Pangarap na Bituin, Episode 16

by

Inamin ni Berns kay Cocoy na hindi nga niya anak si Kimmy pero hindi niya gustong mapag-usapan ito palagi. Dahil kahit kapirasong papeles lang ang ugnayan nila, mga puso naman nila ang magkadugtong.

Tinanggihan ni Emerald ang imbitasyon ni Terrence na sumama sa isang party dahil may pinapagawa daw si Chorva sa kanya. Kinulit ni Terrence si Chorva at pilit na tinatanong kung galit sa kanya si Emerald. Siniguro naman ni Chorva na hindi ito galit sa kanya.

Nagkita ulit sina Jeffrey at Kimmy. Hindi pa rin humihingi ng sorry si Jeffrey at ayaw niyang tantanan ni Kimmy. Tinakot ni Berns si Jeffrey, ala-Pacquiao ang dating. Mukhang natakot naman si Jeffrey.

Bago magsimula ang concert tuwang tuwang sinisilip nina Chorva at Kimmy ang audience. Naroroon si Kristine Hermose, Dominic Ochoa, at iyong lalaki sa Pedro Penduko na hindi ko alam ang pangalan (nasa likdo nila iyong gumanap na Wilma sa Flordeluna at iba pang taga Going Bulilit).

Sa backstage, tinanong ni Alberta kung kinakabahan si Emerald. Sinabi niya na sanay naman siyang kumanta sa harap ng maraming tao. Pa-sarcastic na sinabi ni Alberta na oo nga naman daw sanay siyang kumanta sa harap ng maraming lalake na umiinom na beer. Ipinaalala niya kay Emerald na ibang klase ang audience niya doon at hindi siya pwedeng magkamali. Emerald excused herself pero pinigil siya ni Alberta at sinabing dahil lang kay Terrence kaya siya pumayag na maging back-up singer siya pero next time sisiguraduhin na niyang hindi na magkukrus ang landas nila.

Bago matapos ang set nina Terrence, nag-speech siya at sinabi niya ang nakaraan niya (dahil nga benefit concert ito sa Bantay Bata) at sinabi niyang utang na loob niya lahat kay Emerald ang hindi niya pagsuko sa buhay. Akala ni Alberta siya ang sasabihin ni Terrence na naging inspirasyon niya para kumanta.

Ipinakilala ni Terrence si Emerald at nagperform ng solo si Emerald. (Hindi ko alam ang title ng kanta).

Tuwang-tuwang nanonood sina Cocoy at Berns habang masama ang tingin ni Alberta. Standing Ovation ang performance ni Emerald.

Masayang masaya ang sina Terrence dahil sa success ng concert. Sinabi ni Emerald na munti na niyang suntukin si

Initerview sina Kristine Hermosa at Dominic Ochoa, ang iba pang mga celebrities noong papalabas sila sa concert venue at bilib na bilin sila kay Emerald.

Sinalubong ng mga reporters sina Emerald and company. Pinatawag ni Alberta si Terrence. Nalaman ng mga reporters na wala pa siyang manager. Tinanong ni Berns na ano ang masasabi niya sa napapabalitang tinanggihan siya ni Alberta para imanage.

Saktong padating si Alberta at in-announce niyang siya ang magmamanage kay Emerald. Pagkaalis ni Alberta, nag-umpisang intrigahin ang mga reporters sina Emerald at Terrence. Pinutol na ni Terrence ang interview at sinabing may pupuntahan pa sila. Pero not before the reporters asked kung girlfriend niya si Emerald. Sinabi niyang kaibigan lang niya ito.

Nagtataka si Emerald kung bakit sinabi ni Alberta na siya na ang manager nito. Sinabi ni Cocoy na ganoon daw talaga maraming mga plastik. E di kung sinabi raw ni ALberta na gusto siyang imanage edi magpamanage siya basta huwag lang daw siyang magpapaniwala sa lahat ng mga sasabihin ni Alberta. At naroroon din daw siya para gabayan ang anak niya.

Proud na proud si Terrence kay Emerald habang kinukwento niya kay Jeffrey. Maabot na raw nila ang mga pangarap nila, magigin sikat na si Emerald.

Napanood nina Kimmy at Berns ang interview nina Terrence at Emerald sa The Buzz with Cristy Fermin. Ipinakuwento ni Cristy ang nangyari sa kanila sa Albay. Narinig ni Berns na Ruby ang pangalan ng bunsong kapatid ni Emerald at sa St. Joseph’s Orphanage sa Naga ito galing. Narealize ni Berns na magkapatid sina Kimmy at Emerald…

Oh my God!!! I got goosebumps…LOL.

Isang Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 16”

  1. nawawala Says:

    gusto ko ‘to kase ang bilis ng lakad ng istorya! alam na agad ni papi na magkapatid si emerald at kimmy! =)
    tapos natawa ako dun sa sinabi ni jeffrey nung sinabi ni kimmy na isusumbong daw sya sa papi nya.. yung sabi “anong gagawin sa ‘ken ng papi mo? kukulutan? kukulutan nya ‘ko?” hahahahah!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: