Natutulog ba Ang Diyos? Episode 45

by

Hindi na raw marerefund ng buo ni Gillian ang tuition fee niya dahil nag-umpisa na ang klase. Si Karla ang nanghihinayang sa hindi pagpapatuloy ni Gillian ng pag-aaral niya.

Binigyan ni Mark ng regalo si Andrew dahil birthday niya. Papunta daw si Andrew sa kanila dahil kailangan niyang magpatulong na hanapin si Gillian.

Tinanong ni Karla kung ano ang plano ni Gillian, sinabi niyang babalik na raw siya sa bahay nila. Nalulungkot naman si Karla dahil naalala niya ang nanay niya. Sabi ni Gillian sana raw maging masaya silang magnanay.

Dumating si Bernardo sa ospital at noon lang niya nalaman na may tumulong kay Patria para makapagpa-dialysis ito. Sinita siya ni Boy dahil sigurado raw na nakipag-inuman na naman ito. At kahit nga si Tina hindi niya pa niya nahahanap.

Naabutan ni Boy na kausap ng kapitbahay nila si Gillian at sinabing nasa ospital si Patria.

Umiiyak si Bernard dahil pati raw ngayon si Boy iniisip na wala siyang ginagawa para sa pamilya nila. Nag-se-self pity na naman siya. At buti pa raw ang ibang tao sabi ni Bernardo tumtulong samantalang ang sarili nilang anak binabalewala sila (As if naman porke’t sinabi mo kay Andrew na kayo ang totoo niyang mga magulang agad siyang maniniwala🙄 ).

Nagpunta sa ospital sina Andrew at Mark at magbabakasaling naroroon si Gillian. Nakasalubong nila si Bernardo. Nagkasagutan na naman silang “mag-ama.” Maramot daw siya, kahit sana bilang tao tinulungan niya si Patria, kahit hindi na bilang anak niya. Tandaan daw niya ang ginawa niyang iyon.

Hindi alam ni Gillian kung bakit galit si Boy sa kanya. Umiiyak na si Boy dahil lahat daw sila wala silang malasakit sa nanay nila, wala daw silang pakialam kung mamatay na ang nanay nila. (Naks, ang galing ni Boy, baka siya ang bigyang ng teleserye sa susunod). Mag-isa lang daw siya noong nakita niya ang nanay nilang nakahandusay sa sahig. Sinabi ni Gillian na ni-refund niya ang tuition fee niya para makabili sila ng gamot ng nanay nila.

Naglalasing si Bernardo.

Tinawagan ni Gillian si Rose para sabihing ni-refund niya ang tuition fee dahil kailangan ng nanay niya. Sinabi ni Rose na bumalik na si Gillian sa kanila pero sinabi ni Gillian na kailangan siya ng pamilya niya.

Pagbaba niya ng telepono, dumating si Mike. Umiiyak na ikinuwento ni Rose ang nangyari. Kailangan ba daw nilang magpunta sa States? Oo raw dahil mabilis ang resulta ng DNA test doon. Paano raw kung si Gillian talaga ang tunay nilang anak, andami na nitong pinagdaan sa pamilyang maaring hindi naman niya tunay na pamilya. Life is so unfair daw.

Ikinuwento ni Andrew kay Mark ang sinabi ni Bernardo na sila ni Patria ang tunay nilang mga magulang. Narealize nila na baka si Gillian ang totoong anak ng mommy at daddy ni Andrew. Ano raw klaseng biro iyon, ang dapat na buhay ng babaeng mahal niya, iyon ang buhay niya ngayon. Naisip ni Andrew na dapat daw nilang subukan sa bahay nina Gillian baka sakaling naroroon ito. Tinawagan ni Emma si Mark at pinauuwi ito.

Pumunta si Gillian sa ospital pero tulog pa si Patria kaya umuwi muna ito dahil baka mabigla lang ang ina kapag nakita niyang naroroon si Gillian.

Umuwi na si Tina at mukhang sinaktan lang siya ng lalaking sinamahan niya. Aawayin pa sana niya si Tina kaso nakita siya ni Boy at pati ang mga kasama sa trabaho ni Boy mukhang aalma na rin kaya umurong ang lalaki.

Ginagamot ni Gillian ang pasa sa mukha ni Tina. Kailangan daw niyang magsumbong sa pulis. Bakita daw siya sinasaktan ng nanay nila hindi siya nagsusumbong. Concern lang naman daw sila sa kanya sabi ni Boy. Matagal na raw siyang hindi umaasa sa pamilya nila padabog na sabi ni Tina.

Binigay na ni Boy ang regalo niya kay Gillian. Isa itong angel at pwede ka raw mag-wish. Pinag-wish ni Boy si Gillian. Sana raw magkasama-sama na silang magpapamilya. Narinig ito ni Tina.

Noong pauwi si Mark, tinitignan niya ang bracelet na ireregalo sana niya kay Gillian. Pumasok ito ng bahay at na-surprise siya dahil may mga balloons and flowers, kinuha ni Trish ang bracelet at isinuot. Nakita niya ang naka-engraved sa bracelet: “Gillian.” Tumakbo ito papalabas ng bahay. Sinabi ni Mark na wala raw siyang dapat ikagalit dahil birthday gift lang daw niya iyon kay Gillian dahil birthday nina Gillian at Andrew.

Mabuti pa raw sila naalala ni Mark ang birthday nila. Samantalang anniversary nila hindi niya naalala. (Mga gagad kasi kayo, hintayin niyo muna kasing ibigay sa iyo ang regalo bago kayo kiligin! At ikaw naman Mark, matuto kang magtago. Sus)

Pinaghahanda nina Boy at Gillian ng damit si Patria para sa pagpunta nila sa ospital kinabukasan.

May kumatok sa pinto, binuksan ito ni Gillian: si Andrew…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: