Pangarap na Bituin, Episode 17

by

Tahimik lang si Berns pagktapos nilang panoorin ang interview nina Terrence at Emerald. Ayaw niyang sabihin kay Kimmy ang totoo. Naiiyak na ito na niyakap si Kimmy. Akala ni Kimmy natouch lang siya sa istorya ni Emerald.

Pagkatapos ng interview at may nagpapicture sa kanila na mga fans. Nalaman nilang gusto daw silang iinterview ni Boy Abunda sa Boy and Kris.

Tinanong ni Berns if he was pushing Kimmy too hard sa pag-aartista. Hindi naman daw, sabi ni Kimmy pero nakakapagod din daw minsan kapag na-re-reject siya. Tinanong rin niya kung napapagod si Kimmy na kasama siya doon. Niyakap siya ni Kimmy at sinabing she ang best pappy ever.

Bago ang interview, pinuna ni Alberta ang suot ni Emerald (Pero bagay naman ang suot niya, match sila ni Terrence). Sa interview, pinakuwento nina Boy at Kris ang buhay nila. Sa audience, sinabi ni Kimmy kay Berns na kailan kaya siya maiinterview tungkol sa buhay niya habang tuwang-tuwang nanonood sa interview.

Sabi ni Boy with her great talent, bakit ngayong lang daw siya nadiscover. Tinanong din ni Kris, aside from opening that door of showbiz to her, ano pa raw ang gustong itulong ni Terrence kay Emerald? Gusto daw niyang tulungan pa na hanapin ang pamilya into at kung sakaling patay na sila, mahanap man lang kung saan sila nakalibing. At gusto rin nilang hanapin si Ruby. Ano raw ang message ni Emerald kay Ruby, tanong ni Boy: “Ruby, umuwi ka na.”

Nag-duet sina Emerald at Terrence ng “Naaalala Ka.”

Maraming nagpapapicture at nagpapa-autograph kina Emerald at Terrence pagkatapos ng interview.

Hinabol ni Terrence sina Emerald at Kimmy. May musical special daw silang iniaalok at sinabing kasama sina Kimmy at Emerald. Tinanggihan siya ni Emerald (dahil naroroon siguro si Alberta).

Nalaman ni Terrence na lumipat na ng apartment sina Emerald. Hindi maintindihan ni Terrence kung bakit siya iniiwasan ni Emerald. Dalawang reasons daw kung bakit galit sa kanya si Emerald, sabi ni Jeffrey: It’s either galit daw si Emerald sa kanya or may gusto ito sa kanya.

Nagpe-perform si Emerald sa club na kinakantahan nila. May duet pa sila ni Emerald. Masayang nanonood sina Berns, Cocoy, at Chorva.

Sinabi ni Emerald kay Kimmy na nagtataka siya dahil nahihirapan siyang makipagkaibigan before dahil marami ng mga taong nang-iwan sa kanya pero sa kanya daw umpisa palang feeling close na siya dito. Baka daw sisters sila in past life sabi ni Kimmy. Hindi raw siya naniniwala sa past life. Naluluhang pinakikinggan sila ni Berns.

Nakita ni Terrence si Emerald, pero tinangka niyang pagtaguan. Nakita na siya ni Terrence kaya hindi na siya nakapagtago. Habang nag-uusap sila nakita ni Chorva ang picture nina Emerald at Terrence sa diyaryo noong nagtatalo sila sa labas ng studio ng Boy and Kris. LQ daw sila sa sa diyaro. Sabi ni Terrence ganyan daw talaga kapag sikat na. Wala daw iyon sabi ni Emerald dahil magkaibigan lang naman daw sila.

Hindi makatulog si Terrence at naalala niya si Emerald at ang sinabi ni Jeffrey na may gusto ito sa kanya.

Sinabi ni Emerald na ayaw na niyang mag-back-up singer kay Terrence. Sinabi ni Emerald na alam naman niya inimbento lang ni Terrence na kailangan niya ng back-up singer. Salamat na lang daw sa maraming tulong.

Tinanong ni Terrence kung dahil daw ba tungkol sa sinabi ni Emerald datina may nararamdaman ito sa kanya. Pag-usapan daw nila, ayaw niyang iniiwasan siya nito. Aaminin na sana ni Emerald…

Kaso biglang pumasok si Heart Evangelista sa eksena.
..

(Ayan, umpisa na ng “Mito at Venice” part 2. Mga nagbabantayan ng mga syota…)

6 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 17”

  1. queen Says:

    I agree. Bakit kailangan pang ipilit sa eksena ang mga syota nila? Pumapangit ang story. Like yung Mito-Venice plot, paikot-ikot, wala nang connection sa storyline ng main characters. As in parang may sarili na silang teleserye. LOL

  2. nawawala Says:

    wtf?! eksena rin si heart?!??!?! tsk!

  3. ptvj Says:

    queen: oo nga para silang may sariling mundo!

    nawawala: oo siya siguro si cazzie na sinasabi nila before. ang galing di ba, bantayan na lang ng mga syota ang mga teleserye ngayon😉

  4. dana Says:

    love the last sentence. sooo true. bantayan ba?! hahayyyyy….

  5. hEaVEn Says:

    hay nako! magttry silang magbuild up ng bagong tandem tapos isisingit ang true life syota. ano ba ito?!

  6. queen Says:

    Siguro, package deal. LOL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: