Ysabella, Episode 67

by

Itinuloy na ni Ysay ang pag-uwi kahit masakit sa kanya na iwan si “Andrew.”

Pagdating nina Ysay sa bahay nila, nakita nilang may nagvandalize sa bahay nila. Ayaw maniwala na si Victoria na naman ang may kagagawan ng nangyari sa bahay nila, baka mga addict daw ang may kagagawan.

Nalaman nila sa kapitbahay na may mga taong nagtatanong sa kanila. Kahit daw sino ang mga iyon sabi ni Ysay, hindi sila uurong.

Nag-report si Homer ka Victoria at sinabing hindi natinag sina Ysay at doon pa rin tumira. Simula pa raw iyon dahil ipaparamdam ni Victoria kina Ysay ang ibig sabihin ng salitang impyerno.

Pumunta si Ysay sa restaurant ni Mr. Fletcher dahil itatanong niya sana kung available pa ang trabahong ino-offer sa kanya. Nalaman niya na 2 weeks pa nakaalis si Mr. Fletcher at nakakuha na ito ng novice chef. (Ano kaya ang ine-expect niya?)

Narinig ni Reno na kinakausap ni Albert si Butchik. Nag-usap sila at napaamin siya ni Reno, na mahal na niya si Ysay. Sinabi ni Reno na magtapat na siya kay Ysay at sabihin na kung sino talaga siya.

Nakakuha na ng pwesto si Ysay sa tulong ng kapitbahay nila na labandera ng mayor.

Nag-report na naman si Homer at sinabing laging maraming tao sa pwesto ni Ysay at agad silang makakabawi. Not if she can help it daw sabi ni Victoria. Hindi raw siya titigil hangga’t hindi sila nakalugmok sa kanilang kinalalagyan

May babaeng nagrereklamo kina Ysay. Kinuha daw nila ang pwesto nila. Muntik na silang mag-away. Dumating si madam (hindi ko alam kung sino iyon, basta madam lang ang tawag) at tinignan niya ang dala dalang permit at sinabi nga niya na ang mga babaeng dumating ang may karapatan sa pwesto nina Ysay.

Nag-ayos ng parang gazebo si Mito sa tabi ng dagat wth candle lights all over. Isinayaw pa niya si Venice, ang sound daw ng waves ang music nila. Sinabi ni Venice na iyon raw ang pinakamasayang moment sa buhay niya, wala pa raw gumawa ng ganoong sa kanya. Hinalikan ni Venice si Mito pero hindi gumanti si Mito. “I’m sorry Venice,” ang sabi niya.

Problemado sina Ysay dahil hindi nila alam kung saan sila magbebenta.

Nalaman ni Mito na naroroon na ang titulo ng lupa. Nakasalubong kasi niya ang pinaganungan nila dati ni Venice doon sa lalaking pinagsanglaan niya ng lupa. Kinompronta ni Mito si Venice. Inamin ni Venice na mahal kasi niya si Mito at alam iyang aalis na ito at babalik na kay Ysay kapag nakuha na niya ang titulo.

Nararamdaman daw ni Venice na siya ang ginagamit ni Mito not the other way around. Dahil nga sa mga gestures ni Mito.

HAY NAKU I AGREE! ANG TANGA NAMAN NI MITO KUNG HINDI NIYA EXPECT NA MAMIMISINTERPRET NI VENICE ANG MGA GINAGAWA NIYA.

May mga lalaking lasing na nambabastos kina Ysay noong nagbebenta sila sa kalye. Nag-aaway na sila noong dumating ang mga pulis at nahuli si Ysay.

Nagbi-viva naman si Victoria dahil nakakulong na si Victoria…

5 Tugon to “Ysabella, Episode 67”

  1. delyn Says:

    ang sama talaga ni victoria!!!!!!!!!
    la syang kasing sama!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    pao ang ganda ng preview ng ysabella bukas ha!!!!

    ano kaya ang isasagot ni albert sa kanyang ina pag tinong siya nito kung mahal na niya si ysay!!
    umamin na kaya sya???
    pero sa tingin ko d pa kasi nasesnse ko na tatagal pa ang ysabella.
    at kahit noong mas maaga pa ang ysabella ay lagi na akong pinagagalitan ay lalo ko pa itong papanoorin dahil mas gumagansa ang kwento niya!!!

    buti na lang at may computr shop ang tito ko at fre ang laro ko pro limited lang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    saya talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. Rose Says:

    Sana makalaya na agad si Ysay para tuoy tuloy lang ang labanan nila ni Victoria.

  3. nawawala Says:

    walang kwenta talaga si mito at venice!! at naiinis ako kay venice. maarteng di maganda ang arte na hindi ko maintindihan! puro boobs at labi lang nakikita ko sa kanya!!! ewan ko ba!
    tsaka tanga nga ni mito eh! bakit nya pinaaasa si venice? korni pa ng sabi nya tungkol sa music… yung mga alon daw yung music nila…. wateber. nakakasuka! heheheheh!!! hay naku, pilit na pilit talaga ang scenes/loveteam nilang dalawa!

    natatawa pa ‘ko sa sinabi ni victoria na “mabubulok” daw sa kulungan si ysay! ano kaya yun, illegal vendor lang mabubulok na don! tapos pagkita mo sa susunod na episode nakalaya na agad! bwehehehe…

  4. queen Says:

    Nagpaka-bum na si Mito. May sarili silang teleserye ni Venice. Hindi naman magaling magdialogue si Angelica. Bakit di pa tapusin ang plot na to?! “Kasi mahal kita”, grrr! ang pangit ng character niya, as in laging nababaliw sa lalaki. Sa totoo lang, parang mataba si Angelica, especially sa 9/27 episode, para siyang buntis!

  5. sheherezad Says:

    sana mkulong na si victoria

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: