng donor para sa dialysis ni Patria. Okay na raw iyon, mukhang gumaganda na raw ang pakiramdam niya sabi ni Patria.

Pumasok na si Gillian. Walang kibo si Patria. Kung sakaling kailanganin daw niya ito na kina Karla lang daw siya. Bakit na kina Karla daw siya, pinalayas daw rin ba siya kina Rose. Sabi ni Patria kung gusto niya doon na siya sa bahay, pero magtiis daw siya dahil masikip doon.

Umiiyak na niyakap ni Gillian si Patria. Dumating si Bernardo at itinanong kung ano ang ginagawa ni Gillian doon.

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 45”

  1. nawawala Says:

    pssst. . Natutulog ba ang Diyos ito🙂

  2. ptvj Says:

    heheh salamat! nalito ana ng mundo ko😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: