Natutulog ba Ang Diyos? Episode 44

by

Nalaman na ni Bernardo na nasa ospital si Patria, pinuntahan niya ito sa ospital at pilit na pinapalakas ang loob nito kahit alam naman nilang parehong wala silang pagkukunan ng pera.

Si Boy rin, nawawalan na ng pag-asa. Umuutang ito sa amo niya sa trabaho pero hindi siya nakautang. Kahit ang nagbibigay ng 5-6 hindi siya napautang dahil baka raw hindi niya kayang bayaran ito. Nakasalubong niya si Andrew sa may sa kanila. Hinahanap ni Andrew si Gillian. Sinabi ni Boy na wala roon si Gillian at sinabi nitong salbahe siya dahil noong huli itong nagpakita kay Patria, pinaiyak niya si Patria. Sinundan ni Andrew si Boy at nakita nito ang hirap ng paghahanap ng pera ni Boy para lang maipagamot si Patria.

Samantalang kinikilig namang ipinakita ni Trish kay Emma ang bracelet na binili ni Mark nong nag-shopping sila. Akala niya regalo niya iyon sa kanya.

Binisita naman ni Karla ang nanay niya sa kulungan, nag-emote silang mag-ina. Minerva is a changed woman, wala ng poot sa kanyang dibdib at tanggap na niya ang sentensiya sa kanya. Ten to fifteen years daw ang sentence niya and by then almost 40 na si Karla at siguro may pamilya na raw ito. Ayaw niyang magpabisita dito kapag nalipat na siya correctional dahil daw mas madali sa kanila iyon. Umiiyak ang mag-ina. Humingi rin ng tawad si Minerva kay Gillian dahil nadamay pa ang pamilya nito sa mga ginawa niya noon.

Nabigla sina Patria at Boy dahil sinabi ng nurse na naka-schedule na siya for dialysis dahil may anonymous donor na nagbayad para sa treatment niya.

Birthday ni Andrew, pinaghanda siya ng cake ni Rose pero walang party dahil nga mababa ang mga grades niya. Dumating si Mike, binati niya si Andrew at inilagay niya sa mesa ang mga plane tickets nilang magpapamilya at aalis na sila Patungong States kinabukasan…

Slow ang takbo ng story ngayon…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: