Ysabella, Episode 66

by

Nagwala si Victoria, pinaalis na nina Albert si Ysabella at kinausap niya ang mommy niya. Galit na galit si Victoria kay Andrew.

Ten years later, pagkatapos muna niyang hinayaang maglitanya ang nanay niya doon niya sinabi ang balak niyang paibigin si Ysay at saktan ito pagktapos. Hindi impressed si Victoria sa plano ni Albert, paano raw kung siya ang mabitag sa sarili niyang plano. Makamandag daw si Victoria. Hindi raw mangyayari iyon sabi ni Albert.

Gustong bumalik ni Ysay para i-check kung okay lang si “Andrew.” (Hay naku, e di sana tawagan mo na lang sa cellphone niya).

Hahayaan daw ni Victoria si Andrew, pero huwag din daw siyang pakikialaman nito sa mga gagawin niya.

Bumalik

Naririnig ni Jordan na bina-bash ng mga officemates nila si Lima. Tumayo ito at ipinagtanggol ni Lima si JOrdan. Paano raw ito makikinig sa isang palpak at boba. Sinuntok ni Jordan ang lalaking nagsabi nito. Sinabi ng lalake na hindi raw papasa sa evaluation si Jordan. Wala raw siyang pakialam sabi ni Jordan.

Kinakatok ni Ysay si “Albert” sa pinto ng kwarto ni “Albert” at pilit itong pinapalabas. Or else daw wawasakin niya ang pinto. Biglang binuksan ni Albert ang pintuan at nag-land si Ysay sa kama ni Albert.

Sinabi ni Albert na okay lang siya. Sinabi ni Ysay na baka raw hindi na niya matutupad ang pangako nila sa isa’t isa. Napansin niya na parang clueless si Albert sa sinasabi nito. Pero nakabawi rin siya noong naalala niyang sabihin si Butchik.

Sinabi ng lalaking sinapak ni Jordan na naglalakad lang daw siya at nabangga lang niya ito ay bigla na siyang sinuntok nito. Pinatawag ni Lima si Jordan kay Bonnie pero pinagkaisahan si Jordan ng mga mga coworkers nila. Nag-walk out si Jordan dahil mukhang hindi siya pinaniwalaan ni Lima. Pagkatapos ng meeting, sumilip si Lima sa pinto at nakita niyang nagtatawanan ang mga inakusahan ni Jordan na nangmamaliit sa kanya.

Tinawagan ni Victoria si Homer (ew, pareho kami ng phone ni victoria!!!), at sinabing umpisahan na nila ang pinapagawa niya. Sinabi ni Homer na sigurado raw ba siyang iyon nga ang plano ni Albert? Tignan daw nila sabi ni Victoria kung magagawa nga ng anak niya ang pinaplano niya.

Niyaya ni Ysay si Andrew na puntahan na nila si Butchik. Hindi pa rin kilala ni Albert si Butchik kaya pati si Reno, nakisama na sa pagtatanong nina Alex at Trining na kung sino si Butchik.

Ang sabi ni Albert, kay Ysay na nila itanong. Ayaw sabihin ni Ysay dahil sikreto daw nila iyon. Hinila ni Ysay si “Andrew” papunta kay Butchik.

Naiyak si Albert noong binasa niya ang sulat na ginawa ni Andrew kay Ysay. Binasa na ni Ysay ang sulat niya kay Andrew.

Sinabi ni Ysay hindi niya sinasadyang mapalapit kay Andrew pero na mahal na niya ito.

Albert: “…huwag ka ng umalis.”
Ysay: “kailangan…”

At nagyakap sila…

8 Tugon to “Ysabella, Episode 66”

  1. Rose Says:

    Sa totoo lang inis ako kay Ysay sa epi na to tama ka dapat tinawagan na lang niya si Albert well sabagay mabuti na rin pala dahil nagkabasahan na sila ng sulat.

  2. delyn0831 Says:

    sa tingin ko may gusto narin si albert kay ysay at satingin ko mahal na niya ito.~!!!!! sana naman para masaya pero paano si victoria???

    kaya ba ni Albert na kalabanin ang sarili niyang ina????

    isang malaking palaisipan sa lahat…

    kaya naman panoorin pa rin natin ito kahit na gabi na!!!!!!!!!!

    ako nga maaga pa ang pasok ko pero pinapanood ko parin ang YSABELLA!!!!!!!!

    5am gising na ako pero 12 na ako natutulog!!!

    sya nga pala 3rd year high school pa lang ako!!!!!1

  3. sweetie_yukina Says:

    grabeh..sorry if some of you will think mababaw ang luha ko pero iniyakan ko ang episode na ito.and i would definitely keep watching it on youtube if it gets uploladed.

    i love ysay’s and albert’s moment, while reading the letter.priceless talaga..

    i love this show.keep it up!!

  4. ptvj Says:

    rose: inis talaga ako kasi obviously na nagtatalo iyong magnanay. kasi malay mo ayaw makipag-usap ni “andrew” after. kasi ako, kapag ayoko ng kausap, kahit well-meaning pa iyong mga gustong kumausap sa akin, hindi ko maaappreciate iyon.

  5. queen Says:

    Inis ako kay Albert aka Andrew at sa scriptwriter nito. I think what he’s doing to Ysay is so mean. Harap harapan niya niloloko si Ysay dahil sa paglihim niya na patay na si Andrew plus nagpanggap pa. Samantalang si Ysay is so sincere sa emotions niya assuming na si Andrew ang kausap niya. Mean, mean mean! I don’t think I can forgive someone for playing me, especially not telling me na patay na pala ang good friend ko.

  6. nawawala Says:

    oo nga bakit di na lang nya tinawagan si “andrew”! di man lang muna nyang hayaang palamigin yung away ni victoria at andrew… kulet!

    tapos………… namiss ko yung totoong andrew nung binabasa ni albert yung sulat!!! =(

  7. Sleeplessinwgtn Says:

    Very touching ‘yung facial reaction ni Albert when he was reading his twin brother’s letter to ysay. He must be touched by Andrew’s sincerity and selfless attitude to loving Ysay. He’s the only major character in this story who is not vengeful… maybe that’s why he’s dead. Di s’ya masamang damo.

  8. mhe Says:

    naku at the end si andrew amarillo ang main character dito, nakaka-miss tuloy si andrew

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: